Ilang beses akong nagising dahil sa init at minsan, dahil sa lamig. It was a blurred memory for me because I'm having a hard time but at the same time I'm sleepy and disoriented. Ramdam ko ang palaging pag aasikaso saakin ni Hezekiah. Rinig ko ang boses niyang kinakausap ako but I just sluggishly answer it all.

"Tagilid ka muna, basa ka na ng pawis..." I heard him from one of many times I woke up.

Mahina lang akong dumaing at sumunod sa kanya. My head is heavy. I just felt his movements before I doze off to sleep again.

Nagising ako dahil kamay na humahaplos saaking leeg. I opened my eyes slowly so that I can adjust to the light.

I saw Heze sitting beside me.

"Morning." bati niya habang mapungay ang mga mata at mababa ang boses na gamit.

Magulo ang kanyang buhok at halata sa kanyang mata na hindi sapat ang tulog. I felt guilty. Masyado ata akong naging pabigat.

"Sinat nalang."

I can say that I'm really feeling better than yesterday. Tapos siya naman ang parang hindi.

"I'm sorry..." paos kong sabi. Nakita ko sa bedside table muli ang basin at mga gamit na towels.

"It's alright. Ang mahalaga may mag-aalaga sayo. Paano nalang kung mag-isa ka sa condo mo ngayon? Tsk." he scowled at his own imagination.

"Anong oras na?" tanong ko.

"9 o'clock."

Nanlaki ang mata ko at mabilis na tumayo mula sa pagkakahiga. I groaned immediately when my head spun.

"Mag-ingat ka nga."

"Late na ako!" taranta kong sabi at mabilis na umalis sa kama ngunit para akong spring na nahila niya pabalik.

"Sinong may sabing papasok ka?" inis niyang tanong at hinarangan ako mula sa muling paggalaw.

I slapped his arm. "Heze! Baka malate nanaman ako," And I thought of him. "Tsaka may pasok ka din."

Hindi siya nagpatinag.

"May sakit ka pa." he said like it's enough reason for the both of us not to go to work.

"Ayos na ako. I feel better."

"Tsk. May sinat ka pa nga eh. Imbis na gumaling ka, babalik lang yan sa kulit mo." sermon niya.

"But..."

"No." desisyon niya at tumayo. "Kumain ka na at uminom ng gamot."

He look really stressed. Hindi ko nagawang makipag-away pa dahil mukhang puyat siya at ako ang dahilan noon. Nakonsensya ako dahil siya ang nag effort para maging maayos ako ngayon.

Dumiretso kami sa dining room. Different from mine na magkasama ang kitchen at dining room, sa kanya ay magkahiwalay. Though there's no actual separation, there's a pillar that in between both.

Nakahanda na doon ang mga common foods for breakfast. He pulled a chair for me and waited for me to settle down before sitting.

He assisted me in everything. Napanguso ako dahil sa kanyang ginagawa. Kulang nalang ay subuan niya ako.

He put my medicine in front after I ate. Agad ko naman iyong kinuha ng walang reklamo.

"Peram phone." saad ko sa kanya noong pinuntahan ko siya sa kusina habang nagliligpit siya. Hawak ko ang maliit kong notebook kung saan naroon ang mga contacts ko sa mga tao. Buti na lang at may ganito ako kaya kahit wala akong phone ay magagawan ko ng paraan. It's quite convenient.

Every Step AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon