"Oh c'mon baby, ayaw mo ba akong i-congratulate?" Panunuya niya as he spreads his arms wider.

Humakbang pa siya paharap aambang huhulihin ako pero nagtago lang ako aa likod ni Jace habang tumatawa. Napailing nalang si Logan at umalis na para mag shower.

   May after party pa sila, alam kong sasama iyon. Mawawala ba naman ang Captain? Tinatamad ako dahil maaga pa naman, I'd rather stay home. Tutal ay wala na namang klase ngayon dahil sa game. Alam kong iimbitahan niya ako, I have to make an excuse dahil ayaw niyang hindi tinatanggap ang imbitasyon niya lalo na sa mga after party ng team nila. Hindi ako close sa ibang ka team mate niya, naka attend na rin ako ng mga after party nila noon. I actually enjoyed it. Dahil nandon naman sila.

   Natigilan ako nang makita ko kung sino ang naghihintay sa parking lot. Casual siyang nakasandal sa sasakyan niya with his hands shoved in his pockets. Magulo ang ayos ng buhok niya, pinasadahan niya ito ng kanyang kamay at ngumuso. Iba ang dating sa kanya ng simpleng maroon na t-shirt, shorts, at topsiders. Kuminang rin ang earing niya sa kaliwang tenga nang mataaman ito ng araw. His style is like Logan's, parehas sila ng taste pag dating sa damit. As mush as I like to admire him from here, gusto ko parin siyang sapakin. Kumukulo na naman ang dugo ko.

Bigla namang humarang si Rix sa harap ko bago pa man ako maka hakbang paharap.

"Hatid na kita or gusto mo pang sumama sa after party?" Utas ni Rix na nakakunot ang noo.

"She's coming with me. Ako na ang maghahatid sa kanya pauwi, may pupuntahan pa kami" Bigla namang nag materialize si Vini sa likod ni Rix.

"Talaga? Magagawa mo 'yon? Baka naman malaman ko nalang mag isa na naman ang pinsan ko" Ani Rix na katifas ang tono.

Nag igting panga ni Vini sa sinabini Rix, halatang nainis na sinabi ng pinsan ko.

"Of course I can do it" Sagot ni Vini.

Umiling iling si Rix "Still not good enough excuse to leave her to you"

Nagpupungay ang mata ni Vini nang tinignan niya si Rix "Ako pa ang sinisi mo ngayon samantalang ikaw ang nakipag date kagabi"

"Bakit nasa ka? Diba nasa date rin? Gago ka pala eh. Paano kung may nagyari sa kanya?! Kita mong ang ikli ng palda'ng suot niya kagabi tapos iiwan mong mag isa! Sana sinabi mo nalang agad para ako na mismo ang nag hatid sa kanya, kayang kong iwan ang ka date ko para kay Cara, malalaman ko nalang kay Logan na pumunta siya doon at umuwi mag isa" Matalim na sabi ni Rix.

Vini's hands turned into a fist, mas lalong nag igting ang panga niya. Bigla kong naramdaman ang takot. God, please sana'y hindi sila magsuntukan dito.

May kamay na lumapat sa balikat ko at marahang hinila ako palayo. It was Josh. Itinago niya ako sa kanyang likod at si Jace naman ay tumayo rin sa likuran ko. Pinaggitnaan nila akong dalawa.

"Pag pasensyahan mo na. Nag suntukan na 'yang dalawang 'yan kagabi sa HQ, doon kasi agad dumiretso si Master pagkauwi saktong kauuwi rin lang ni Rix, ayon parehas mainit ang ulo dahil sa nangyari sayo." Bulong ni Jace.

"Buti nalang wala ka 'don. Naawat naman agad namin sila bago pa mapuruhan" Dagdag ni Josh.

I admit I am annoyed sa ginawa ni Vini but ang OA nilang dalawa.

Bumuntong hininga ako at pumiglas sa pagkakakulong sa akin ng kambal. Dahil mukhang ilang segundo lang ay magsusuntukan na naman ang dalawa.

"Will you guys stop? Wala namang nangyari sa akin diba? I'm not baby para parating bantayan" Medyo inis kong sabi nang pumagitna ako sa kanilang dalawa.

Wala naman talagang nangyari diba? Masyado lang silang nagpapadala sa imahinasyon nila. Rix is really Paranoid pag dating sa aming magpipinsan, lalo na sa mga pinsan naming babae. Parang likas na sa kanya ang maging overprotective kaya I understand his concern. Saka hindi naman ako tanga na lumaboy laboy pa sa daan kung wala rin lang naman akong gagawin edi uuwi na ko, wala rin naman ako sa mood 'non.

The Gang's Prized PossessionWhere stories live. Discover now