Kabanata 26

65 12 0
                                    

Kabanata 26

Azariah Hillee Dran POV

Natatanaw ko na sila Yanyan at Palm, nahuli sila... Napansin ko na nagpalit na rin sila ng posisyon, si Yanyan na ang nagmamaneho at si Palm na ang nakaangkas na nakakapit sa bewang ni Yanyan.

Parang piniga ang puso ko nang makita ko ang posisyon nila kaya nauna na akong pumunta sa cottage na kakainan namin.

What's wrong with me? Hindi ko maintindihan.

Pagkapasok ko sa cottage, bumungad sa akin ang dami ng mga estudyante ngunit nagkasya kami dahil malaki ang cottage. Tumabi ako kay Vivienne na katabi si Adrianne, close na sila?

Dahon ng saging ang ginawa nilang pagkainan, at punong-puno ng sea foods. Nang makarating na ang iba ay nagsi-upo na sila, ang katabi ko sa kanan ay si Vivienne na katabi si Adrianne at ang katabi ko sa kaliwa ay si Theodore na katabi si Yanyan.

Pagkatapos namin magdasal, nagyaya na silang kumain. Napagdesisyunan ko na kukuha ako ng tilapia na prito at isang talangka, ngunit hindi ko abot ang pwesto ng talangka.

"Theodore, pakisuyo nga." Bulong ko dahilan para tumingin siya sa gawi ko.

"Ano yon?"

"Can you get that crab?" Tanong ko na nakatingin sa talangka na 'yon. Kinuha niya naman ito at binigay sa akin.

"Here," kukunin ko na sana nang tumikhim si Yanyan, dahilan para tignan namin siya ngunit nakatingin siya sa kinakain niya. Problema neto?

"Thanks," nakangiting usal ko at nagsimula nang kumain.

Natapos na kaming kumain, sinabi ng guest na dito raw muna kami. Maglalangoy-langoy. Kaya wala na kaming magagawa kundi sundin ang special guest.

Magkakasama kami nga mga barkada ko, at naguusap-usap kami tungkol sa course.

"Ano ba ang course mo, Theodore?" Tanong ni Pixie.

"Criminology, ikaw?"

"Tourism, ano sa'yo Azariah?"

Theodore Achoria POV

Kanina pa ako nagagandahan sa isla na 'to, feeling ko kasi pamilyar ang lugar na 'to.

"Actually, Nursing ang kukunin kong course." Sagot ni Azariah sa kanya.

"Ahh.. Kung ganon, ano ang sa'yo Yanyan?" Tanong naman ni Daniel.

"BS AeroE,"

"What's that?"

"Bachelor of Science in Aeronautical Engineering."

"Talino mo naman! Ikaw lang siguro ang mag-e-engineer." Papuri ni Daniel,

"Eh, ano ang sa'yo?" Tanong ko kay Daniel.

"Ako? BLA, Bachelor in Landscape Architecture. Ikaw, pala Vivienne? Kanina ka pa tahimik ah!"

"Piloto," nagulat kami sa simpleng sagot ni Vivienne.

"P-piloto?!" Gulat na tanong ng lahat dahilan para tumango siya.

"Mamaya mamatay ka dahil takot ka sa heights!" Natawa ang iba sa amin.

"Talino mo naman pala!" Papuri ni Adrianne na katabi niya.

"Eh, ano naman ang sa'yo?" Tanong ni Vivienne kay Adrianne.

"Ang akin?" Kunwaring nagisip-isip pa siya, "Piloto rin ang gusto ko," nakangising ani Adrianne, hindi ko alam pero parang may kumirot sa puso ko.

"Huh? Akala ko ba Electrical Engineering?!" Sabat ni Daryl.

"Sira! Gusto ko na ng piloto eh!"

"Melody, ano ang sa'yo?" Tanong ni Gerard, may nahahalata na ako sa kanila, nagpapaselosan sila. As if naman nagseselos si Vivienne.

"Ahh, yung akin? Medical Technology, ikaw ba?" Malading usal niya kay Gerard habang nakayakap, kadiri.

"Nursing..."

"Ikaw? Gerard? Nursing? Akala ko ba Chef ang gusto mo?" Natatawang usal ni Daniel ngunit hindi siya pinansin ni Gerard.

"Ikaw ba Lexi?" Tanong ni Julian.

"Flight attendant din ang gusto ko, ikaw ba?"

"Ako? Hmm... Gusto ko maging isang Law Student."

"How about you, Daryl?" Nagulat nalang kami nang tanongin ni Pixie si Daryl, may gusto siguro siya! Hahahaha!

"Me? Business man,"

"Bagay na bagay sa'yo! Eh, ikaw Anxiety?"

"Criminal," napahinto kami sa ginagawa namin at tumingin kay Anxiety.

"Ano?!" Lahat ata kami nagtanong ng malakas.

"Criminal," ulit niya. Napansin ko naman na tumatawa si Yanyan, Daryl at Adrianne.

"C-criminology ang ibig niyang sabihin, g-gusto niya raw ibahin kapag ganun." Tumatawang usal ni Daryl.

"W-what? Is he stupid?"

"Yes," muli kaming tumawa.

"Pero.. Guys, I wonder... Paano yung courses na sinabi niyo noon? Wala na 'yon?" Hindi namin inaasahang tanong ni Daniel.

"Lahat nagbabago," sagot ni Azariah sa kaniya.

_

Katrina Estrella

Vivienne BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon