prologue. 💌

43 9 2
                                    


philophobia
(n.) fear of being in love or falling in love.

"Ally, gumising ka na."

Sa mga salita ni Nadya, agad agad ko binuksan ang aking mga mata.

"Anong oras na Dya?"

"Oras na para bumangon ka, bilis tayo na!"

"Bakit nanaman? May pupuntahan ba tayo?"

Tumingin si Nadya sa direksyon ko at napansin niya na hindi pa ako bumabangon

"Gaga ka ba? Di ka ba na inform na tapos na yung sembreak?" Nadya mocked

"T-Tapos na?!" Sigaw ko kay Nadya, tinaas lang ni Nadya ang kanyang kilay at tumawa

"Tanga, bakit naman kita gigisingin ng ganito kaaga kung wala tayong school?"

"O bakit, gigisingin mo nga ako ng maaga para lang pumunta sa mall eh."

"Iba kasi yun, gigisingin lang kita pag si Tommy yung kasama natin sa mall pero di naman parati"

Gago rin 'tong si Nadya eh, gagawin niya akong third wheel sa likod habang hawak kamay sila ni Tommy. Tsk, ano ako yung bodyguard nila? Taga hawak ng bag pag nag laro sila sa arcade? Taga hawak ng shopping basket habang binibilhan ni Tommy si Nadya ng mga designer clothes tsaka mamahaling kwintas? Di ko naman kasalanan na ayoko ng jowa eh, wala naman akong panahon para sa mga ganyan

"Hoy! Tayo na kasi, baka malate pa tayo!"

"Ang sabihin mo, excited ka na makita si Tommy."

"Hmph. Whatever bilis na!"

"Opo Mama!!" Sigaw ko kay Nadya

Sometimes di ko talaga alam kung bakit naghahanap si Nadya ng pagmamahal galing kay Tommy, it's obvious that Tommy is only looking for a good fuck.

I tried convincing Nadya to dump Tommy many times, but what else can I do? Nothing. If Nadya loves Tommy edi ok... But shit, di ko nga alam yung mukha ni Tommy eh!

Lagi siyang naka face mask, hindi yung pang skincare ah. Basta laging na ka-cap at mask, kala naman niya may swag siya, di kaya! Mukhang holdaper nga eh! Pero kahit di ko talaga alam yung mukha ni Tommy, di ko rin naman titingnan baka ma bad trip pa ako

Mabilis akong naligo at nag ayos, simple lang naman yung suot ko. T-shirt na naka tuck-in sa high waisted jeans ko, tapos white converse. Tinali ko rin yung mahaba kong buhok, at sinuot ko yung kuwintas na bigay ni mama at papa bago sila namatay.

"Allyana, tapos ka na?" Tanong ni Nadya sa labas

Binuksan ko yung pintuan ng bathroom at mabilis na umalis, di ko naman kailangan sagutin si Nadya kasi naiintindihan naman niya yung mga kilos ko.

"Let's go na." tinawag ako ni Nadya kinuha ko na yung bag ko at sinundan si Nadya sa kotse niya

"Actually, ginising kita ng maaga kasi susunduin natin yung squad." Sinimulan ni Nadya

"Si Baste, Sylvi, and Cory?" Tanong ko kay Nadya "Hindi, si Sylvi at Baste lang. Si Jesse yata yung magdadala kay Cory sa school." Sagot ni Nadya sakin

"Si Jesse? Pero diba sa ibang school siya nag-aaral?"

"Eh gusto ni Jesse, magjowa things" Sabi ni Nadya sabay tawa niya "Gusto rin na ganun"

I rolled my eyes. Typical Nadya.

"Tsk, gusto mo pala ganun eh may jowa ka na nga eh. Bakit di mo nalang tinanong si Tommy?"

philophobia. | phobia series (phase one)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon