Story #2

28 0 0
                                    

"Magandang umaga po!"
"Hello po Aling Lusing!"
"Hi Mang Ambo! Pogi natin ah!"

'Umagang-umaga nagi-ingay na naman 'tong babae na 'to.'

Sabi ng binata sa isip ng marinig na naman niya ang nakakairitang boses ng isang dalaga. Halos lahat ng tao sa barangay nila ay napapangiti dahil sa pagiging masiyahin nito- maliban kay Joshua. Hindi niya alam kung bakit siya naiinis dito. Lalo sa mga ngiti nito.

"Magandang umaga Josh! Umagang-umaga nakasimangot ka na naman. Alam mo mas pogi ka 'pag nakangiti ka-" natigil ang pagsasalita nito ng sigawan siya ng binata.

"P'wede ba! Umalis ka nga dito, akala mo ba natutuwa 'ko sa pagmu mukha mo?"

Ngumiti na lang ang dalaga at umalis.

"Tsk."

"Kumusta po Mang Ambo! P'wede po makahiram ng walis tingting? Hehe. Maglilinis lang po ako sa bakuran, dami po kasing patay na dahon ihh."

"Ayos lang naman Hija, salamat. Ah ito oh. Kahit 'wag mo na isauli." Tumawa ito at inabot ang walis.

"Sabi niyo po 'yan ah! Haha. Salamat pooo!" Paalis na sana ang dalaga ng mapatingin siya sa kabilang bahay. Naka tingin dito si Joshua at nakasimangot. Ngumiti siya at kumaway. Pero hindi siya pinansin nito. Nagkibit balikat na lang siya at tumakbo pabalik sa kanilang bahay.

Nagising ang binata ng walang ingay na narinig mula sa dalaga. Tahimik din sa kanilang lugar. Tanging mga pagaspas lang ng mga dahon ang naririnig. Maaga pa naman kaya hindi na siya nagtaka.

'Buti naman at nanahimik ang babaeng 'yon.'

Isip niya. Natuwa siya, dahil hindi niya nakita kahit anino nito. Nagpunta siya sa tindahan para bumili ng makakain ng may narinig siyang nagu-usap. Hindi niya na dapat papansinin ito, ng marinig niya ang pangalan ng dalaga. Kung tutuusin 'di niya dapat ito papakinggan dahil wala naman siyang pakialam dito. Pero hindi niya naiwasang makinig.

"Grabe noh, ang bata pa niya."

"Oo nga, napaka bait na bata pa naman nun. Alam mo bang nung lumipat sila dito, sumigla ang lugar na ito."

"Kawawa naman, ang ganda pang bata. Hindi talaga natin alam kung hanggang saan na lang ang buhay."

Hindi niya na lang pinansin ang narinig, dahil baka ibang tao ang tinutukoy nila. Kahit naman naiinis siya rito ay hindi niya hiniling na mawala ito.. Paliko na sana siya pauwi sa kanilang bahay ng madaanan niya ang bahay ng dalaga. Maraming tao rito, ang iba'y nagi-iyakan. Nagtaka siya kaya nakidaan siya sa mga tao at pumunta sa loob. Doon niya nakita si Joy- na walang buhay.

Faith Joy Delos Santos
𝘑𝘶𝘯𝘦 14, 2003 - 𝘍𝘦𝘣𝘳𝘶𝘢𝘳𝘺 28, 2022

"Nakakalungkot. Sa murang edad, kinuha na agad siya ng Panginoon.." Napalingon siya sa tabi niya ng may nagsalita. Nakita niya si Aling Lusing na nakatingin sa nakangiting litrato ni Joy.

"Nung araw na 'yon.. nabalitaan kong dinala siya sa ospital. Nalaman ko na may sakit pala siya sa puso. Pabalik balik siya sa ospital dahil sa sakit niya. Hindi mo mahahalata na nahihirapan ito dahil sa mga ngiting pinapakita niya. Lagi niyang pinapasaya ang ibang tao. Dahil sa pagiging masiyahin niya, hindi namin inakala na may pinagdadaanan pala siya. Napakabait na bata. Hinding-hindi ko malilimutan ang batang ito. Itinuring ko na rin siyang anak ko, kaya masakit nung malaman kong wala na s'ya."

Bakas sa boses nito ang sobrang pagka lungkot.
Samantalang hindi naman makapag salita si Joshua at nakatitig lang sa kabaong nito.

'Kung alam ko lang na 'yun na pala ang huling araw na maririnig ko ang boses mo, kinausap sana kita. Kung alam ko lang na 'yun na pala ang huling araw na makikita ko ang mga ngiti mo, hindi ko sana inalis ang paningin ko sa'yo.
Kung alam ko lang.. naging mabuti sana 'kong tao. Patawad Joy.. Patawad.'

𝐀𝐥𝐰𝐚𝐲𝐬 𝐛𝐞 𝐤𝐢𝐧𝐝, 𝐟𝐨𝐫 𝐞𝐯𝐞𝐫𝐲𝐨𝐧𝐞 𝐲𝐨𝐮 𝐦𝐞𝐞𝐭 𝐢𝐬 𝐟𝐢𝐠𝐡𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐚 𝐡𝐚𝐫𝐝 𝐛𝐚𝐭𝐭𝐥𝐞. –𝐏𝐥𝐚𝐭𝐨

Story Collections (ON-GOING)Where stories live. Discover now