11 : 11

62 21 37
                                    

Xiannara's POV

"G-grey? W-what are you doing?" nauutal kong sambit.

"Hugging the woman I want?" lalo akong hindi nakagalaw sa sinabi niya.

W-want? Baka trip niya lang 'to? Hay! Trip niya nga lang 'to!

"Can you please hug me back?" ang soft ng boses niya. Lalo akong napo-fall, hanep!

Dahan dahan ko siyang niyakap, at mas lalo namang humigpit ang yakap niya sa akin. Isiniksik niya din ang ulo ko sa dibdib niya, malakas ang kabog ng puso niya, pero bakit? Naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa aking leeg, na siyang nagbigay ng matinding kilabot sa akin.

"I'm so sorry for everything I've done. I just found it cute when you're mad." then he chuckled.

Pabiro ko siyang hinampas pero laking gulat ko ng kunin niya ang kamay ko at isinandal ako sa couch.

"I really want you." ang soft talaga ng boses niya.

"S-sure ka ba? Baka naman may lumipad na ipis ulit sa mukha ko." nakatungo kong saad, pinipigilan ang luha sa aking mga mata.

"I'm willing to court you." anito bago tinaas ang mukha ko, tumulo naman ang luha ko, kaya agad niyang tinanggal ang eyeglass ko at pinunasan ang luha ko gamit ang kanyang daliri.

Batid kong seryoso at sinsero siya sa kanyang mga sinabi kaya naman iba ang epekto nito sa akin.

Bakit parang ibang tao ang kaharap ko? Bakit parang hindi ito ang Kyrex Grey na nakilala ko? Pero bakit mas lalo akong nahuhulog sa kaniya?

Parang dati lang...

"Hoy Leigh-zy pig!" eto na naman si Grey. Kyren Grey Martinez, that's my crush. Actually hindi lang ako ang nagkakagusto sa kaniya, lahat ata ng babae sa school na'to nagkakagusto sa kanya. Maliban siguro sa mga nerd like me? Pero ako, gusto ko siya. Sino ba namang hindi magkakagusto sa kaniya?

Our school uniform fits him so much. Mukhang bagong gupit ulit siya dahil nabalitaan kong may dumating siyang pinsan from U.S. His blue eyes are now staring at me. His pointed nose. Thick eyebrows. His naturally red lips. His skin tone that are naturally color white. He looks like a model. But his attitude? Trash. I can define his attitude using the word 'trash', why? Basically, he's bad, he's hurting students specially nerds like me. In short, his attitude stinks. Gross!

Halos mapaigtad ako ng bigla siyang sumigaw na tinawanan naman ng mga kaibigan niya.

"Matutunaw naman kagwapuhan ko sa titig mo!" sigaw niya na kinatawa naman nina Auric at Andrei Villanueva. Kambal sila at syempre mga gwapo. Ihit din naman ng tawa si Ryle Santilllan habang pumapalakpak pa. Mukha silang tanga sa mga itsura nila ngayon.

Imbis na sagutin ay tumalikod na ako para sana umalis dahil pinagtitinginan na kami ng mga studyante at karamihan don ay mga kababaihan na naiinggit dahil sa pinapansin daw ako ni Grey, samantalang mas gugustuhin ko pang hindi na lamang. Namamansin nga pero para din naman ipahiya ka lang. Kahit gaano ko pa 'to ka-gusto nasasaktan din ako sa twing dinadamay niya ang pamilya ko sa pambu-bully niya.

May pumigil sa aking braso at iniharap ako, si Grey. Nagulat ako ng lumuhod siya sa harap ko at may inilabas na pulang kahon na may kalakihan. Mukhang lalagyan ito ng kwintas. Pero bakit naman niya ako bibigyan ng kwintas? Asa ka pa, Xiannara!

"Leigh, matagal ko ng gustong sabihin 'to, gusto kong malaman mo na gusto kita." napakurap-kurap ako sa sinabi niya at pilit ipinoproseso ang kanyang sinabi.

Xiannara?! Gusto ka din ng crush mo?! Omy!!! Should I celebrate? Napatigil pagpapantasya ko nang makarinig ng samu't-saring negatibong komento mula sa mga kababaihan.

ONE SHOT STORIES FOR CONTESTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon