Chapter 14: Espesyal Kainan

318 91 12
                                    


Karina's POV

Nagulat nalang ako ng hinila ako ni Davis tas binitawan naman ako ni Von dahilan para mapunta ako papalapit kay Davis. Nabangga ko ang matigas at malapad niyang bisig. Sa lakas ng pagkakahila niya saakin ay nabitawan niya ako at napayakap nalang. Na-out off balance kaming dalawa dahil sa pagkakabangga ko kaya ngayon ay nasa itaas ako at nasa baba siya. Pero ang mas ikinagulat ko dahil... Dahil..

N-nahalikan niya ako sa... Sa... Noo ko. Dumampi ang malambot nitong labi sa noo ko. Agad akong nagangat ng tingin at nakita ko siyang tulala at nakatingala lang. Maging ito ay gulat na gulat. Yumuko ito para tignan ako. Nagtama ang mga mata namin na nagdulot nanaman ng kuryente galing sa kamay niyang nasa beywang ko. Bumilis ang tobok ng puso ko at ang lakas. Parang huminto ang oras at tanging tibok ng puso ko ang naririnig ko.

Yung mga mata niya nagbago ito ng kulay. From normal color turns to red. Bakit? Naamoy ba niya ang dugo ko? Eh suot ko naman yung magic necklace ah. Bakit kaya?

Agad akong tumayo mula sa pagkakadagan dito. Nakaramadam ako ng init sa pisnge ko kaya umiwas ako ng tingin.

Sumilip din ako kay Davis na naka higa lang habang yung mata ay pula parin pati na rin yung tainga. Pfft.

"Hoy, tumayo ka na diyan," mapangasar na sabi ni Paolo habang mahina itong sinisipa.

Sila Troy, Calix, at Clarks naman ay nag pipigil ng tawa dahil sa reaksyon ni Davis.

Yung tatlong babae naman ay gulat parin habang si Vivian ay... Nakatingin lang kay Davis at malim ang iniisip.

"Oo nga, wala ng dumadagan sayo uyy," dugtong ni Calix na tawa lang ng tawa.

Si Von naman ay walang ekpresyon ang mukha habang nakatingin saakin. Tinignan ko ito ng masama at nag eye-to-eye sign gamit ang daliri ko sa kamay. Inirapan ko ito at hinila si Athena.

"M-mag si-cr lang kami," paalam ko sabay hila kay Athena sa kung saan.

Actually, hindi talaga ako nasi-cr talagang nakakahiya lang. Yung ibang Chants pa na nakakasalubong namin nagbubulungan pa. First time lang ba yun? At ganun sila kung maka react. Ang ooa. Yung iba nganganga tapos yung iba hihinto o kaya magbubulungan o kung ano ano pa! Hayst, remember Karina: hindi ito ang mundo mo kaya umayos ka!

Nang mapansin ki na medyo malayo ba kami at walang masyadong Chants ay huminto na ako sa paghila kay Athena.

"Huh? Wala naman dito ang..." di niya natapos ang sasabihin niya ng tumingin ito sa mata ko at biglang ngumiti ng nakakaloko.

Hay, sigurado akong nabasa nanaman niya nag nasa isip ko.

"Oo, na! Nahihiya ako, ok ka na?" sambit ko kahit hindi pa siya nag tatanong.

"Pfft. Wala naman akong sinasabi ah," natatawa nitong sabi.

"Pero mukha namang nabasa mo na ang iniisip ko," sabi ko at tumayo ng maayos.

"Hay, nagugutom na ko," sabi ko habang hawak ang tiyan ko na kumukulo na.

"Kakain na dapat tayo kaso hinila mo ko," aniya na natatawa parin.

Ano bang nakakatawa?

"Oo na, saan ba pwedeng kumain dito?" tanong ko.

"Sigurado akong magugustuhan mo yung mga pagkain dito. Hali ka," kung kanina ay siya ang hinihila ko ngayon ako na ang hinihila niya. Wow lang.

Hinila niya ako sa kung saan, akala ko babalik kami kila Davis pero mabuti nalang at nagiba siya ng direksyon. Huminto kami sa tapat ng isang bahay na hindi ganun kalakihan pero may sign sa bubong nito.

Enchanted Academy (Blood Academy) Where stories live. Discover now