002

133 10 0
                                        

Amihan Mara (@blackswan) tweeted:

"I am turning into someone I can't recognize. I wanna quit."

Ranyctophile (@eatandsleep) commented:

U okay?

***

@blackswan:
'Uy, huwag ka mag-comment sa post ko. Please.
12:04am√

@eatandsleep:
May magagalit?
12:04am

@blackswan:
Naalala mo 'yung guy na sinigawan ako no'ng isang araw? Member siya ng RedVes. Baka mapagtripan ka sa school.
12:05am√

@eatandsleep:
Ah yung ex mo?
12:06am

@blackswan:
Oo. Ayaw ko na may nadadamay.
12:06am√

@eatandsleep:
Di naman ako natatakot. Tinanong ko lang naman kung okay ka. Kalat sa department ng medtech ung ginawa nya sayong pamamahiya. Ba't mo hinahayaan?
12:07am

@blackswan:
Ba't mo alam?
12:08am√

@eatandsleep:
Narinig ko. Interesado lang.
12:08am

@blackswan:
'Yung totoo kasi.
12:09am√

@eatandsleep:
Totoo sinasabi ko😅
12:09am

@blackswan:
Huwag mo nang ituloy kung may balak ka.
12:09am√

@eatandsleep:
Grabe basted agad. 😂😂
12:10am

@blackswan:
Itulog mo na lang 'yan. Alas dose nang gabi, kung anu-ano sinasabi mo.
12:10am√

@eatandsleep:
De seryoso na. okay ka lang?
12:10am

@blackswan:
Okay naman ako.
12:11am√

@eatandsleep:
Ba't ka laging gising nang ganitong oras?
12:11am

@blackswan:
Stalker ka ba? Ba't mo alam?
12:13am√

@eatandsleep:
Sabi ko sayo diba? Interesado ako sayo?
12:13am

@blackswan:
Argh! Kainis!
12:14am√

@eatandsleep:
Iba tlaga ang mahilig magsulat. Pati sa message eh complete punctuation hahahaha.
12:14am

@blackswan:
😡
12:18am√

@eatandsleep:
Tagal. Hahahaha akala ko nawala ka na ulit.
12:18am

@eatandsleep:
Bakit nga pala kayo naghiwalay? mukha namang pursigidong bumalik sayo.
12:19am

@blackswan:
Napagod ako.
12:20am√

@eatandsleep:
Diba kung mahal mo isang tao, hindi ka dapat susuko? Kapag napagod, pahinga lang?
12:20am

@blackswan:
You won't understand. 3 years na naging kami pero puro sorry na lang naririnig ko sa kaniya. Tuwing nagkakamali siya, kino-convince ko sarili ko that it'd be different next time. Siguro magbabago na siya. And yet I'm still the one who wait. I'm still the one who love more. Ako pa rin 'yung nag-iisang nagsasalba sa relationship namin. And I think it's always going to be that way if I won't let him go.
12:22am√

@eatandsleep:
Pinakawalan mo nga, pero mukhang di mo naman kaya yung naging outcome.
12:22am

@blackswan:
'Di mo pa siguro naranasan, pero I tell you, sobrang hirap.
12:23am√

@eatandsleep:
Alam ko yung pakiramdam ng nawalan. Oo, nawala yung taong mahal mo, but that doesn't mean you have to lose yourself, too.
12:24am

@blackswan:
Lalim a, mukhang 'di lang ako ang broken.
12:25am√

@earandsleep:
Hahahaha naghahanap ka ba ng kakampi?
12:25am

@blackswan:
Baliw. Nagtatanong lang, parang may pinaghuhugutan ka e.
12:25am√

@eatandsleep:
Medyo lang
12:25am

@blackswan:
Wanna share?
12:26am√

@eatandsleep:
hahaha next time
12:26am

@eatandsleep:
Guguluhin kita sa gantong time
12:26am

@blackswan:
You love darkness?
12:28am√

@eatandsleep:
Pano mo nalaman?
12:28am

@blackswan:
Twitter name mo.
12:28am√

@eatandsleep:
Alam mo ang nyctophile?
12:29am

@blackswan:
Yeah. Someone who loves darkness.
12:29am√

@eatandsleep:
Hahaha galing, ikaw, gustung- gusto mo mag-isa diba? Nasa bio mo.
12:29am

@blackswan:
Yeah...an autophile.
12:29am√

@eatandsleep:
Kaya ganitong oras gising ka pa kasi ngayong oras lang na napapag-isa ka. Tama?
12:30am

@blackswan:
Dami mong alam sa akin. Noong naaksidente naman ako, 'di ako nagka-amnesia. And actually... when I saw you, parang nakita na kita somewhere.
12:31am√

@eatandsleep:
Bakit? Familiar ba ako😅?
12:31am

@blackswan:
Ewan. I felt like I've seen you before.
12:31am√

@eatandsleep:
Hahaha. Baka sa school nakikita mo na ako. Ngayon lang ako naging relevant.
12:31am√

@blackswan:
Baka nga. Sige, gonna go na.
12:32am√

@eatandsleep:
Okay. Goodnight😊
12:33am

@eatandsleep:
Antayin kita ulit ng ganitong time. Online ka man o hindi. Goodnight ulit:)
12:34am

***

From The DeepestWhere stories live. Discover now