"And how dare you to touch me?!" inis kong sabi saka pinilit kong kumalas sa pagkakahigit nya pero malakas sya at hindi ko nagawa ang gusto ko saka may linapit nya pa ang katawan nya sakin. Amoy na amoy ko ang pabango nya dahil sa subrang lapit nya. Mabango sya kung mabango pero sa panlabas lang dahil sa ang baho ng ugali nya. Hindi ko pa nga sya pinagbibigyan ng pagkakataon na manligaw ganito na sya? Pano pa kong baliw ako at nabigyan ko sya ng pagkakataong maging kami. Buti na lang talaga hindi lang ako maganda kundi matino pa.

"Baka nakakalimutan mong anak ako ng pinakamalaking stock holder ng company ng mom mo" pagmamalaki nya

"So?" sabi ko saka tinulak na sya. Tsk! "Your dad is just a stock holder. Nasa restaurant tayo wag mong dadalhin ang pagiging basagulero mo dito sa pagmamay-ari namin" pagmamalaki ko. Pagmamay-ari din kasi ito ng dad na restaurant. Business partner nya dito yong kikitain namin. Hindi ako yong pinagyayabang ang pagmamay-ari namin dahil sa originally hindi ko naman talaga ito. Sa nag-ampon sakin pero nakakairita lang sya kaya nasabi ko yon. Tsk!

Lalapit pa sana si Bryan ng may magsalita sa likod nya "Excuse me?" si dad "Is there any problem?"

Para namang naalarma si Bryan at parang tumino. Tsk! "none sir. Mauuna na po ako" sabi nya saka nagpaalam, bago umalis ay tumingin muna kila dad at mom.

"Ano na naman yon Jennie?" tanong naman ni Mom "pati ba naman yong anak ni Brandon inaaway mo?"

"wala naman ginawa si ate" sagot naman ng spokeperson kong si Daph kaya nakatikim na naman sya ng masamang tingin ni mom.

"Shut up, Dahpney. Yong pagsabi ng stupid dun ay hindi tama" sagot naman ni Mom

"totoo naman yon. Aanuhin mo ang yaman kung mayabang. Tanga ka talaga kung papatol ka dun" sagot ulit ni Daph.

"I said shut up, dba?" nauubusan ng pasensyang sabi ni mom kay Daph. Habang sila ang naguusap na dalawa ay pinabayaan ko na dahil sa lahat naman atang hindi ko nasasabi kay mom ay nasasabi na ni Daph in my behalf, nakatuon lang ako sa reaksyon ng dad. The last person na ayokong madisappoint is him. Sya yong kumupkop sakin at bingyan ulit ng panibagong pamilya kaya naman sya talaga ng mas ayokong nagagalit o nalulungkot sa mga ginagawa ko.

"Hindi mo ba pagagalitan yan?" sabi naman ni mom kay dad.

Naglalakad na kami papunta sa kotse namin dahil sa umuwi na lang daw kami sabi ni dad dahil sa parang hindi makakapunta yong kikitain namin dahil sa nagkaemergency operation ito. Hindi pa nagrereply kay dad kaya baka nasa operasyon pa rin ito.

"10% lang naman yong ambag nya sa kompanya natin dba?" sagot naman ni dad

"Lang?? Malaki yon! Pano kung umalis yon?"

"Then I'll buy their share. I have enough money" simpleng sagot naman ni dad.

"Tsk! Kaya lumaki ang ulo ng batang yan kasi lagi mong kinakampihan. Akala nya tama lahat ng ginagawa nya" inis na sabi ng mom.

"Tama naman yong ginagawa nya ah. Hindi porket mayaman magmamayabang na" sagot ni dad saka pinag buksan si mom ng pinto ng kotse.

"Oo. Hindi din naman gwapo. Malinis lang dahil sa mayaman pero kung dumihan yon, hindi gwapo eh" dagdag pa ni Daph saka binuksan din yong pinto ng kotse saka sumakay na kami.

"Kanina ka pa. Hindi namin kaylangan ng opinyon mo?" inis na baling sa kanya ni mom.

"Anong sabi mo anak? Hindi naman gwapo? Tama" sang ayon naman sa kanya ng kakapasok lang na si dad saka nag apir pa sila kaya nainis naman si mom. Napangiti na lang ako, ipapaandar na ni dad yong kotse ay may tumawag sa kanya kaya sinagot nya ito.

Why Can't It Be?Where stories live. Discover now