Habang dahan-dahan siyang naglalakad papunta sa kabaong, pinagtitinginan siya ng lahat. Ang iba, hindi napigilang magbulungan at ang iba, masama siyang tinitingan. Nagliliyab naman sa galit si Belinda nang makita ang presensya ni Blue. Sa mga titig niya ay parang lalamunin niya ito ng buhay. Sinisisi niya si Blue sa nangyari. Narinig niya kasi sa mga kasambahay ng Montenegro na sinundan ito ni Red noong nagtampo ang binata.

Pagdating ni Blue sa haparan ng kabaong ng kapatid niya, sumigaw na ito para gisingin ang kambal niya. Tumakbo papunta sa kanya si Crezelda na umiiyak din at niyakap ang anak niya.

“Si Pula! Bakit siya nandiyan!” pagsisigaw ni Blue.

“Ssshh. Calm down, Blue.”

“Pula!” sigaw muli ni Blue. “Bumangon ka na riyan.”

“Wala na ang kapatid mo, Blue,” pagpapaintindi ni Crezelda.

Bumuwag sa pagyakap si Blue at niyakap muli ang kabaong ng kapatid niya. Ang luha niya ay nagsipatakan na sa salamin ng kabaong. Lumabo na nga ito dahil sa kanyang luha.

“Bumangon ka na riyan, Pula. Ano bang ginagawa mo riyan? Hindi ka bagay riyan! Hoy! Kaya mo ba akong iwan, ah? Paano na ako?”

Dumating na sila Grey at napailing-iling na lang sila nang masaksihan ang kaibigan. Lahat sila, apektado sa pagkawala ni Red. Ngunit iba ang sakit na nararamdaman ni Blue.

Lumapit si Katleya rito. “Umupo muna tayo, Blue.”

Tumigil sa pag-iyak ang binata. “'Wag mo akong iwan, Kat.”

Tumango ang dalaga at pumunta na sila sa pinaka unang hilera ng upuan. Pagkaupo nila, isinandal ni Blue ang ulo niya sa balikat ng dalaga. Niyakap niya rin ang kanang braso nito.

“Ito ang paborito niyang gawin ko,” bungad ni Blue. “Kaya pala sinabi niya sa akin kagabi na mamahalin at protektahan kita lagi. Ito pala ang sagot ng mga sinabi niya. Dahil mawawala na siya.”

Tahimik na umiiyak si Katleya. Umupo na rin sa tabi nila sina Grey at Green at inabutan ng tubig si Blue.

“Salamat,” walang ganang sabi ni Blue.

Tumunog ang tiyan ni Blue at rinig na rinig iyon ni Katleya. “Kumain ka muna, best friend.”

“Wala akong gana,” sagot ni Blue. Kahit gutom na siya, ayaw niya pa rin kumain.

“Pero nagugutom ka na. Baka magkakasakit ka niyan,” pag-aalalang sabi ng dalaga.

“Mas maganda nga iyon. Tapos kong mamatay ako, magsasama na kami ni Pula.”

“Naririnig mo ba ang sinabi mo? Do you think matutuwa si Red niyan?”

“Hindi ko alam.”

“Kain ka muna. Kukuha muna ako ng pagkain. Grey paki-tingnan mo muna si Blue.”

Pagtayo ni Katleya, hinawakan ni Blue ang kamay niya. Muli niya itong pina-upo. Pagka-upo ni Katleya, muling sumandal si Blue sa balikat niya. Sinenyasan naman ng dalaga si Grey na sila na lang ang magkuha ng pagkain. Tumayo naman si Grey at tinanong si Crezelda kung saan ang mga pagkain.

“Nandoon, iho. Salamat sa inyo, ha?” naluluhang sabi ni Crezelda.

“Welcome po, Tita. Promise, aalagaan namin si Blue,” sagot ni Grey.

Pagdating ni Grey roon sa pinaglalagyan ng mga pagkain, nandoon si Belinda. Nakataas ang kilay habang tinititigan nang masama ang binata. Mainit din ang dugo ni Belinda rito.

“Bakit ka po ganyan makatingin?” walang takot na tanong ni Grey.

Alam ni Grey kung ano ang ugali ang meron si Belinda kaya nawawalan na siya ng respeto rito. Alam niya rin na noong una pa lang ay masama na ang trato nito sa kaibigan nilang si Blue.

FATED TO F*CK YOU✔Where stories live. Discover now