Chapter 1 ♥

2.9K 43 1
                                    

Hindi na alam ni Jeanne ang gagawin sa mga sandaling iyon . Heto siya ngayon sa sidewalk sa harap ng bahay nila . Paano ba nama'y pinaalis na siya ng mga opisyal ng bangkong pinagkautangan ng mga magulang niya dahil tapos na ang isang linggong palugit sa kanya para mahakot ang mga gamit niya .

Isang linggo palang mula ng mailibing ang mga magulang niya dahil sa isang car accident .

Di man lang sinabi sa kanya ang pagkakautang nila sa bangko . Ang alam lang niya ay ang pagbenta ng mga ito sa negosyo nila dahil luging-lugi na iyon at ang tanging naiisip niyang dahilan kung bakit nagkautang ang mga magulang niyay para makapagtapos siya ng kolehiyo . Naging colateral ang bahay nila .

Wala naman siyang pambayad sa nakakalulang halaga dahil nagamit na niyang lahat ng pera at naisanla na niya pati alahas at gadgets niya para sa pagpapalibing sa mga magulang niya .

Jeanne's POV

Oo may trabaho ako pero hindi naman sapat ang sweldo ko para mabawi ang bahay namin sa loob ng dalawang buwan . Hayun .. may nakalagay na ngang ' for sale ' sa may gate ehh .

Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha ko.

Saan na ako pupunta ngayon ?? ATM card ko wala nang laman .. pati wallet at bulsa ko . Ni kahit singkong bulag wala ako .

" Lord , sana po may mabuting loob jan na maawa sakin .. please po .. "

Umiiyak pa rin ako nang may humintong sasakyan sa harap ko . Nag angat ako ng tingin . Bumaba ang isang lalaking nakashades .. matangkad .. matangos ang ilong .. tapos gwapo ^^ .

Oemgee !

" Lord , siya na po ba yung may mabuting loob na tutulong sakin ?? Salamat po . "

Tinanggal nito ang shades nito . Oohh ..

Ang perfect mga beh !

" Lord , wag mo naman po akong iispoiled , please ? Sabi ko po may mabuting loob .. hindi ko naman po hiniling na anghel ang ibigay mo sakin . "

Hala ..

" Lord , ipinapasundo mo na po ba ako ?? Gusto ko pa po mabuhay please po . Lord , paextend naman po kahit 1 year lang . Virgin palang po ako eh . Di ko pa nararanasang mainlove kahit kelan . Gusto ko pa po muna maenjoy yung buhay ko .. please po . "

Be my lover , my slave Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon