I haven't seen his whole face yet I know he is captivating. Hindi ko alam kung bakit hindi ko maialis ang titig ko sa kaniya. May kung anong enerhiya ang tila humila sa akin palapit sa estranghero.
Marahang umihip ang hangin at nakita ko ang banayad na paggalaw ng buhok nito na tila sumasayaw sa kumpas ng hangin. Pasikat na ang araw at kita ko ang pagtama ng sinag nito sa kaniyang mukha at kung paano kuminang ang kaniyang balat dahil dito.
Unti-unti niyang idinilat ang kaniyang mga mata. Hindi ko pa rin maialis ang mga titig ko sa kaniya, at tila naramdaman niya iyon. Sa pagtatagpo ng aming mga mata ay naramdaman ko ang paglambot ng aking katawan at mabilis na tibok ng aking puso.
Ang tsokolate niyang mga mata ay tinatamaan ng sinag ng araw.
Those are the most beautiful eyes I've ever seen.
Umihip ang malakas na hangin at tinabingan ng hibla ng aking buhok ang aking paningin. Napapikit ako at sa pagsara ng aking mga mata ay isang imahe ng lalaki ang nakita ko. Palayo ito sa akin.
I unconsciously run after the guy ngunit tila sa bawat hakbang ko ay mas lumalayo pa ito. Nagulat ako nang sa aking paghinto ay huminto rin ito. Dahan dahan siyang lumingon sa akin ngunit sa kaniyang pagharap ay liwanag lamang ang aking nakita kasabay nang pagbalot sa akin ng kadiliman.
NAGISING ako na masama ang pakiramdam. Masakit ang ulo ko at mabigat rin ang talukap ng aking mga mata. May mga ingay akong naririnig sa paligid ngunit hindi ko maintindihan ang mga sinasabi nila. Sinusubukan kong imulat ang aking mga mata ngunit tila wala akong enerhiya para gawin ito.
I stayed like that for a minute bago unti unting sinusubukan na idilat ang aking mga mata. Liwanag ang una kong nakita. Unti unti na ring nagiging malinaw ang mga boses na naririnig ko kanina.
Hinanap ng mga mata ko ang boses at doon ay nakita ko si Rom na nakakunot ang noo habang tila inaawat ng dalawa niyang kasamahan. Pagbaling ko sa kaharap ni Rom ay nakita ko ang isang lalaki na nakapamulsa at nakatingin nang deretso kay Rom.
He has a tall and lean figure, maybe a bit taller than Rom. He also has this fair skin and jet black hair na parang ang lambot hawakan. At nang dumako ang tingin ko sa kaniyang mukha ay muli kong nasilayan ang kulay tsokolate niyang mata.
Kahit kalahating parte lamang ng kaniyang mukha ang abot ng aking tanaw ay kita ko pa rin ang magandang kulay ng mata nito.
They are so beautiful yet so cold and distant. Naalala ko na naman kung paano nanlambot ang buo kong katawan nang matitigan ko ang mga ito at kung paano tila nakipagkarera ang puso ko sa bilis ng tibok nito.
Those eyes, they are familiar. So familiar.
And as if he heard me whisper, dahan dahan siyang humarap sa akin. Piercing my whole existence with his cold brown eyes.
I felt it again, the same feeling I felt at the field when our eyes locked. The electrifying intensity. The familiarity. The longing.
"Az!" I drifted my gaze to Rom na ngayon ay hawak na ang kamay ko at nag-aalalang nakatitig sa akin.
Bumalik ang tingin ko sa misteryosong lalaki as he silently watch us, too.
"How are you feeling? May masakit ba sayo? Should I call the nurse? Nurse! Nurse!" He seemed to be on panic mode, which is oddly unusual.
I just nod awkwardly as I can't find the right words to say. I can feel his stare ripping as if fire is faintly touching my skin.
His friends laughed quite hysterically. "Geez, bro. Ria didn't gave birth to your child, idiot! Don't be so frantic!"
YOU ARE READING
Cascading from Nirvana
General Fiction"Breathe with me, Azaria. P-please." I can hear the tremble in his every word as he tries to stop his tears from falling. "Stay, stay with me." "You know I will, always." I said in a whisper. "Ask me the same thing. Ask me to stay with you." He clo...
