2

7 0 0
                                    

031220

Class demo lang ngayon ng mga aspiring teachers at section namin ang naka-schedule ngayon pero tinatamad akong pumasok kasi ayaw ko ding makita si Sky. Halo halo na ang nararamdaman ko ngayon at natatakot ako sa possible na mangyari.

kyliemontero: san ka? di ka papasok?

lhexinemmanuel: di ko pa alam, late na ako haha

kyliemontero: hey, andito lang ako lagi ha?

lhexinemmanuel: pasok ako, kahit late. wait mo ko hehe

kyliemontero: sige mwa

Binilisan ko mag asikaso at umalis na ng bahay. Sumakay ako ng jeep at nag-antay pang mapuno yun. Eww talaga minsan sa jeep, halos matuluan ka na din ng pawis ng katabi mo sa sobrang siksikan. Tiniis ko nalang yun hanggang sa makababa ako sa school. 

waynelim: san ka?

lhexinemmanuel: dito na sa may tree bench

waynelim: tama dyan ka nalang. patapos na demo.

lhexinemannuel: okay.

Tama nga si Wayne, ilang minuto lang binati na ako ng iba naming kaklase na galing sa class demo.

"Hi Lhexine, hanap mo ba si Sky?" naiiyak nanaman ako pagkadinig ng pangalan niya

"Wala si Sky, di pumasok" sabi naman ni Maureen. Hay nako, di ko naman tinatanong eh.

"Si Kylie?" sabi ko nalang, pagiiba ng topic.

"Ay andun kasama si Ranz" Rancho Zandrine, jowa ni Kylie.

"Sige salamat"

"Sige una na kami"

"Ingat"

Di pala siya pumasok, di rin siya nagmemessage sakin simula kahapon, blinock ko kasi number niya hehe. Call kasi ng call di ako makapag relax sa adorable home. Ayaw ko din siya makausap kasi for sure magkakabati nanaman kami nito sa chat lang.

Dumating na si Kylie at si Ranz pati na rin sila Wayne, Jay, at Joshua kasama pa yung ibang mga boys na kasama kagabi pag basketball at pinalibutan nila ako. May tinanong sakin si Van about dun sa contribution namin sa last project kaya di ko napansin na umalis na si Kylie at Ranz. Baka maglalunch lang.

"Magka-away kayo no?" pang-aasar sakin ni Jay. Tho tanong yan pero nakakaloko kasi ngiti niya.

"Hindi" deny ko naman.

"Sus hindi daw" gatong naman ni Van.

"Kaya pala di daw kagabi makafocus sa laro eh HAHAHAHA" 

"Wala kasing poreber" nega talaga ni John

"HAHAHAHAHAHA talo kami kahapon, wala sa wisyo bebe mo kaya wala kaming pera HAHAHAHA" sabi ni KM, Keith Marcus, habang tumatawa na parang ewan. Pustahan siguro laro nila kalaban yung isang block ng STEM.

"Ewan ko sainyo" sabi ko naman habang sila tumatawa.

Unti unti na din silang nag alisan after ng ilang asaran at kwentuhan namin, uuwi na raw sila kasi half day lang pala yung class demo hanggang sa kami nalang ni Wayne ang natira.

"Pumasok ka pa talaga ah?" pang aasar ni Wayne

"Kala ko whole day" 

"Di ka kasi nagbabasa sa messenger"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 12, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

QuaranthingsWhere stories live. Discover now