Hinampas ito ni Katleya. “Kainis ka, Blue!”

Tawa nang tawa na ang binata. Mabuti na lang ay kaya na nitong tumawa. Napatigil silang dalawa nang may biglang kumatok.

“Ako na ang magbukas,” ani Katleya. Tumayo ito at daliang tumakbo papunta sa pinto. Pagbukas niya. “T-tita?”

Nanlaki ang mga mata ni Crezelda nang makita si Katleya. Hindi niya inaasahan iyon. Nang mapansin niya na basa ang buhok nito ay may ibang pumasok sa kanyang isipan. Napansin iyon ni Katleya kaya handa itong magpaliwanag.

“Tita, pasok muna kayo. 'Wag niyo po masamain na nandito ako. I saw him at cemetery a while ago. Naabutan kami ng ulan. Sinama niya ako rito. Sorry kung hindi ko nasabi sa inyo.”

“Ano'ng ginawa niyo rito?” tanong ni Blue nang makita ang kanyang ina.

Lumapit si Crezelda sa anak niya. Tinitigan niya ito. “Bakit ka umalis? Pinag-aala mo kami.”

“Ayaw ko na po sa inyo. Alam kong galit kayo sa akin. Alam kong ako ang sinisisi niyo sa pagkawala ni Pula,” ani Blue.

Napanga-nga si Crezelda. Kung bakit ganito ang inaasta ng anak niya.

“Blue? Saan mo nakuha 'yan? Wala kaming sinisisi. Umuwi ka na sa amin, please.”

Tumulo ang luha ni Blue. Hindi niya gusto ang ginagawa niya, pero ito ang dapat niyang gawin para sa ikabubuti ng pinaniniwalaan niya.

“Kahit sabihin niyong wala. Alam ko, naramdaman ko! Noon, sinisi niyo ako sa nangyari kay Pinkerlia kung tutuusin bata pa ako nang mga panahon iyon. Paano na lang kaya ngayon? Na may isip na ako. Hindi na po ako uuwi sa bahay. Umalis na po kayo,” pagmamatigas ni Blue.

“Blue,” sambit ni Crezelda. Nangingilid na ang luha sa mga mata nito.

“Lumaki naman akong walang magulang noon. Nakayanan niyo naman iyon, 'di ba? Isipin niyo na lang rin na patay na ako. Para triple tie.”

Hinawakan ni Crezelda ang mukha ng anak niya at pinunasan ang luha sa mga mata nito. “Blue? Iiwan mo ba kami ng daddy mo?”

“Oo,” matapang na sagot ni Blue. Tinanggal niya ang kamay ng ina niya na nasa mukha niya. “Wag po kayong mag-aalala sa akin. Kaya kong mabuhay na mag-isa. Kaya ko po na wala na kayong lahat.”

“Bakit ka ba nagkakaganyan? Huwag mo namang hayaan na mawalan ulit kami ng anak.”

“Umalis na po kayo!” sigaw ni Blue.

Niyakap ito ni Crezelda. Gusto niyang gantihan ng yakap ang ina, pero hindi puwede. Tinanggal niya ang mga kamay nito at inihatid palabas.

“'Wag na po kayong bumalik dito. Dahil hindi ko na kayo kailangan! Kayong lahat!” sigaw ni Blue.

“Blue,” nanginginig na sambit ni Crezelda.

“Alis!” sigaw ng binata sabay sara ng pinto.

Napaupo sa sahig si Blue at humagulgol. Sobrang sakit para sa kanya na ganunin ang ina niya. Pero wala siyang ibang pagpipilian.

“Sorry po!” nanginginig na sabi ni Blue.

Niyakap ito ni Katleya. “Ssshh. Tahan na.”

Tiningnan ni Blue si Katleya. “Pakisundan mo si Mommy. Tingnan mo kung okay lang ba siya. Sabihin mo na lang din sa kanya na aalagaan mo ako para kahit papaano ay gagaan ang loob niya. Please, Kat.”

Tumango ang dalaga at nagmamadaling hinabol si Crezelda. Nang makita niya ito ay tinawag niya nang buong lakas.

“Tita!” 

FATED TO F*CK YOU✔Where stories live. Discover now