Chapter 19

149 14 0
                                    

HINDI na nakatulog si Rckey sa pagbabantay magdamag kay Tyler ...kanina pagbalik nya sa kwarto dun lang nya naramdaman kung gaano sya katakot kanina na mawalan nang kaibigan tumingin sya sa kalapit ni Tyler sa higaan na si Denver na mahimbing pa rin ang tulog at si jhana sa kalapit nito na mahimbing din ang tulog halos wala na nga ang malaking unan na nakalagay sa pagitan nang dalawa ni Denver naalala nya ang pagpapakipot nito kanina kay denver bago matulog ...nakuha pang maglagay nang unan sa gitna samantalang patay na patay naman to kay Denver...huling dumapo ang paningin nya sa natutulog pa ring si Tyler ..nakaupo sya sa set na nilipat nya nang pwesto sa tapat ni Tyler ..hindi na sya natulog para masiguro na wala na  ulit masamang mangyayari dito .

Napatingin sya sa orasan magaalas singko na pala nang umaga...napabaling sya nang tingin nang bahagyang gumalaw si Tyler ..unti unti nitong minulat ang mga mata at nanlaki ang mga mata nito nang makita syang taimtim na nakatitig dito .

"IKAW!!" napapitlag sya sa sobrang lakas nang pagkakasigaw nito sa kanya habang dinuduro ang mukha nya ....napatingin sya sa likod nito nang makita nagising na rin sila Denver at Jhana dahil siguro sa sigaw ni Tyler.

"Why?" Naguguluhan tanong nya kay Tyler na masama ang tingin sa kanya.

"IKAW !! TALAGA BANG WALA KANG PAKIALAM KUNG MAMATAY MAN AKO O HINDI!? ALAM MO BANG AKALA KO MAMATAY NA TALAGA AKO KANINA !!" hiningal na sigaw nito sa kanya na kulang na lang eh magbuga nang apoy ..natawa lang naman sya sa isip dahil naalala nya ang nangyari kanina ...hindi naman ito nabaril kahit kinalabit nang lalaki kanina ang baril dahil simula pa lang alam na nyang wala itong bala kaya malakas ang loob nyang sabihin na ok lang kahit iputok nila.

"HOY!! ANO TATAHIMIK KA NA LANG BA DYAN MAGEXPLAIN KA !" galit pa ring sigaw nito sa kanya ..bago tumugon lumingon muna sa likod nito kung saan naroon ang kanina pang nakanganga na sila Denver at Jhana .

"Well your still alive now so what the point of you being angry with me ." she simply said while looking at Tyler
"AT TALAGANG YAN LANG ANG SASABIHIN MO PANO YUNG MGA NARINIG KO MULA SA BIBIG MO KANINA NA PARANG WALA KANG PAKE SAKIN!" himutok pa nito habang halos umiyak na sa pagkainis sa kanya psh. bakla .

"Ok ..calm down ok and stop shouting at me ..i have care for you ..its just that earlier i know from the start na wala namang bala yung baril ." paliwanag naman nya .

"Imposible! Pano mo naman malalaman na walang bala yun! Sa tingin ko wala ka talagang pakialam sakin at nagkataon lang na walang bala yung baril kaya ginawa mo lang excuse yon !" Medyo mahinahon pero galit pa rin nitong tugon na ikinailing lang nya .

"Tama ako diba ...wala ka palang kwentang kaibigan!" Parang may tumarak sa puso nya nang marinig ang mga sinabi nito.

"Tyler..." Naiusal ni Denver siguroy nakita nito na nasaktan sya sa sinabi ni Tyler. Pero hindi ito pinansin ni Tyler at agad tumayo pero bago ito dumaan sa harap nya dinanggi pa nito ang kanang braso nya ikinangiwi nya at dahil sa sobrang sakit hindi nya napigilan ang impit na pagaray habang hawak ang braso. Napalingon tuloy pabalik sa kanya si Tyler ...agad naman nyang binago ang exression pero huli na dahil nakita na nito ang pagngiwi nya .

"Anong nangyari sayo OA mo na naman ." sarkastikong tugon nito sabay tingin sa braso nya nagbaba rin sya nang tingin sa sariling braso nanlaki ang mata nang makitang puro dugo na ang jacket nyang suot agad nyang iniwas braso sa paningin nito.

"May sugat ka?!" Nagulat sya nang biglang lumapit sa kanya si Tyler.

"Huh? W-wala ah OA lang talaga ako " palusot naman nya pero mabilis sya nitong nakabig at agad tinanggal ang jacket nya bahagya pa syang napangiwi nang sumagi ang tela nang jacket sa braso nya .

