"Oo, nandito pa kami. Huh?... papunta ka na? Sige... ok, ok lang ba sayo. Pwede naman sa susunod na araw kung pagod ka nasa operasyon? Ok" sabi nya saka binaba ang tawag. "Papunta na daw sya, hintayin na natin? Nandyan lang sa tabi yong hospital eh"

"Oo dad, hintayin na natin saka habang naghihintay pwede bang kumain tayo? Gutom na naman ako eh" sabi naman ni Daph, kaya natawa si dad saka tumango.

Mga 5minutes din kami naghintay ulit sa kanya bago sya dumating nang nakawhite v-neck lang at nakadenim short at tsinelas lang. Napatayo naman ako bigla, sya yong doctor sa hospital na pinag OOJThan ko. Crush na crush ng mga babae dun, mapapasyente man o nurse o ano pa ay nagiging crush sya, si Jerom King.

Hindi naming akalain ni Daph na ang kikitain namin ay sya. Akala namin medyo kaedad o malapit sa edad ng pinagmamalaki nya samin kanina at kikitain ngayon pero hindi, batang bata pa ito kay dad.

Medyo mas maedad tignan sakin pero parang hindi mo aakalain na successful doctor na ito o kung oo naman yong doctor na itsura na makikita mo lang sa k-drama. Para syang yong second lead ng doctor crush. Ganunan yong itsura nya na hindi ko inexpect, expected ko kasi mas matanda pa sa kanya dahil kakilala ng dad. Hindi ako ganun kahilig sa kdrama pero pag about sa mga doctor ay kahit san galing na bansa ang palabas ay pinapanood ko dahil sa pwede madagdagan nun ang ideya ko sa pagiging doctor.

Kahit nakikita ko sya sa hospital ay hindi kami nagkaroon ng pagkakataon na makapag-usap kaya kilala ko lang sya sa mukha ay pangalan.

"Hi" nakangiti nyang sabi samin saka naramdaman ko ang pagkurot ni Daph sa tagiliran ko na nangangahulugan na kinikilig ito. Kung hindi ako mahilig sa kdrama ay sya naman ang kinaadik nito. Madali din syang kiligin kaya hindi nakakapagtaka na kinikilig sya ngayon.

Nginitian ko naman sya bilang tugon saka ko tinignan si Daph kaya binitawan nya na ako. Anak sya ng may-ari ng hospital na panag OOJThan ko, at 3 taon palang sya sa pagiging doctor pero pinagmalaki naman ng dad lahat ng achievements nya na parang sarili nyang anak. Halatang halata na gustong gusto sya ni dad at close din sya.

How come I don't have an idea about him until now kung ganun sila kaclose ni dad? Hindi pa talaga sya nadadala ng dad sa bahay o kahit san na nadun ako kaya hindi sya pamilyar sakin.

Kung titignan ng matagalan, hindi naman talaga sya yong gwapong gwapo. Malinis lang tignan, subrang propesyonal gumalaw/para bang edukadong edukado pero yong edukadong hindi mayabang tignan. Madami kasi satin na edukado tignan pero mayabang naman ang dating, sya parang ang humble na edukado. Saka mukhang mabait kaya naman lumalakas ang appeal nya na at nasasabing gwapo talaga sya dahil sa mga katangian nyang yon.

Sandali lang naman kami dun, dahil sa alam ng dad na pagod sya at maghahating gabi na din.

~Jisoo

----nong, mga babala

Dagling binigay ko ang lahat

Kahit itong puso'y di

(AN: song- Bukas makalawa by Sam Concepcion)

Napamulat naman ako ng ingay ng cp ko. Sa totoo lang kanina ko pa naririnig ito pero tinatamad pa akong gumising kaya medyo pinatagal ko yong pagsagot. Tinignan ko kung anong oras na 5:12am palang.

Napabuntong hininga naman ako. So, early sweety reklamo ko sa isip ko habang nakatingin sa screen ng cp ko at nakikita ang pangalan ni Jennie. Sinagot ko ito habang nakapikit.

"Good morning sweety?" inaantok ko pang sagot.

"Tsee! Walang reply sa mga text o kahit chat ko kagabi?" nagtatampo nyang sabi

Why Can't It Be?Where stories live. Discover now