Story #1

26 0 0
                                    

"'Wag mo ngang pinapairal 'yang kabobohan mo!"

"Ang tanga talaga!"

"'Pag hindi mo pa naayos 'yang trabaho mo isasampal ko sayo 'yan!"

Hindi ko na lang pinakinggan ang mga sinasabi ng Boss ko sa'kin. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, gan'yan lagi ang naririnig ko 'pag nagkakamali ako sa trabaho. Nasanay na rin. Pasok sa tenga, labas sa kabila. 'Yan ang gawain ko. Buti nalang and'yan ang kapatid ko para pagaanin ang loob ko.

Nakauwi na 'ko sa bahay, gaya ng palagi niyang ginagawa, sinalubong niya 'ko ng yakap.

"Hi Mei! Kumusta trabaho? Napagalitan ka na naman ba ng Boss mo?" Tanong niya. Ngumiti siya at tinapik ang balikat ko. "Ayos lang 'yan. Para sa'kin, ikaw ang pinaka magaling sa lahat."

Napangiti ako habang tinitignan ang imahe niyang unti-unting naglalaho.

Tsaka ko lang naalala.

Matagal na pala siyang wala.
Matagal ng wala ang nagi-isang taong karamay ko sa lahat ng bagay.
Ang taong walang ginawa kundi pasayahin ako, kahit na nasasaktan siya. 

Salamat Ate.

Story Collections (ON-GOING)Where stories live. Discover now