“Pula!” sigaw niya. “Namimiss na kita!” Biglang namatay ang ilaw, pero agad din itong bumalik. “Naririnig mo ba ako? Nandito ka ba? Yakapin mo naman ako, oh? Sobrang sakit na rito sa puso ko. Alam mo? Ang lungkot-lungkot ko. Dapat ngayon nandito lang tayo sa kama at niyayakap mo ako. Pero wala ka, kasi ang daya mo. Iniwan mo ako.” Bumangon at tumakbo siya sa balcony. Pagdating niya, tumingala siya sa kalangitan. “Pula! Naririnig mo ba ako!? Mahal na mahal kita! Sobrang miss na kita! Hoy! Sumagot ka naman, oh? Pula? Magparamdam ka naman, oh. Magpakita ka naman sa akin kahit ngayon lang. Kailangan ko ng kayakap, kailangan ko ng karamay, kailangan kita. Pakinggan mo ako, oh! Magtatampo ako! Isa! Dalawa! Tat—”

Napatigil sa pagsisigaw si Blue nang makaramdam nang malamig na hangin sa buong katawan niya. Nagpipigil ito sa paghikbi. Habang niyayakap ang sarili.

“Nararamdaman kita. Pero hindi kita makita. Kahit ganoon, salamat. Hoy! 'Wag mong kalimutan na sobrang mahal kita, ah? Huwag mong kalimutan na ikaw ang best partner ko? Ikaw ang best teacher ko. Ikaw at ikaw lang ang lahat sa akin.” Nagpupunas ito ng luha sa mga mata niya. “Kung alam ko lang na huling awit ko pala iyong One Friend sa iyo. Sana hindi ko na lang iyon tinapos hanggang sa mapaos ako. Pula, aalis na ako rito sa bahay. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko alam magluto, maglaba, sa panghuhugas naman mas marami pang mababasag kaysa sa mahugusan. Hindi ko talaga alam kung makakayanan ko bang mabuhay na mag-isa. Tulungan mo naman ako, oh? Lalayo na kasi ako sa kanila dahil ayaw ko na silang mapahamak nang dahil sa akin. Sabi kasi ni Tita, malas daw ako sa pamilya natin. May dala raw akong sumpa.”

Pumasok na muli si Blue sa kuwarto nila at nag-impake ng mga gamit. Naglagay na siya ng mga importanteng gamit sa maleta niya. Dinala niya rin ang maliit na box na ibinigay sa kanya ng kapatid niya. Nang matapos siyang magligpit, tumayo na siya para umalis.

Pagdating niya sa kanyang sasakyan, pinatay niya ang kanyang cell phone. Ayaw niyang makatanggap ng tawag sa mga mahal niya sa buhay. Mas pinili niyang lumisan sa pamilya niya ng tahimik.

•••

“Nasaan na ba si Blue?” tanong ni Grey.

Hinanap ng lahat si Blue dahil mahigit dalawang oras na itong hindi nila nakita. Makikita ang pag-aalala sa mga mata nila maliban kay Belinda na napangiti sa gilid. Sobrang saya niya sa nangyari.

Umiiyak naman si Crezelda habang niyayakap ng asawa niya. Habang si Rosa naman ay nasa harapan ng kabaong ni Red at humihingi ng tulong sa apo niya na pabalikin sa kanila si Blue. Ilang beses naman tinawagan ni Katleya ang numero ni Blue, ngunit hindi niya ito ma-contact. Nagpatulong na rin si Zander sa mga pulis na nasa labas ng punerarya ngunit tinanggihan siya nito dahil wala pang bente-kuwatrong oras. Paliwanag nila, maaaring may pinuntahan lang ito.

“Hanapin ko muna si Blue,” pagpresenta ni Grey.

“Sasamahan na kita,” giit ni Black.

“Kayo na lang dalawa. Dito lang kami ni Katleya,” sabi ni Green.

“Go?” tanong ni Black. Hindi pa man sumagot ang binata ay hinila na niya ito. “Soft skin, ah.”

“Landi,” inis  na sagot ni Grey.

Nasa sasakyan na silang dalawa. Kotse ni Black ang ginamit nila. Tinitigan ni Black si Grey habang dahan-dahan na umusog palapit sa binata.

“Lumayo ka nga. Kadiri ito! Ang baho ng mukha mo,” natatawang sabi ni Grey.

“Mabaho ba talaga?” tanong ni Black.

Napangiti si Grey. “Just kidding.”

“I know.” Mas lumapit pa si Black dito. “Isuot mo muna itong seatbelt.”

FATED TO F*CK YOU✔Where stories live. Discover now