the beginning

34 11 7
                                    

Three months ago...

"Lo naman! Wag ka ngang magbiro ng ganyan." iritadong suway ni Dee sa kaniyang Lolo Ente dahil sa narinig. Nangunot ang noo ng matanda at kaagad na binatukan ang apo.

"Pftt. Dummy. He's not joking, Dee." may pang-aasar na apila sa kaniya ni Cee. Nakapamulsa lamang ito na nakasandal sa may pintuan habang iniinom ang mineral water.

"Lolo, imposibleng mangyari ang gusto mo. Knowing her, sobrang imposible talaga." suhestiyon naman ni Aey habang pinapaikot ng mabilis sa kaniyang hintuturo ang isang bola. Umakto pa itong i'sho-shoot ang bola sa imaginary ring niya.

"Woah! Seryoso ba 'yan, Aey? Mukhang umaatras kana yata ngayon? Naduduwag kana ba? HAHAHA." nanunuksong kantyaw naman ni Kaey na kasalukuyang nakahiga sa paanan ng kanilang Lolo Ente. Bahagya pa itong ngumisi habang minamasahe ang mga paa ng matanda.

"GAGO! Wag mo nga 'ko igaya sa'yo. Tsaka totoo naman ang sinabi ko. Mahirap 'yon. Tsk." pabalang na sagot naman ni Aey kay Kaey atsaka walang habas na ibinato ang bola dahil sa inis.

"Damnit Aeysshole! Will you just stop playing that fucking ball of yours?! Tch!" halos pasigaw na utos naman ni Eytch kay Aey matapos matamaan sa ulo ng bola nito. Tumayo ito at pahablot na kinuha ang bola kay Aey at pagkatapos ay bumalik din sa pagkakaupo.

"Magsitigil kayo! Ano ba kayo?! Seryoso ako sa sinabi ko, mga apo. Atsaka bakit ba ninyo iniisip kaagad na mahirap, samantalang hindi ninyo pa naman nasusubukan?" nangangaral na suway sa kanila ni Lolo Ente. Umayos ito ng pagkakaupo atsaka sumandal sa headboard ng kaniyang kama. Ilang saglit pa ay sinenyasan niya ang kaniyang mga apo na makinig sa kaniya.

"Aey, Bee, Cee, Dee.. pati na din kayo Ehm, Eff, Gee.. lalo na kayo Eytch, Aye, Jaey, Kaey, Ell, at ikaw Eee. Kayong lahat, napakasuwerte ninyo. Lumaki kayong kumpleto ang inyong pamilya at may marangyang pamumuhay. Lumaki kayong may mabubuting magulang. At lumaki kayong busog sa suporta, pag-aalaga at pagmamahal nila. Lahat ng gusto ninyo ay nakukuha ninyo. Lahat ng bagay sa mundo ay madali ninyong nakukuha, maging ang mga babaeng matipuhan ninyo ay walang hirap ninyong napapaibig. Sa madaling salita ay hindi kayo mag-iisa sa paglipas ng panahon. Hindi katulad ng pinsan ninyo, hindi siya katulad ninyo. Mahirap ang isang 'yon..mahirap pakisamahan. " seryosong saad ni Lolo Ente sa kaniyang mga apo na pawang mga nakapalibot sa kaniya at tahimik na nakikinig. Hindi nakaligtas sa paningin ng kaniyang mga apo ang kalungkutan sa mukha ng matanda habang nagsasalita.

"Kilala niyo naman ang pinsan ninyo. Mailap ang isang 'yon, di tulad ninyo. Palibhasa'y maagang nasaksihan ang madilim na kulay ng buhay. Nag-alala ako para sa kaniya. Lalo na at nag-iisa ninyo lamang siyang pinsang babae sa buong angkan natin. Sa pagkakatanda ko ay ako lamang at kayong mga apo ko ang tanging nakauunawa at nakatitiis sa ugali niya. Ang mga anak ko, ang mga magulang niyo ay hindi siya makasundo. Natatakot ako at nag-aalala para sa kaniya. Paano na kapag namatay ako--" hindi pa man natatapos ang sinasabi ng matanda ay bigla na lang nagsitayuan ang kaniyang mga apo at pasinghal na nag-alburoto ang mga ito dahil sa narinig.

"Aish! Damn that dead thing." reklamo ni Aye na hindi maiwasang guluhin ang sariling buhok dahil sa frustration.

"The hell?! Tsk!" pabulong na reklamo din naman ni Bee habang makailang-ulit pa itong napasuntok sa hangin dahil sa sinabi ng kanilang Lolo Ente.

"Bullshit!" pagalit naman na nasabi na lang ni Jaey habang paulit-ulit na kinakagat ang kaniyang mga kuko.

"Oh, God!" umiiling na sabi na lang ni Gee at marahas na tinanggal ang salamin niya sa mata saka minasahe ang sariling noo.

Para sa mga apo ni Lolo Ente, hindi makakabuti para sa kanilang angkan kapag namatay ang kanilang butihing Lolo. Kaya naman ayaw na ayaw nilang makaririnig ng ganoong mga salita, lalo na kung patungkol iyon sa nalalapit na pagpanaw ng kanilang Lolo.

The Heartless MissionWhere stories live. Discover now