"I will try... this is Nemetio Spiran's deadliest temptation, Leticia. Kahit ang ilang magigiting na bampira'y hindi nakalampas dito."

Hindi ko masisisi ang mga bampirang nahulog sa bitag ng tulay na siyang dadaanan namin. Ginamit ko ang mata ko bilang isang diyosa at malinaw na malinaw sa aking mga mata ang binatilyong anyo ni Dastan nang una ko siyang makita. Ngunit dahil isa akong diyosa at sanay sa ganitong mahika, hindi na ako lubusang maapektuhan nito.

Mas dumiin ang mga mata ko sa kanya. "Huwag mong subukan, Nikos, gawin mo para kay Naha. Magiging masaya si Prinsesa Soleilana kung makakaligtas ka sa tulay na ito at magbabalik sa Parsua upang magpakilala kay Naha. Matagal ka na niyang nais makilala."

"Aunt Naha is cool, grandfather Nikos. She's also good at painting. She even told me that she'll paint Divina and Prince Rosh together." Kinikilig na sabi ni Divina.

Ngumiti si Nikos sa munting prinsesa. "I will..."

Sinabi ko sa kanila na mas mabagalin muna ang takbo ng karwahe hangga't hindi ko pa sila nakakausap lahat. Ang tagal ng hinintay ko bago pumasok si Rosh na tila hindi nais pag-usapan ang posible niyang kaharapin sa sandaling tumawid na kami sa tulay.

"Prince Rosh!"

"Princess Divine..." pormal na bati niya at tipid na tumango bago lumingon pabalik sa akin.

"W-Will you cast us spell or something?" tanong niya.

Ang mahika ay maaari lamang matalo ng isang mahika. Ngunit ang uri ng mahikang ito'y maaari lang matalo ng sariling presensiya ng nilalang na yayakapin nito.

Sarili nilang isipan... sarili nilang paraan...

Maaari kong gamitin ang mahika ko para protektahan ang aking sarili sapagkat iyon mismo ay manggagaling sa akin, pero iba ito pagdating sa mga bampira. Dahil wala silang mga mahika, kailangan nilang talunin ang temptasyon sa sarili nilang paraan.

Gusto ko man silang tulungan at gumawa na ng proteksyon bago kami tuluyang tumulay ay wala akong magagawa. Ang tanging kaya ko lang gawin ay bigyan sila ng matinding babala sa anumang maaaring mangyari.

"Paumanhin, Mahal na Prinsipe..."

Pansin ko ang matinding pangamba sa mga mata ni Rosh. Sina Hua, Nikos at siya ay halos pareho ang reaksyon nang sabihin kong wala akong panlaban, isa lang ang ibig sabihin niyon, wala silang tiwala sa sarili nilang mga temptasyon.

Dahil silang tatlo... sa lahat ng mga nilalang na nakilala ko ang siyang may pinakamalaking temptasyon na ilang daang taon na nilang ninanais-nais...

Si Nikos at ang pagmamahal niya kay Soleilana na nauwi sa walang katapusang trahedya.

Si Hua at ang kanyang katapatan sa una niyang pinaglilingkuran. Hindi na ako magugulat na maging ang dahilan niya upang manatili sa piling ko'y mula rin sa kagustuhan ng misteryoso niyang sinusunod.

Si Rosh at ang babaeng itinakda sa kanya.

Alam nilang tatlo ang matindi nilang kahinaan at kapahamakan na maaari nitong idulot sa kanila, ngunit hindi man lang sila nag-aalinlangang magpatuloy sa paglalakbay.

"Rosh, mangako ka sa akin na hinding-hindi ka lilingon. Wala kang maririnig..." halos magmakaawa ako sa kanya.

"I will try my best..."

"Don't try, Prince Rosh... Divina's will be sad when you look back." Hinawakan din ni Divina ang kamay ko na nakahawak kay Rosh.

"How about this kid?" tanong ni Rosh sa akin.

Ngumiti ako sa kanya. "Sa ngayon ay ikaw lang ang gusto ng munting prinsesa, hindi ba, Divina?"

Binuhat ko si Divina at ikinalong ko siya habang namumula ang pisnging nakaharap kay Rosh.

Moonlight War (Gazellian Series #5)Where stories live. Discover now