The side of me that no one knows

2 0 0
                                    

"... walang nakaka alam.. walang may interes malaman.."

Di ako gumalaw sa kabila ng balak nyang pag suntok saken. Di ako nakitaan ng takot pero sa loob loob ko "bakit ba ko napasok sa gulong ito". "Nako malaking gulo to, si Quino at Toi!", sabi pa ng ibang naka paligid. Pero buti na lang napatigil si Quino at pagkatapos nito tumingin ng masama sa akin ay bigla na lang itong lumayo. Kung natuloy ang ginawa nya hindi ko alam ang gagawin, malalaman nilang lahat ang tinatago ko, hays.

Sa eskwelahan namin may tatlong taong kilalang kilala ng lahat sa pakikipag laban.

Una si Kira, numero unong basag ulo ng eskwelahan

Oops! Bu görüntü içerik kurallarımıza uymuyor. Yayımlamaya devam etmek için görüntüyü kaldırmayı ya da başka bir görüntü yüklemeyi deneyin.

Una si Kira, numero unong basag ulo ng eskwelahan. Napakayabang nito palibhasa malakas ang kapit nya sa eskwelahang ito.

Pangalawa si Quino

Oops! Bu görüntü içerik kurallarımıza uymuyor. Yayımlamaya devam etmek için görüntüyü kaldırmayı ya da başka bir görüntü yüklemeyi deneyin.

Pangalawa si Quino. Popular si Quino di lang dahil sa laman sya ng gulo dahil lagi niyang kasama si Kira, kundi dahil napaka gwapo nito at maraming babae ang nag kakagusto sa kanya. Sabi ng iba galing ito sa magandang pamilya. Pero wala na kong masyadong alam tungkol sa kanya.

At ang huli ay ako, nasabi ko na nung una na dahil sa kakaiba kong ugali na tahimik at sobrang tagong pagkatao maraming mga kwento ang kumakalat tungkol saken

Oops! Bu görüntü içerik kurallarımıza uymuyor. Yayımlamaya devam etmek için görüntüyü kaldırmayı ya da başka bir görüntü yüklemeyi deneyin.

At ang huli ay ako, nasabi ko na nung una na dahil sa kakaiba kong ugali na tahimik at sobrang tagong pagkatao maraming mga kwento ang kumakalat tungkol saken. Ang pinaka popular tungkol dito ay yung may dalawang malalaking taong nangharang saken sa bayan, at pinilipit kong pareho ang kanilang mga kamay hangang sa mapaluhod sila at magmakaawang pakawalan ko. Di pa ko nakuntento at kumuha ako ng kahoy at pinagbabali ito sa kanilang mga kamay. Pero sa totoo lang di yun nangyari. Pero dahil si Harley ang nag kwento pihado lahat ay maniniwala. Si Harley ay numero unong tagakalat ng chismis at balita sa eskwela, alam nya lahat ng nangyayari sa loob at labas ng eskwela, sabi neto nakita nya yung nangyari. Pero ang totoo nagkamali sya. Dahil dito marami ng natakot saken at umiwas. Ako lang sa aming tatlo ang di pa nakita ng lahat makipag laban. Ang lahat ng kumakalat tungkol sa pagiging marahas ko ay gawa gawa lang.

Nagdaan pa ang mga araw at medyo humupa na ang kwento kwento tungkol sa mga nangyari. Pero ramdam ng lahat ang hidwaan sa pagitan ko, ni Kira at Quino. Para sa akin nadamay lang naman ako at wala akong balak mapasama sa kahit anung gulo. Nag palala pa ng gulo ay ang pag protekta ni Quino kay Kim, ngaun lagi na itong magkasama na syang kinagagalit ni Kira. Parang isang tropeo si Kim na pinag aagawan ng dalawang iyon. Isang simbolo kung sino talga ang pinaka malakas sa eskwelahan.

"Alam nyo ba nag harap kanina si Quino at Kira sa likod ng Building E." sabi ni Harley sa kasama nito. " Binalaan ni Kira si Quino na kung di sya babalik sa grupo nya, may gagawin syang masama kay Kim". Sa pagkakataong yun naramdaman ko ang takot ni Kira. Alam kong mas magiging popular si Quino kesa sa kanya, medyo maprinsipyo at mabait itong si Quino kung ikukumpara sa barumbadong si Kira. At dahil sa pag tulong nito kay Kim mas lalong naging popular ito. Ang malaking problema lang ni Quino ay nag iisa lang sya laban kay Kira na may anim pang kasama. Medyo nakakatuwang panuorin ang mga gantong pangyayari sa eskwelahang ito basta't di ako masasama.

Dumaan ang mga ilang lingo at lalo pang naging mainit ang dalawang ito. At sabi pa nga maghaharap daw ang dalawa sa susunod na sabado sa likod ng shrine malapit sa eskwela. Si Quino at Kira, upang malaman kung sino ba talga sa kanilang dalawa ang mas malakas. Marami na kasing nagiging taga hanga si Quino at medyo di na ito nagugustuhan ni Kira.

Dumating ang sabado, sayang at di mangyayari ang pag haharap sa eskwelahan di ko tuloy ito mapapanuod. Magkasama kami ni Rya at lalabas kami para kumain at maglibot sa bayan ng Kuri. Di masyadong madaming tao ngaun kumpara nung mga nakaraang linggo. Mas gusto ko na rin yun para wala masayadong ingay. kumain sa isang popular na kainan dito sa bayan at pag katapos ay nagtungo kami sa malapit na parke. Onti lang din ang tao dito. Tahimik at mahangin. Naglakad lakad lang kami ni Rya sa paligid ng biglang, "Toi, may mga tao doon, anu kayang nangyayari?". At agad naming pinuntahan ang lugar kung san may mga taong nakapalibot.

Pag dating namin sa lugar may isang taong nakahandusay sa sahig at puno ng sugat ang katawan. At nakilala ko ang taong nakatayo at gumawa nito sa kanya, si Kira. "Akala ko kasama nya si Quino sa may Shrine, anung ginagawa nya dito?", sabi ko sa aking sarili. Ibig sabhin nito di nya sinipot si Quino at lihim nyang pinuntahan si Kim upang gantihan. Nakita ko ang muka ni Kim puno ito ng dugo. Tumingin ako sa paligid mga apat o limang tao ang naiwan pero wala rin silang ginagawa upang pigilan si Kira. Ibang iba ang klase ng pag bugbog ni Kira kay Kim na para bang gusto nya itong patayin. Kung walang pipigil sa kanya pihado mamamatay si Kim. "Tumigil ka na!", sabi ni Rya at pilit nitong pinipigilan si Kira. Di ako makagalaw ayokong sumali sa gulong ito. Hindi nila pwedeng malaman ang tunay na nangyari nuon sa bayan. Pumulot ng malaking bato si Kira at ambang ipupukpok sa ulo ni Kim..

"Bakit ko hawak ang kanyang kamay?", sabi ko sa aking sarili habang masama ang tingin sakin ni Kira. Di ko napigilan ang sarili ko. "Ano ba itong pinasok ko"..

Yayımlanan bölümlerin sonuna geldiniz.

⏰ Son güncelleme: May 25, 2020 ⏰

Yeni bölümlerden haberdar olmak için bu hikayeyi Kütüphanenize ekleyin!

The UnwantedHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin