"Tara dito upo muna kayo ! " alok naman sa kanila nito ..sabay sabay naman silang umupo sa couch gayun din ang dalawang kasama na may pagtataka sa mukha habang nakatitig kay Austin na kasalukuyan sinusundot pa rin nang bahagya ang tagiliran ni Rckey.

"Ah oo nga pala guys! This si Austin my friend ..." Pakilala ni Rckey habang nakatingin sa dalawa ni Jhana at Denver."...and Austin this is Jhana.." Sabay lahad nang kamay Kay Jhana "...and this Denver" at Denver naman.

"They are my classmate and bestfriend too" pahabol pa nito kay Austin na tumatango tango lang habang nakangiti.

"And you met Tyler yesterday right?!" Lingon sa kanya ni Rckey sabay tingin kay Austin .

"Yeah...hi guys nice to meet you !" Anito sabay lahad nang kamay sa dalawa ni Denver.

"Can you speak Tagalog too Austin?!" Hyper na tanong dito ni Jhana habang ngiting ngiti napabaling naman sya sa katabi nitong si denver na madilim ang mukha..hmm mukang nangangamoy selos ah.

"Haha oo naman so kayo pala ang bagong kaibigan nitong si Rckey ."ani Austin sa isang masiglang tinig ..pansin lang nya parang iritado lagi ang tono nito pagdating sa kanya .

"Oo saka alam mo bang ang daming chicks nyan sa school!" Biro naman ni denver habang nakatawa bahagya syang lumingon sa gawi ni Sam na busy sa laptop nito siguro ay busy as principal..hindi man lang ito lumingon sa biro ni Denver sabagay biro lang naman yon.

"Talaga?! Haha chickboy ka pala ha !" Ani Austin habang nakatingin sa katabi nitong si Rckey na nakakamot lang sa ulo. 

Maya maya ay biglang tumayo si Rckey sa kalagitnaan nang katuwaan .

"I just prefer some foods guys ...dyan muna kayo" paalam ni Rckey pero mabilis na tumayo rin si Austin.

"Samahan na kita!" Anito sabay sunod kay Rckey sa kusina. Nagpatuloy naman ang asaran na naman nila Denver .

"Hmp! Tampo ako sayo Jhana my loves?" Maya mayay parang baklang tugon ni Denver habang nagiinarteng iniirapan ang nakangangang si Jhana.

"Ano naman drama yan ha Denver.?" Litong sabi ni Jhana .

"Eh kasi ikaw eh ang lagkit nang tingin mo dun sa Austin na yon!" Tampo pa rin nito na ikinatawa lang nya .

"Baliw ka ba ..pakialam mo ba saka gwapo naman talaga si Austin ah !" Ani Jhana .

"Hmp basta mas gwapo pa rin ako dun ! Hindi ka nya maaagaw sakin!" Arte pa rin ni Denver .

"Guys can you do me a favor ?.." Agad syang napalingon kay Sam busy pa rin kasi ang dalawa kaya mukang sya lang ang nakarinig.

"Ano yun Sam?" Tanong nya .

"Can you ask Rckey kung pwedeng pakikuha yung flashdrive ko sa kwarto nya ? Nagmamadali kasi ako salamat" anito na ikina tango lang nya iniwan nya ang mga ito sa sala at dumeretso sa kusina pero hindi pa sya lubusang nakakapasok ay nagulat sya sa nasaksihan .

"Baby." Nanlalaki ang mata nya sa narinig mula sa labi ni Austin na bahayang nakaharap kay Rckey na busy sa pagtitimpla nang juice ..tama ba ang mga narinig nya ? Tinwag na baby ni Austin si Rckey.

"Tigilan mo ko sa kakababy mo dyan Austin" malumanay na boses ni Rckey habang abala pa rin.

"Sige na kasi pumayag ka na baby" nanlalambing na sabi ni Austin at bahagya pang lumapit kay Rckey...mabuti na lang at nakatalikod ang mga ito .,at dahil hindi na nya matagalan ang sitwasyon ..kanina pa sya pinagpapawisan sa nakikita at may kung anong kirot syang nararamdaman ..nagkunwari syang kararating lang saka tumikhim ...mabilis naman na lumayo si Rckey kay Austin.

