Prologue

12 1 3
                                    


"Isuot niyo muna 'tong hikaw na ginawa ko, may naka-connect na invisible earpiece dito dahil isa itong device na gagamitin natin para makapag-usap tayo. Bukod sa mic may mini camera din ito para makita ko kung tama ang pinupuntahan niyo" sabi ni May.

Sinuot namin ni February ang hikaw at kinabit ang earpiece na hindi halata.

"February" bigkas ni May sa device.

"Copy" sagot naman ni February.

"August"

"Copy" sagot ko.

"Ingat kayo" paalala pa ni May.

Tinanguan namin siya ni February at sabay kaming umalis sa van. Nakasuot kami ng synthetic wig na nakatulong upang hindi marecognize ang mukha namin. Pagkarating namin sa tapat ng ANT Building agad kaming naghiwalay ng daan patungo sa loob. Sa gate 3 si February papasok at ako naman ay sa gate 1, gaya ng aming plano maayos kaming nakapasok sa loob.

"In position" halos sabay naming banggit.

Pasimple akong lumingon ako sa cctv na alam kong kontrolado na ni May.

"Nakikita ko na kayo" sabi ni May.

"August and February, clear na ang daan papunta sa control room. Go!" signal ni May samin.

Agad kong tinungo ang control room sa first floor. Sinong mag-aakala na ang control room ng isang malaking company na ito ay nasa first floor!

Sabay kaming dumating ni February sa pinto, dahan-dahan kong binuksan ito ng kaunti sapat na para magkasya ang kamay ko at agad kong hinagis ang smoke bomb na may pampatulog.

Nagbilang kami ng ilang segundo at sigurado kaming umepekto na ito sa mga tao na nandoon.

"Go inside" sabi ni May.

Nagsuot kami ng mask na gawa rin ni May, mukha lang itong normal na disposable mask kaya napuslit namin dito pero hindi kaya i-penetrate nung gas na pampatulog ang mask na 'to.

Ako ang naunang pumasok para siguraduhin na walang gising, sinenyasan kong pumasok si February nang makitang bagsak na ang lahat, agad siyang dumiretso sa main control room para gawin ang task niya. Sumunod ako sa kanya para tulungan siya.

"Eto na ba 'yon?" narinig kong tanong niya kay May.

"Yes! umalis kayo agad magigising ang guards in 3 minutes." sagot niya.

Kinuha niya ang hard-drive na dala namin at agad kinopya ang mga information na kailangan namin sa company na 'to at ako na ang nag-alis after ma-complete.

"Na-copy ko na February, umalis na kayo dyan."

Agad kaming lumabas sa control room na para bang walang nangyari.

Naghiwalay uli kami ng daan na tinahak, palabas na ako sa gate 1 nang mapansin na natataranta ang mga guard at tinuro ako. Tsk may nakakita siguro sa akin.

"August! Hahabulin ka nila!" sigaw ni May sa tainga ko.

"Hindi ba obvious, duh" sagot ko sabay irap sa kawalan.

Tumakbo ako ng sobrang bilis dahil sa mga bodyguard na humahabol sakin galing ng ANT Building, nang makarating sa highway lumiko ako sa isang masikip na kalye na may mataas na pader sa dulo.

Ginamit ko ang dingding sa kanan ko para maabot ang tuktok ng pader at Inangat ko ang sarili ko para makatawid sa kabilang side ng pader na iyon.

"Nauna na ako sayo" natatawang sabi ni February.

Napangiti ako ng makitang wala nang nakasunod sakin at mabilis kong pinalitan ang suot kong leather jacket ng isang gray na hoodie at hinubad ko ang wig ko.

"Okay lang kayo?" tanong ko sa kanila.

"Kami pa talaga ha! magkita-kita na lang tayo sa bahay." sabi ni May

Nakihalo agad ako sa maraming tao para hindi mapansin ng mga humahabol sakin at dahan-dahang naglakad na para bang walang tinatakasan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 17, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Chasing The PrintsWhere stories live. Discover now