"Ano ka ba? Bat nakaganyan ka?!" sabi ko saka pinatong ko ang polo ko sa balikat nya.

Ngumiti sya "Bakit? Naakit ka noh?" pabiro nyang sabi pero hindi ako ngumiti.

"Hindi lang ako. Hindi mo ba nakikita ang mga mata nila sayo? Bat ba ganyan suot mo?"

"Bakit ano ba dapat suot pagnagsuswimming? Jacket? Gown?" nagbibiro nya pa ring sabi kaya parang nainis pa ako.

Huminga naman ako ng malalim, naiinis ako, oo "Hindi, pero sana wag namang ganyan. Nasa probinsya ka, at hindi ganyan yong suot nila. Nakikita mo ba sila? Kayo lang may suot nyan kaya takaw atensyon kayo" asar kong sabi kaya nawala yong pangitingiti nyang mukha at tinignan ako ng seryoso saka ko naman napagtanto na araw mali ata yong reaksyon ko.

"Sorry. Ang sinasabi ko lang. Hindi sanay yong mga tagaditong may naliligong nakaganyan sa inyo" mahinahon kong sabi.

Hindi din naman kasi sya yong naliligong nakatwo piece lang pati mga kasama nya pero karamihan na nandito ay nakashort at tshirt kahit babae, sila lang grupo ang natatangi kaya agaw pansin lalo na sya na ang kinis at ang puti ng katawan nya.

Ang sarap pagdudukutin ang mga mata ng nakatingin sa kanya lalo na mga lalake eh.

Ngumiti naman sya saka sinuot ng maayos yong binigay ko "Ok. Ito na po nakasuot na. Sanay kasi kami na lahat ng pinupuntahan namin na swimming ganun ang suot namin. Iba pala dito lalo na yong babaeng malandi sa chat pero conservative in person" pang aasar nyang sabi saka pinulupot yong kamay nya sa braso ko "Halika, ipapakilala kita sa kanila"

Lumapit kami sa mga kasama nila at pinakilala ako sa lahat.

"Hindi pa kayo babalik sa Manila? May pasok na sa Monday"

"Hindi pa. May tatlong araw pa" sagot ko naman sa kanya habang kumakain ng chips. Gabi na at nag iinuman sila.

Napagdesisyunan din nilang bukas na lang umuwi sa Manila. Nagexcuse naman ako, nang tumawag si V sakin. Hindi nakasama si V dahil sa pumunta sya centro para ideliver yong bigas na order.

"Oh? Nagtext akong hindi uuwi ah?" sabi ko naman "Hello? Shit!" asar kong sabi dahil sa tinotopak naman yong signal samin. Minsan lang talaga magkasignal o may lugar lang na meron signal dito sa lugar namin kaya naman naasar ako. "V? Hai!" wala akong nagawa kundi ibaba ang cp ko at patayin ang tawag.

Nang umikot ako para bumalik dun sa kung nasan sila Jennie ay nandun sya nakatayo at nakangiti na parang hinihintay nya ako.

"Bat nandito ka?" tanong ko naman.

"Nandito ka eh" nakangiti nyang sabi.

"Hindi pa ba kayo maglalagay ng tent. Gabing na"

"Wala kaming tent"

Tinignan ko naman sya "Matutulog kayong walang tent?" hindi ko makapaniwalang tanong.

"Oo. Akala kasi namin may kubo kubo dito. Wala pala kaya walang choice towel na lang yong kumot namin at hihiga kami sa buhangin"

"Ang galing ng plano nyo ah?" sabi ko "Hindi nyo ba alam na inaabot ito lahat ng tubig dagat. Gigising kayo bukas nasa lumulutang na"

Bigla naman nanlaki yong mata nya "Talaga? Eh, sabi ni manong safe dito magpaumaga" kinakabahan nyang sabi kaya natawa ako, pinalo nya naman ako sa balikat "Gago ka! Ano nga?!"

Umiling iling ako habang nakangiti "Magpapaiwan ba ako dito kasama nyo kung ganun? Hindi ka nag isip" pang aasar kong sabi.

"Gago ka lang!" Asar nyang sabi pero ngumiti din agad.

Why Can't It Be?Where stories live. Discover now