Habang naglalakad kami ni Ate Xairah pauwing condo ay napansin kong kanina pa may sumusunod sa amin pero hindi ko pinapahalata na napansin ko siya.
"Ate, una ka na may bibilhin lang po ako diyan sa store." Pag papa lusot ko.
"Samahan na kita"
"Huwag na ate, alam ko namang marami ka pang gagawin kaya mauna kana babalik din naman po ako agad."
"Sige, mag iingat ka ha lalo't gabi na din." Hinintay ko muna siyang pumasok sa loob ng bahay bago nag salita.
"Anong kailangan mo?" Tanong ko sa kaniya habang hindi tumitingin sa gawi niya.
"Hahaha ang galing mo talaga Ezri. Sa ating mag kakaibigan ikaw talaga yung pinaka magaling eh." Mapapansin mo ang inggit sa pag sasalita niya.
"Hindi mo sinasagot ang tanong ko." Saka ako humarap sa kaniya."Anong kailangan mo?" pag uulit ko.
"Galit ka ba saakin Ezri?" Hindi ko alam kung bakit pero para akong na iiyak sa tanong niya.
"Hindi ko kaya, Hindi ko alam pero hindi ko kayang magalit sayo" Nagsimula nang mag unahan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan pero sa tingin ko ay tama lang ang distansya ko para hindi niya ito mapansin. Buset naman, ayokong mag mukhang mahina dito. "Kung yaan lang ang ipinunta mo dito, umalis kana" dagdag ko pa bago tumalikod. Papasok na sana ako ng muli siyang mag salita.
"Alam kong puno na ng galit ang puso mo, naiintindihan ko naman. Pero sana intindihin mo din ako."
"Sige ipaintindi mo sa akin kung bakit kailangan mong hilingin sa amin na layuan ka, na magalit kami sayo kahit alam naming wala kana mang ginagawang masama. Tapos nung nagalit kami... bakit... bakit kailangan mong ipamukha sa amin na mag isa ka nalang... na iniwan ka namin na alam mong hindi naman namin ginusto yon!" Hindi ko na napigilan ang aking sarili na sabihin at itanong sa kaniya yoon. "Pero 'di ko kayang magalit sayo kasi kaibigan kita!" dagdag ko pa.
Itinuring na din kitang parang isang kapatid... pero bakit? bakit mo na gawa yoon?
YOU ARE READING
Facing Lies
Mystery / ThrillerShe's always the second choice. A girl who lives with her parents for 5 years after living with her Lola for 10 years. Hindi siya kayang buhayin ng kaniyang mga magulang noong mga panahong iyon kaya siya namuhay as poder ng kaniyang Lola sa loob ng...
