Napangiti naman ako, wala talagang tapon sa babaeng ito, Kahit ang naiinis na boses nya ang ganda pa rin tulad nya "sorry nakatulog na ako eh"
"Tsee! Ginagawa mo din ba yan dati sa ex/baby mo?" sabi nya kaya napamulat ako dahil sa baby na sabi nya "Hindi mo din sya hinihintay na makauwi at tinutulugan mo lang sya?"
"Madalas ako makatulog pero yong pag uwi kasi lagi kami magkasama kaya alam ko bago ako makatulog ay nahatid ko na sya sa kanila" sagot ko naman.
Narinig ko naman syang napabuntong hiningi sa kabila ng linya.
"I'm sorry sweety" malambing kong sabi "Ano ba oras kayo nakauwi?"
"malapit ng mag12" maikli nyang sagot
"Aah. Medyo maaga pa hindi ka na antok?" sabi ko naman na nagbabakasaling antok sya at pwede pang matulog muna sya para makatulog din ako.
"antok"
"deh matulog muna tayo" sabi ko naman.
"oo. Matutulog tayo pagdating ko dyan" sabi nya na nakapagpamulat sakin.
"Punta ka dito?"
"Oo. Malapit na ko"
"Ang aga ah"
"Ayaw mo? Namiss kita eh. Parang ang gusto mo ubusin lang oras natin sa pagtulog" nagtatampo nyang sabi kaya naman naalala ko yong challenge nga naman. 24hrs lang yon.
Ngumiti ako saka umupo kaya inantok pa "Sige. Ingat ka. Nagdadrive ka? Mamaya na tayo mag-usp, delikado yan"
"geh" sabi nya na halatang nagtatampo pa
"Baba ko na ah? I love you, sweety ko" malambing kong sabi kaya naman napa 'I love you too' naman sya kahit halatang hindi pa nawawala yong bad mood nya. Tumayo na ko saka nagtoothbrush at naghilamos.
Sadyang mapaglaro ang
Palad at---
Sa pangalawang pagkakataon ngayong araw ay nagising ako ng tunog ng cp ko at tulad kanina si Jennie. Napa 'shit' ako ng maalala kong napaidlip ulit ako.
"Sweety?"
"May balak ka bang buksan ako?" halatang iritang sabi.
"Ito na po" sabi ko sabay takbo sa pinto at binuksan ito, sinalubong ko sya ng ngiti habang sya nakabusangot pero napababa ang ngiti ko ng makita ko ang mga dala nya. Pizza, Chicken and donuts.
"Bat ang dami mo namang dala?" sabi ko naman saka kinuha yong ibang nasa sahig dahil sa hindi na kayang dalhin ng kamay nyang may hawak yong isang cp. Pumasok kami pareho sa bh ko.
"Pagkain natin"
"pero-" natigilan kong sabi. Hindi naman nya kaylangan gumastos e. Nahiya tuloy ako.
"No buts nabili ko" sabi nya saka ngumiti na pero nawala din naman yong ngiti nya ng makita akong hindi nakangiti "Bakit?"
"Wala. Ayoko lang gumagastos ka para sakin" sabi ko naman
Hindi talaga ko mahilig magpagastos sa iba. Kila nanay lang syempre at kay Cole, dahil sa hindi naman ako mabubuhay ngayon kung hindi ako nagpagastos sa kanila. Kaya nga hanggat maari ay gumagawa ako ng paraan para hindi na sila mas gumastos sakin dahil sa may raket na ko.
"Hindi lang naman ikaw kakain nyan. At magjowa tayo ngayong araw dba?" sabi nya saka hinawakan ang magkabilang pisngi ko at inangat ito para matignan ko sya. Nakayuko kasi ako kanina.
"Kahit na. Ayokong ginagastusan ako"
"So, anong gagawin natin dito nabili ko na?" sabi nya naman na nakanguso na din "sweety ok lang yon. Minsan lang naman ito" sabi nya.
VOUS LISEZ
Why Can't It Be?
FanfictionHindi ba sapat ang mahal natin ang isa't isa para hindi maghiwalay? Hindi pa ba sapat na mahal kita at mahal mo ako para ako naman ang piliin mo? - Jisoo I love you but I just can't choose you. I'm sorry kahit gaano ko kagustong ipagpatuloy mo ang m...
Chapter 8
Depuis le début
