The Unwanted

4 0 0
                                    

" .. nararamdaman mo, hindi ka tangap ng mundong ito.."

Unang taon ko pa lang sa skwelahang ito, galing ako sa isang malayong lugar. Pinadala ng aking ama upang dito mag aral. Hindi ko
alam kung bakit ako napunta sa lugar na ito, palagay ko gusto lang nila akong ilayo. Di ko gusto ang lugar na ito andaming kakaibang mga tao at di ko sila gusto. Maiingay sila.

Ang pangalan ko ay Toi, tahimik lang ako siguro dahil ayaw ko rin kasing kausapin sila. Dahil dito marami ding kumakalat na masamang kwento tungkol saken. Marami din natatakot. Mas maganda na rin yun, di ko na kailangan makihalubilo sa kanila, kusa na silang lalayo sakin.

Sa klase namen may 40 na estudyante. Halos lahat sila ay di ko pa nakausap. Pag dating ko sa kwarto uupo lang ako sa pinaka likod na upuan dun sa malapit sa bintana at mag papatay ng oras hangang sa mag uwian. Ganito nag sisimula ang araw ko at natatapos. Kailngan ko lang gugulin ang 3 pang taon para makabalik na ako.

"Pak", isang malakas na tunog galing sa libro na humampas sa ulo ni Kim. Si Kim, kilala sya sa skwelahan namin, pero hindi sa magandang paraan. Lagi syang pinag didiskitahan ng kung sino sino lalo na ang grupo ni Kira. Lagi siyang inuutusan at pag di niya nagawa bubugbugin sya nito. Halos araw araw.. Madalas ay pinapanuod ko lang ang mga ginagawa nila sa kanya, nasisiyahan ako na panuorin habang pinahihirapan siya. Iniisip ko bakit may gantong klaseng mga tao, di nakakapanghinayang kung bigla na lang sya mawala. Nagtataka ako bakit di pa sya umaalis sa skwelahang ito. Di naman sya tanga para di maisip na di sya nababagay dito dahil mahina sya. Pero meron akong napansin, sa kabila ng araw araw na pambubugbog sa kanya ni Kira, ni minsan di sya napuruhan nito. Matagal ko na tong napansin.

Si Kira naman ay kilala sa buong skwelahan bilang gago. Kasama ang mga alipores nya na mga muka ding gago. Wala silang dala kundi gulo. Di rin naman mapigilan dahil ang knyang ama ay isa sa nagpapatakbo ng eskwelahang ito. Pero di ko na yun problema mas magandang di ako mapasama sa gulong dala nila. Habang paambang sisipain ni Kira si Kim, biglang may humarang sa kanya si Rya. "Tumigil ka na at wag ka dito mangulo", sabi nito kay Kira. "At baket ako susunod sayo" ang sagot ni Kira. Lumapit ang isa sa mga kasama ni Kira at parang may bumulong sa kanya. Pagkatpos bumulong ay dahan dahan itong lumingon sa direksyon ng inuupuan ko. Tumingin lang din ako. Nagiisip ko anung susunod na mangyayari. Pagkatapos ng ilang sandali naisipan na ni Kira na umalis. Buti na lang at di ako napasama sa gulong yun.

Si Rya ang pinakamagandang babae sa buong skwelahan namin, magaling sya sa madaming bagay. Di siya natatakot sa kahit ano, dahil dito nagustuhan ko siya. Kami nga pla ni Riya mahigit 5 buwan na din. Bakit di ako umeksena sa nangyari kanina? Dahil alam kong kaya na yun ni Rya. Mas lalaki pa ang problema kung makikisawsaw pa ko sa gulo na yun.

Si Rya lang ang lagi kong kasama at kausap. Siya lang ang maituturing kong kaibigan sa lugar na yun at wala akong balak pang makipag kilala sa iba. " Bakit di mo subukan makipag kaibigan sa iba?", lagi nitong sinasabi sakin. "Wala akong panahon para dyan", ang lagi kong sagot. "Bakit di mo kaibiganin si Kim?", ang dagdag pa niya. Di ako sumagot. Iniisip ko bakit ako makikipag kilala sa miserableng tao na yun.

Lumipas pa ang mga araw, pare parehong eksena pa rin ang nakikita ko sa eskwelahan. At nakikita ko pa din si Kim na binubugbog ni Kira. Pero may nangyaring di ako inaasahan kanina. May pumigil kay Kira. "Oy tara tingnan naten may gulo daw, binubugbog na naman si Kim", sabi ng isang estudyante. Sabi ko sa sarili ko anu naman saken. Pero nakita ko pa rin ang nangayayari dahil dadaanan ko ang lugar na yun. "Maghubad ka", sabi ni Kira sa kausap nya na nakahiga sa sahig. Nagmistulang isang aso si Kim na pinag papalo ng kahoy. Walang nagawa si Kim kung hindi sumunod. Pagkatangal ni Kim ng kanyang pantaas tumambad sa amin ang puro latay at pasa nya sa katawan. Matagal na ang mga sugat na yun, palagay ko dahil yun sa paulit ulit na pambubugbog sa kanya. "hubarin mo yang pantalon mo", sabi ni Kira. Ito naman ay sinunod din ni Kim. Gusto ni Kira na ipahiya sa lahat si Kim. Wala akong anumang nararamdamang awa sa nangyari kay Kim. Siya ang pumili nito para sa sarili nya. Umiiyak si Kim sa kahihiyan at tumingin siya sa direkson ko. Tiningnan ko lam din sya at sinasabi ko sa aking sarili "Bakt ka nakatingin saken? wala akong balak tulungan ka". Hangang sa naputol ang lahat "Tama na Kira", sabi ni Quino.  Kilala si Quino sa buong skwelahan, kasama ito sa grupo ni Kira at matalik na kaibigan ni Kira. Tinitigan ni Kira ng masama si Quino, "Kelan ka pa nagkalakas ng luob utusan ako", sabi ni Kira. Nag titigan ang dalawa hangang sinabi ni Kira "Umalis ka sa harap ko". Di umalis si Quino na nakaharang sa harap ni Kim. Hangang sa umalis na si Kira. Tinulungan nyang maitayo si Kim para makapag bihis ito. "Eto lng ang kaya nyo gawin ang manuod?!". Pag tayo nito ay nag lakad ito sa harapan ko at sinabing "Wala ka bang bibig para pigilan ang nangyayari?".  "Bakit ko siya tutulungan? may makukuha ba ko kung tutulungan ko siya? Bakit di mo sya tanungin bakit di siya lumaban?", mahinahon kong sinabi naparang sadya akong walang pakialam. Masama ang tingin sakin ni Quino na para bang susuntukin nya ko. Tiningnan ko si Kim na nakatingin din saken. "Nararamdaman mo, hindi ka tangap ng mundong ito.. Bakit di ka pa mawala?" sabi ko kay Kim. Lalong nagpuyos sa galit si Quino at dinakma ang suot kong damit habang nakaambang susuntukin ako... ~End Chapter 1

The UnwantedWhere stories live. Discover now