KABANATA LX:SIMULA NG PAGSUBOK

Start from the beginning
                                    

ETHER:May iminungkahi ako sa iyo, paano kaya na magpadala ako ng halimaw sa lupain ng mga diwata nang saganon ay ikaw mismo ang makakita sa kanila sa pamamagitan ng iyong tungkod.

AVRIA:Magandang mungkahi iyan Bathaluman nang saganon ay mapapaslang sila.

ETHER:Imbis na papaslangin mo ang mga iyon paano kaya kung gawin mo silang kakampi nang saganon ay mas katatakutan ka ng mga diwata.

AVRIA:Hindi ko kailangan ng mga katulad nila Bathaluman sapagkat sapat na ang aking kapangyarihan.

ETHER:Kung iyan ang iyong nais Avria,sa ngayon ay kailangan ko ng lumikha ng halimaw sa lupain ng mga diwata at ihanda mo na ang iyong tungkod.

AVRIA:Sige Bathaluman natitiyak kong maging masaya ito.

Gamit ang kapangyarihan ni Ether ay lumikha siya ng dalawang kubor na ang kalahating katawan ng mga ito ay Encantado at ang kalahating katawan ng mga ito ay mga pashnea.

ETHER:Ngayon mga alagad ko humayo na kayo sa lupain ng mga diwata.

Sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Ether ay naglaho ang dalawang halimaw patungo sa lupain ng mga diwata.

AVRIA:Ngayon na nakahanda na ang aking tungkod ay sabay nating panoorin kung paano mapapaslang ang mga diwata.

SA LUPAIN NG MGA DIWATA

Abala sa mga kanya-kanyang gawain ang mga diwata nang biglang may narinig silang nakakatakot na ungol na hindi nila batid kung nasaan ito nanggagaling at bigla nalang umaalog ang lupa dahil sa higanteng mga yapak ng mga halimaw.

DIWATA1:Tanakreshna ano iyon?!

Sambit ng isang diwatang babae na nag-aalala saka nakita niya ang kanyang mga kasamahan na tumatakbo papalapit sa kanila na hinihingal.

DIWATA2:May mga kubor na paparating kailangan na nating lumikas!

Nang dahil sa sinabi ng lalaking diwata ay nagkakagulo na ang lahat samantalang ang mga Hara at Rama ay nagtataka kung ano ang nangyayari sapagkat kadadating lang nila mula sa paglalaro.

PIRENA:Agape avi, anong nangyayari?

AMIHAN:Merong halimaw na paparating kailangan na nating lumikas!

YBRAHIM:Sina Nanang at Tatang kailangan natin sila puntahan!

Saka kumaripas sila ng takbo patungo sa kinaroroonan nila Ornia at Memeng.

AQUIL:Nanang!

MEMEN:Kailangan na natin magmadali!

AQUIL:Tutulong po kami sa paglikas at kami na rin ang haharap sa mga kubor.

ORNIA:Sigurado kayo? baka mapahamak lang kayo!

PIRENA:Magiging maayos lang kami Nanang kailangan nating puntahan ang ating ibang kasamahan,kailangan natin maghiwalay para maging madali ang paglikas natin sa mga mamamayan!

AMIHAN:Gamitin na natin ang ivictus,Nanang Tatang kumapit ho kayo na kahit sa aming magkakapatid!

ORNIA:S-sige..

Nag-ivictus sila upang magtungo sa kanilang ibang kasamahang mga diwata kagaya ng pinagusapan ay naghiwa-hiwalay ang mga Hara at Rama si Pirena at Azulan ay nasa Hilaga,si Amihan at Ybrahim ay sa Kanluran,si Alena at Memfes ay nasa Timog,habang si Danaya at Aquil ay nasa Silangan nang pagkatapos nilang ilikas ang mga mamamayang diwata ay nagpalit na sila ng gayak pandigma upang harapin ang mga halimaw na nasa kanilang lupain.

Ang magkakapatid na Sangre ang humarap sa halimaw na kalahating kalabaw at ang mga Rama naman ang humarap sa halimaw na mukhang ibon gamit ang kanilang mga kapangyarihan ay lumipad sila sa ere upang maabot ang mga halimaw ginamitan nila ang mga ito gamit ang kanilang mga sandata ngunit hindi ito tumalab hindi man lang nagalusan ang mga ito aatake sana si Amihan ngunit tumalsik siya sapagkat natamaan sa sandata ng kanilang kalaban.

ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)Where stories live. Discover now