"Oh My God!! Dahil ba yan kanina?!" Gulat na tanong ni Jhana na nakalapit na pala sa kanila .

"Ipatingin na natin yan sa ospital baka mapano ka !" Ani Denver na bakas din sa muka ang pagaalala. Napatingin sya sa braso mukang mas lumalala nga ito kesa kanina ...wala naman syang balak na pagalahanin ang mga ito kaya kanina pagpasok nya pa lang sa kwarto eh kumuha agad sya nang jacket para itago ito kila Jhana kanina.

"Im okay ..malayo sa bituka ya---"

"NO! You're not ok! Tingnan mo nga eh halos kasing laki na nang hita mo yang braso mo sa pamamaga oh ?" Natulala na lang silang lahat sa pagsigaw ni Tyler kitang kita nyang sobra itong nagaalala.

"But--"
"Wala nang but!but! Jhana kunin mo yung first aid kit dyan sa Cr ." utos ni tyler kay jhana na agad naman pumasok sa loob nang Cr.  At agad ibinigay kay Tyler.

"Upo." Mahinahong utos ni Tyler sa kanya kaya naupo naman sya dahil sobrang dilim nang mukha nito . naupo din ito sa kama katabi nya .

"Akina yung braso mo ." anito na sinunod lang nya hindi na lang sya nagsalita dahil naalala na naman nya ang masasakit nitong salita na sinabi sa kanya ...hindi man lang ba sya nito nakita bilang isang kaibigan ..sabagay simula pa lang naman noon lagi lang itong tahimik at walang imik ni hindi nga ito magsasalita kung di pa nya kakausapin kaya nagulat na lang sya nang sumigaw ito kanina ...bago yun sa paningin nya .

Maya maya ay naramdaman nya ang dahan dahang pagdampi nang bulak sa sugat nya kahit medyo nasasaktan ay itinago nya ang nararamdaman .

"Uhm. Tyler Rckey sa baba lang kami ha mag reready lang kami nang umagahan ." pagsingit naman ni Jhana sa katahimikang nagaganap sa kanila ni Tyler. Tumango lang sya sa mga ito.

"Umh...pedeng pakialamanan namin yung kusina mo ?hehe" si Denver naman . pilit ang ngiting tumango naman sya dito ...pagkatapos nun ay bumaba na ang dalawa at ngayon  sobrang katahimikan ang nananaig sa kanilang dalawa ni Tyler. Habang ito naman ay patuloy sa paggagamot nang sugat nya ngunit panay naman ang malalim na pagbuntong hininga .

"Wag mong tiisin kung masakit." Nagulat sya nang bigla itong umimik.

"H-hindi naman kasi masakit" pagmamatigas nya .

"Aray! What the fuck Tyler!?" Malakas na hiyaw nya nang bahagya nitong idiin ang kamay na may hawak na bulak...binigyan lang naman sya nito nang masamang tingin.

"Sabi na kasing wag magtiis eh" usal naman nito Pero hindi na lang sya umimik at hinayaan ang sariling ngumiwi at umaray sa tuwing nasasaktan.

"Sorry." Mayamayay usal nito.

"Huh? OK lang medyo masakit la--"

"Sorry sa nasabi ko kanina...nadala lang ako ..hindi naman totoong wala kang kwentang kaibigan eh ." putol nito sa sasabihin nya akala nya kasi yung sugat nito ang ipinagsosorry nito ...yun pala yung kanina pero hindi nya alam bakit isang sorry lang nito ay parang nakahinga na sya nang maluwag at wala nang kumikirot sa dibdib nya .

"Salamat kasi dumating ka sa buhay ko..." Bahagyang nanlaki ang mata nya habang medyo nataranta naman si Tyler."...i mean namin! Sa buhay namin nila Denver !" Pagpapaliwanag naman nito.

"Ang weird mo ngayon." Naiusal na lang nya dahil wala syang maisip na sabihin dito.

"Anong weird?! Baka ikaw !" Balik singhal naman nito na ikinangiti lang nya .

"Yan oh..." Sabay turo sa mukha ni Tyler "...yan ang weird panay kasi ang salita mo ngayong araw nakakapanibago" aniya .

"Bakit ayaw mo ?" Anito habang nakatingin sa kanya .

"Syempre gusto para naman makita ko lagi ang ngiti mo!" Aniya habang nakangiti dito nakatulala lang naman ito sa kanya .

"Hoy natulala ka na dyan ! Tapusin mo na nga yang paggagamot para makasunod na tayo sa baba " aniya at agad naman natauhan si Tyler at tinapos na ang paggagamot nilagyan din nito nang gasa ang sugat nya . Pagkatapos ay nagpasya silang tingnan ang dalawa sa baba .

He's a SheWhere stories live. Discover now