"o-oh ikaw pala Tyler , you need anything ?" ani Rckey habang hindi makatingin sa kanya ...tumikhim muna sya bago magsalita .

"uhm. May pinapautos lang si Sam .. kung pwede daw pakuha nang flashdrive nya sa kwarto mo ." mahinang aniya habang hindi mapigilan tumingin nang masama sa katabi nitong si Austin..hindi nya rin maintindihan pero simula nang makilala nya itong Austin na to ay lagi syang nawawala sa mood .

"ah right! Austin can you prepared this instead were just going upstairs" ani Rckey pagkatapos ay lumabas na sila nang kusina sumunod sya dito hanggang labas nang kwarto. Diretso na itong pumasok sa kwarto   nang maya maya ay dumungaw ulit to.

"Uhm...the flashdrive right?" kamot ulong tanong nito ..na ikinatango lang nya...hindi
nya alam pero bakit parang ang cute cute nito sa paningin nya .

"ok ..sorry. just hang in there." anito sabay pasok ulit sa loob . Pilit naman nyang kinakalimutan ang cute na mukha nito .

"SHIT!! " nagulat sya nang humahangos na lumabas nang kwarto si Rckey habang hawak ang cellphone nito .

"May problema ba?" tanong nya habang nakasunod dito pababa ...pero mas bumilis lang ang lakad nito papunta sa baba.

"oh ..did you find the flashdrive?" ani Sam nang makapunta sila sa sala ...pero imbis na tumugon ay mabilis na inilock ni Rckey ang lahat nang pinto ...mas lalong tumindi ang ang pagaalala nya dahil sa mga ikinikilos nito ano ba talagang problema? nang magawi naman ang tingin nya kay Sam ay tila bigla itong sumeryoso .

"Rckey what's happening?" seryoso at walang emosyong tanong nito habang unti unting inaayos ang mga gamit na laptop.

Habang sa kabilang banda naman ay patuloy lang sa pagaasaran sila Denver at Jhana..walang alam sa nangyayari.

"Com. send a message , they know." mahinahon ngunit seryosong tugon ni Rckey kay Sam...at parang sa isang saglit ay naging balisa si Sam .

"SHIT !!! Austin!!" sigaw ni Sam habang mabilis na tumakbo papuntang second floor.

"Makasigaw ah ! eto na nga yung miryenda oh!" ani Austin habang hawak ang tray na may lamang tig iisang slice nang chocolate cake at juice...bahagyan namang nangunot ang noo nito nang makita hindi magkandaugaga si Rckey sa pagsara nang mga bintana at kurtina...napalingon din ito kay Sam na nasa taas na .

"What's happening here?" nalilito itong tumingin sa kanya na ikinakibit balikat lang nya .

"oh! yes Miryenda !" excited na sigaw ni Denver nang makita ang pagkain . maingat naman itong ipinatong ni Austin sa lamesita .

"Rckey what hell are doing?" Ani Austin habang lumalapit dito .

"Danger!" Sigaw ni Rckey

"Oh Shit! " biglanv sigaw ni Austin at mabilis na umakyat din sa taas.

"hoy ano ba talagang nangyayari?! bakit ganyan kayo makareact ..kinakabahan na ako !" aniya kay Rckey habang nakuha naman nya ang atensyon nang dalawang kaibigan ...bahagyang bumagal ang pagnguya ni Denver habang si Jhana naman ay napatuwid nang upo.

"Listen guys" ani Rckey na lumapit sa kanila  mahinahon ito pero andun parin ang pagkaseryoso. "No matter what happen just keep calm okay...you guys are coming with Sam.. wag kayong hihiwalay understand?" sa totoo lang ay mahinahon at kalmado ito nang magsalita pero mas lalo pa yata nitong nadagdagan ang kaba sa dibdib nya...nalilito man ay napilitan pa rin silang tumango rito .

"Rckey !"mayamaya'y sulpot ni Sam sabay hagis nang..teka!! tama ba ang nakikita nya ngayon ?

"T-teka ! laruan lang naman yan diba?! " kinakabahang tanong nya kay Rckey habang nanginginig ang mga kamay na nakaturo sa hawak nito .

"The hell with a fake gun ...Tyler ,bro this..." anito sabay kasa at angat nang hawak na baril"... is a fucking real gun!"

He's a SheWhere stories live. Discover now