"Halata nga. Asan sila Megan?" takang tanong ko. Masyado kasing tahimik at wala akong naririnig na nag-iingay sa labas.

"Pumasok sila." kaswal niyang sagot. "Konting push pa, Andrei! Malilintikan ka sakin pag natalo tayo!" napa-irap nalang ako sa kaingayan niya.

"Ha? Wala namang pasok sa sunday ah. Nabago na?" takang tanong ko. Sa pagkaka-akala ko eh wala talagang pasok sa sunday. Wala rin naman akong narinig na announcement galing kay dean.

"Anong sunday? Dalawang araw kang tulog! Tuesday na, 'te." nanlaki ang mga mata ko. Dalawang araw akong tulog?!

"Ano?! Ba't 'di niyo ko ginising?!" inis na sabi ko sakanya. May quiz pa naman kami sa dalawang subject ko!

"Paanong gigisingin eh halos mamatay ka nga noon. Buti nga natanggal na lahat ng poison sa katawan mo eh." paliwanag niya na natatawa pa.  "Ayan na Andrei! 5 points nalang!"

"Eh ba't ikaw 'di ka pumasok?" tanong ko sa kanya.

"Wag kana magtanong. Magpasalamat ka nalang dahil may magandang nagbabantay sayo." mayabang na sagot niya. Napailing nalang ako. Kahit kailan talaga 'diko siya makakausap ng seryoso.

Biglang tumunog ang phone ko na nasa side table kaya kinuha ko iyon. Si Noah ang nagtext.

From: Noah
09051617189

Nasan ka? I heard you didn't attend your class.

Napakunot ang noo ko. Hinahanap niya ba'ko?! Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang pagngiti. Parang bigla ring nag-init ang pisngi ko. Teka, kinikilig ba'ko?!

Umiling ako tsaka ko binalik ang phone ko sa side table. Tumunog ulit iyon kaya mabilis ko itong tinignan. Si Noah ulit iyon. Hindi ko na napigilan mapangiti ng makita ko ang text niya.

From: Noah
09051617189

Reply reply naman dyan. :>

Nagcompose naman ako ng text.

To: Noah

Miss mo na naman ako, 'no? 'Di ba sabi ko hindi ako nangcru-crush back? Kulit mo rin, e. =D

Pagkasend ko 'non ay binalik ko na ang phone ko sa side table. Lumingon ako kay Mina na kinukuhanan na pala ako ng video. Kaya pala tumahimik na  bigla!

"Ngiti ngiti ka pa dyan, ah! Sino na naman ginayuma mo?!" pang-aasar niya sakin. Inirapan ko siya.

"Tumigil ka nga. Tirahin kita dyan, eh." inis na sabi ko at inambahan pa siya ng suntok pero nagmake face lang siya.

"Nye, nye, nye! Ishare mo naman sa kanila kung saan mo binili yung gayuma na ginamit mo." nakangiting aso siya at hinarap niya pa sa mukha niya ang camera na parang nagv-vlog.

Inagaw ko sa kanyana ang phone niya saka ko yun pinatay. "Kung 'di ka titigil gagawin ko 'tong ipis tapos ibubusalsal ko sa bibig mo." seryoso kong sabi. Bakas na ngayon ang takot sa mukha niya dahil alam niyang hindi na ako nagbibiro. Takot din kasi siya sa ipis.

"S-sabi ko nga titigil na, eh! N-nasaan na kaya yung sapatos kong isa? P-parang andun 'ata sa labas." nauutal niyang sabi tsaka niya kinuha ang phone niya sakin at naglakad paalis.

Takot na takot, gorl? Tsk.

Napagdesisyonan kong maligo kaya hinanda ko muna ang damit ko. Meron kasi akong iniwan noon, in case lang na babalik kami rito.

Nang matapos akong maligo at magbihis ay kinuha ko ulit ang phone ko. May tatlong message galing kay Noah.

From: Noah
09051617189

'Di mo ba alam na may bagong restaurant malapit sa school?

Sabi nila masarap daw pagkain dun. :>

Baka gusto mong pumunta? Hehe

Napa-irap ako pero may namuong ngiti sa aking labi. Tsk, pasimple pa 'to. Ba't 'di niya nalang diretsuhin na gusto niya akong i-date?

To: Noah

At bakit naman ako pupunta?

Pagkasend ko 'non ay napaisip ako. Masyado 'yata akong masungit sa reply ko? Tsk. Wala naman sigurong masama kung um-oo ako, 'di ba?

To: Noah

Oh sige dahil mapilit ka, pumapayag ako. Pero wag mong sabihing crina-crush back na kita, ha! 'Di kita type, okay? -_-

Napatitig pa ako ng ilang minuto sa phone ko pero nung 'di pa siya nagrereply ay binulsa ko nalang ang phone ko.

Dahil wala naman na akong gagawin dito at mukhang may pinuntahan pa 'yata si Dyosa G, uuwi nalang kami ni Mina.

Habang hinihintay ang sundo namin ni Mina ay biglang tumunog ang phone ko. Galing kay Noah ang text. Nang mabasa ko ay nanlaki ang mata ko.

From: Noah

Cool! I'll see you tomorrow, Cute girl.

Flower Rangers Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum