Chapter 3: Chu Headquarter

10 0 0
                                        

It's a beautiful day today. 2 days nalang gaganapin na yung Annual Acquaintance Ball. Hindi sana ako pupunta eh. I hate parties. Ano namang gagawin ko dun? Kung hindi lang sana ako kinulit ni Jessie at ni Lolo. Haaaay. Edi sana manonood nalang ako ng laro sa gangster arena. Nabubuhay pa dugo ko. Since, may gaganaping ball sa susunod na araw, siguro hindi na magkaklase ang mga teachers para maghanda na ang mga estudyante. Tsk. Buti pa sila excited, as for me it's a big no no. Nevermind nalang.

Pababa na sana ako ng hagdanan nang marinig kong tumunog ang aking cellphone.

"What?" I said to the other line.
"Princeeeeeess! Omo!" Tsk. Sumabay pa tong isang to.
"Spill!"
"We're going back to the Philippines and guess what?" At talagang gusto pang pahulaan sakin ng baliw na to.
"What is it? Bilisan mo. Busy ako." I told him.
"Princess naman ee. We were going to study in our school."
"Okay."
"Princess, wait..." Hindi pa niya natatapos ang sasabihin niya ay binaba ko na ang tawag.

Tsk. Istorbo. Pasalamat siya maganda ang gising ko.

After breakfast, pumunta na ko sa boutique ng tita kong fashion designer to get my gown para sa ball. Ipapakuha ko nalang sana sa butler ko kaso naisip ko ako nalang because I need fresh air. I drove my own Lamborghini para di hassle.

"Hi tita." sabay beso sakanya.
"Hello there, my pretty niece. Come here, nagawa ko na ang gown mo ayon sa gusto mo. Take a look!" hinawakan niya kamay ko para sumunod sakanya.
"Tadaaaaah! Dali isuot mo na para makita natin kung may aayusin pang details."

Pumasok na ko sa fitting room and isinuot ang gown. Then I go outside.

"Oh my! You look so pretty iha. Mana ka talaga sakin pamangkin. Well, di na ko magtataka, it runs in the blood. :)" puri sakin ng tita ko.
"Sige tita. Babalikan ko to mamaya. I'll just roam around the city. Namiss ko lumabas." paalam ko sakanya
"Okay my dear niece. Go ahead. Pamper yourself. Enjoy!" then she hug me.

Hmmm, while driving, naisip ko na kung san ako pupunta. Sounds fun :)

Woaaaah! I'm back Tagaytay. So here I am again. For me, this place brings back a lot of happy memories. Dito ko nakilala first love ko and of course my friends. I was just a teenage girl back then. Dito naganap first kiss ko. Sa lugar na tinatawag na People's Park in the Sky. Kitang-kita mo ang magandang view ng Taal Volcano. Dito ako nagsimulang mangarap. Dito din nagpropose sakin si Giddy, my first love. Papakasalan niya raw ako pag malaki na kami. Lahat ng yon naaalala ko but I think he never remember me. Sadyang kinalimutan na niya ko. Back then, palagi niya kong pinapasaya. Ipinagtatanggol pa niya ko sa mga umaaway sakin kasi lampa nga ako. Hindi ko magawang lumaban. He was always there to protect me. Pero ngayon I don't think na papakasalan niya pa ko. Hindi na nga niya ko maalala eh. Siguro ibinaon niya lahat ng memories dito sa lugar na to. Habang nagrereminisce, ay di ko namalayan na umiiyak na pala ko. Despite of being a strong woman right now, weak pa rin pala ako pagdating sakanya. I miss you Giddy. :(

Paalis na sana ko sa lugar na yon nang may nakabunggo ako at naging dahilan ng pagkatumba ko.

"Miss, I'm sorry. Can you stand?" at inabot niya ang kanyang kamay sakin.

Nang makatayo ako ay nagulat ako na si King pala ang nasa harap ko or should I say Giddy.

"Wtf, nerd? Sinusundan mo ba ko?" tanong niya sakin.
"No."
"You look familiar. Have me wet already?"
"I think yes, in school right? We're schoolmates." I said.
"Ahh, yah! May kamukha ka lang kase." He uttered.
"Who?" I asked.
"Hmm, wala. Nevermind. You want ice cream? My treat. May alam akong ice cream parlor dito. Tara?"
"Sige."

Kinaladkad niya ko papunta sa sasakyan niya.

"I have my own car. Go ahead, susundan nalang kita."
"No, we'll use my car. Babalikan nalang natin car mo mamaya. Wait diba nerd ka? Bakit may dala kang sasakyan?" Tila naguguluhang wika niya.
"It's none of your damn business. Ano magtatanungan nalang ba tayo dito?" naiiritang sabi ko.
"Let's go mahal na prinsesa. Wag na po kayong magalit." And he opened the door for me.
"Bakit yata mabait ka sakin ngayon? May binabalak ka noh?" Asik ko.
"Nagmamagandang loob lang po mahal na prinsesa. "

The NERD is The EMPRESSWhere stories live. Discover now