Kabanata 39

55 8 0
                                    

Kabanata 39

"Tara?" Tanong ni Theodore sa lahat dahilan para ma-excite sila. Hindi na ako nagpalit ng damit ko dahil, mahirap maglaba. Hahahahaha—PILIT!

Nandito na kami sa labas ng hotel, hinihintay ang mga pa-VIP na mga guest. CHAROT! VIP naman talaga sila...

Nakalipas ang sampung minuto, nakarating na rin sila.

"Mauuna tayo sa zipline, sunod ang sky diving at mamayang gabi ang peryahan." Sabi ng babaeng guest na si... Sino nanaman 'to? Ah—oo, si miss Dimple.

Nagtilian nanaman ang mga babae't bakla at ang mga lalaki naman at sumusuntok sa ere. Like muntanga!

Nang maglakad na ang mga guest, sumunod kami. Ano ba yan, maglalakad pa kasi! May mga service naman, siguro dahil walang pangbayad, eh kasi naman ilan lang yung binayad namin. 500?! Oh oo nga pala, public school lang kami.

Nagulat nalang ako nang bigla akong hilahin ni—Adrianne?!

"Ano—" bago ko pa ituloy ang sasabihin ko bigla siya sumatsat.

"Dito ka lang sa tabi ko," at may tinuro siya, sila Gerard at Melody na naglalandian.

"Flirt," wala sa sariling na bulong ko.

"Their just doin' that because they want you to get jealous." Okay salamat sa'yo, Adrianne. Kaya hinayaan ko nalang siyang hawak-hawak ang kamay ko habang naglalakad.

"Hey! Gotcha!" Nagulat kami ni Adrianne sa pagsigaw ni Daryl sa amin, problema ne'to?
Napansin ata ni Daryl na hindi namin alam ang ibig sabihin kaya umayos siya, naglakad patalikod at tumingin sa mga mata ko. Bakit sa mga mata ko?

"Are you guys... Dating?" What the eff?! Dahilan para tignan ko siya ng masama.

"Are you blind?" Pambabara naman ni Adrianne sa kanya.

"I'm not! Look at your hand, why are you together?" Nagtataka talaga siya, muntanga lang?

"Yes, we are dating... What's the problem?" Dahilan para manlaki ang mga mata ng mga nanonood kahit mangilan-ngilan lang.

"Ah—is that so? Okay, bye..." Tapos umalis, weird.

"Why—" pinutol ko na ang tatanungin ni Adrianne dahil alam ko na ito.

"Don't worry, pretend lang tayo." Bulong ko sa kanya na kami lang ang nakakarinig.

"Okay," at nagkibit balikat siya.

NAKARATING na kami kung saan mag-zi-zipline kami. Woah, ang taas ah, at ang haba. Bagong gawa siguro 'to, kasi hindi ko naabutan ito nung lumayas ako. Ang daming nagbago. Kayang-kaya nga nila na wala ako.

"Who are the representatives?" Tanong ni mr. Jackson.

"Wait, just give us 5 minutes." Paalam ni miss Bliss at pumunta sa amin. "Ako ang pipili," sabi pa niya at naghanap-hanap. "Sa mga babae ay sila Palm, Vivienne, Azariah, Bianca and Ellis, sa mga lalaki naman ay sila Yanyan, Elio, Daniel, Jeremiah, and Adrianne."

"Ma'am," tinaas ko ang kamay ko dahilan para mapatingin siya. "Ano bang gagawin? Mag-zi-zipline lang? Ganun? Paano tayo mananalo?"

"Actually, no screaming challenge 'to kapag may sumigaw isa sa inyo, disqualify na agad. I forgot to say, buti pinaalala mo." Like what the eff? Kaya ba kami ang pinili?

"Tara na. Bee, ikaw muna ang bahala rito ah?" Bilin niya sa muse namin.

"Yes miss..."

Sumunod na kami kay miss Bliss, tinignan ko naman si Adrianne na relax lang, simula nung huminto kami, hindi na namin binibitawan ang kamay ng isa't isa.

May mga in-explain pa ang guest at ako naman hindi nakikinig. Basta, malinaw na sa akin na NO SCREAMING CHALLENGE 'to.

Sabi nila na by partner, ang partner ko naman ay si Adrianne. Si Daniel at Bianca, Elio at Ellis, at hindi makadesisyon ang apat.

_

Katrina Estrella

Vivienne BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon