"In-uninstall ko, tadtad call at chat ni Sky eh"

"Di mo padin nakakausap? Inaway mo kasi eh"

"Umuwi ka na nga!"

"Sino pang matitira sayo dito kung hindi ako?" sabagay, kaya ang ganda kausap nito ni Wayne eh. Ang astig din maging kaibigan.

Kahapon nga after kong maghintay kay Sky na hindi dumating sa practice, hinatid niya ako sa sakayan kasi 8pm na kami natapos, late din kami nakastart kasi late yung trainor. Habang naglalakad kami non, nagkwento ako sakanya pero hindi lahat. Ayaw ko naman kasing ikwento yung away namin na hindi pa namin naaayos, baka kung anong masabi ko gawa ng emotions ko tapos mag-iba tingin sakanya ng tao. 

"Sabagay"

"Alam ko din naman kung bat pumasok ka pa"

"Why?"

"You need to talk to someone"

"Kay Kylie sana kaso umalis na. Sabi ko intayin niya ako eh tapos umalis na. Sana nasense niya na need ko siya kaso wala kasama na ng bebe."

"Hayaan mo na yun."

"yea"

"Di mo padin kinakausap si Sky?"

"Ayaw ko sa chat"

"Sabagay, may point ka"

"Nakakainis kasi siya eh, alam na niyang hindi kami okay tapos di padin pumunta sa practice" Pagrarant ko " Si Wesley nga at Leo kahapon nakapractice kahit na kasama dapat sila sa basketball"

"Bakit daw ba yun ang inuna niya?"

"Naka-oo daw siya dun na una"

"Tama naman siya pero sana inisip niya kung ano mas importante" edi mali siya duh " Pero baka naman nagpapalamig lang din kasi baka kung nagpunta siya kahapon mag away lang din kayo kasi parehas kayong mainit ang ulo."

Nagkwentuhan lang kami hanggang mag ala-una na at hindi na talaga bumalik si Kylie. Nagbayad nalang kami ng Miscellaneous fees namin sa Admin and after, sinamahan din niya akong puntahan yung makalumang bahay na parang museum dito sa may malapit sa school para itanong kung magkano at kelan pwedeng magphotoshoot doon. Yun nga lang, nakailang door bell kami eh walang sumasagot, walang tao.

After noon, umuwi na rin kami.





Pagkadating sa bahay wala pa sila mommy kaya sabi ko nalang kay yaya kumain na ako kahit hindi pa at umakyat na sa kwarto. 

Wala rin akong magawa kaya nagpaint nalang ako at dun binuhos lahat ng nafefeel kong lungkot at worry. Nagpaint lang ako ng payaso na malungkot at kalat kalat ang makeup dahil sa luha. Pagkatapos ay pinicturean ko yun at nilagay sa story sa instagram.

Saktong pagkatapos ko ay dumating na sila mommy at nagdinner na kami. 

"Baby, anong kukunin ni Sky sa college?" Sky nanaman

"Engineering po" 

"Akala ko magsea seaman yun?" tanong naman ni daddy.

"Nagtatry din po, sa 18 po magpoproceed sila sa neuro sa manila.

"Ahh, napasa niya yung written exam?"

"Napasa din yun ni Lhexine, Hon" sabi ni mommy

"Oh that's good, anong kinuha mo dun?"

"Transpo po, wala din po doong Naval Architecture eh"

"Either way di ka naman papayagan ni Master HAHAHAHA" master tawag namin kay mommy pag kumokontra siya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 12, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

QuaranthingsWhere stories live. Discover now