"Ayusin mo pakikipagusap sakin Daphney" may pagbabantang sagot ni mom kaya na pa upo ng maayos si Daph saka parang ziniper pa pasara yong bibig "hindi ako against sa kanila ang akin lang ayokong malalaman kong masasali ka sa gf nya o sa magiging gf nya" dagdag ni mom na nakapalunok sakin ng laway.
Well, hindi naman talaga official na kami?? Gusto lang naming subukan yong 24hrs jowa challenge at ako yong nakaisip nun and I swear hindi ko alam kung bakit nagcome up yong mind ko ng ganung ideya. Pero ayoko namang bawiin yon, susubukan lang naman ng isang araw eh. Gusto ko din talagang maexperience ang maging jowa ng malanding yon.
Baby Ji? Ew! Parang may pampers, mas di hamak naman sweet yong sweety kaysa sa baby.
Nang makarating kami sa restaurant ay naghinaty na kaming 10 minutes at o higit na pero wala pa yong doctor na kakausapin namin. Bakit kasi kaylangan nandito pa kami? Pwede naman ata kausapin ni dad yon na sila lang. Katulad ni Daph ay naboboring na ako. Tsk! Kung sana wala ako dito nakaumpisa na kami ni Jisoo na manood ng movie ngayon.
Ano kayang ginagawa nun? Tulog na naman ata yon. Nagtext lang kasi nung nakauwi na sya tapos nung nagtext naman akong nandito na hindi pa nagrereply.
Tumayo muna ako at nagpaalam na pupunta sa restroom.
"Jennie!" napalingon naman ako sa tumawag ng pangalan ko saka ko nakita si Bryan.
Sana pala hindi na lang ako tumingin.
Pinilit kong ngumiti sa kanya "Hi" masaya nyang sabi "Anong ginagawa mo dito? May date?"
"Hindi. Kasama ko sila dad"
"Oh, so wala kang date. Tayo ba kaylan tayo magdidate?" sabi nya naman kaya napayuko ako.
Isa sya sa mga nangligaw sakin na hindi ko binigyan ng pagkakataon. Medyo kasi presko at hindi ko type yong mga ganun. Well, si Jisoo minsan mahangin din naman yon pero hindi yong masamang hangin yong dala. Alam nyo yon? O nakukuha ko pa yong kahanginan nya kaysa kay Bryan. Yong hangin kasi ni Jisoo pabiro at alam mong hindi mayabang.
"Busy ako eh" palusot ko naman
"Lagi ka naman busy eh. Hindi ba pwde bigyan mo ako ng oras?"
"Pasensya na. Mahirap maghanap ng oras sa mga ganyan" mahinahon ko namang sabi saka ngumiti ng kunti.
"Mahirap o ayaw mo talaga?" sabi nya na tuluyan na nawala yon ngiti kanina at napalitan na ng mukhang ng may attitude kung tawagin "tibo ka ba? Yon lang ang nakikita kong dahilan kung bakit tinatanggihan mo ako" mapresko nyang sabi "kasi imposibleng ako tanggihan akong napakagwapo at napakayaman?" dagdag nya pa kaya parang may sumabog sa utak ko at uminit ito
Hindi ko alam kung nakakainit talaga sya ng ulo ko ako lang. Na may mgatao talagang ayaw mo na wala pang ginagawa ay ayaw mo ng makausap lalo pa kung nagmamayabang na. Kasi sakin sya ang taong yon.
Kaya naman dahil sa pinalabas nya na ang totoong sya ay ipapakita ko naman ang mataray kong side, ngumiti ako. Hindi tulad ng ngiti kaninang friendly kundi ngiting may pang aasar "I'll prefer to be lesbian in your eyes than to be stupid" sagot ko naman
"Stupid?" parang tanga nyang tanong dahil sa hindi nya alam ibig kong sabihin
"Yeah. Stupid to waste my time to someone as arrogant and full of himself as you are" sabi ko na nakapainis sa kanya at tinignan nya ako ng masama.
Yabang yabang. Hindi nya naman pera pinagmamalaki nya. Ang ayaw na ayaw ko ay yong mayabang at pinagmamalaki ang hindi naman sa kanya talaga at hindi nya naman pinaghirapan.
"How dare you to say that?!" sabi nya saka hinigit nya ako ng marahas para makalapit sa kanya.
Another one, halatang mapanakit physically, kaya ayoko talaga sa kanya.
YOU ARE READING
Why Can't It Be?
FanfictionHindi ba sapat ang mahal natin ang isa't isa para hindi maghiwalay? Hindi pa ba sapat na mahal kita at mahal mo ako para ako naman ang piliin mo? - Jisoo I love you but I just can't choose you. I'm sorry kahit gaano ko kagustong ipagpatuloy mo ang m...
Chapter 8
Start from the beginning
