CHAPTER 1

18 1 0
                                        

A Day Before Graduation


Zebby's P.O.V

"Hoy Zebby!" Hingal na hingal na bungad sakin ni Ellaine pagpasok ko ng classroom. "Ano pupunta ka ba?"

Pupunta saan? Napaisip ako sandali sa tinanong nya't napakamot pa'ko sa batok, hanggang sa naalala ko yung magaganap na vacation celebration ng Special A sa kilalang resort na pagmamay-ari ng kaklase namin. "Oo naman!" Masaya kong sagot sa kanya. Nagtatatalon naman ito sa tuwa.

Bukas na ang graduation pero ang special A ay pinapasok ngayong araw, hindi namin alam kung bakit dahil basta nalang sila nagmessage kay Mama.

Ano kayang kailangan nila samin?

Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng classroom at tumingin sa nagiisang bakanteng upuan sa unahan. Wala pa sya? Bago yun ah! Samantalang lagi syang nauuna sakin.

Well well well! Sa wakas kahit dito man lang nasapawan ko ang asungot nayun. Simula kase nung nagtransfer sya sa lahat nalang ng bagay naaangatan nya 'ko.

"Kung iniisip mong late ako, magisip ka ulit!"

Napatalon ako sa gulat sa biglang pagsulpot ng boses na ayaw na ayaw kong marinig.Ngumisi ito sakin at humalukipkip.

Kalma Zebby Graduation na bukas tama, wag mo nang ubusin ang itim na buhok mo sa kanya. I smiled.

"I am not!"

" I see, makikiraan ako Ms. SECOND PLACE!"

Nabasag na parang salamin ang ngiti ko sa paguumpisa na naman nya. Lagi nya akong inaasar na Ms. Second Place dahil hindi ko sya matapatan mapa-Academics o ExtraCuricular Activities man. Tanggap ko na yun hanu! pero dahil sa pangaasar nya mas lalong kumukulo ang dugo ko sa kanya.

Ang mokong na'to!

Hinayaan ko na lang sya dahil kapag pinatulan ko pa paniguradong buong araw na'to. Maka-upo na nga! Pumasok na ako at tumabi kay Ellaine, Special A lang naman ang nandito kaya hindi na problema ang seating arrangement. Ayoko ngang tumabi sa kanya psh.

"May speech ka na Zeb-Zeb?" Naka-pout na tanong ni Ellaine. Hulaan ko wala pa 'tong gawa.

"Zeb-zeb ano ko chichirya na may tatak ng zebra sa balat?" Ewan ko kung anong pumasok sa utak nito at binigyan ako ganung nickname. Alam nyo yung tigpipisong chichirya sa tindahan na parang mais ang itsura? pag tinatawag nya 'kong ganun naiimagine ko yung mukha ko sa katawan ng zebra.

"Oo meron na'ko, napacheck ko na din kay Ma'am Felicity."

Humaba ang nguso nya't nangalumbaba. " Mag-Impromptu nalang kaya ako bukas!" Natatawa nyang sambit.

Pinitik ko ang noo at sinenyasan syang gumawa na, hindi ko alam kung bakit napasok sa Special A ang babaeng to matalino nga kaso may pagkatamad din naman.

"Parating na si Ma'am!" Biglang sigaw ni Clover sa unahan.

A typical class.

Perfect TwoTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang