"Sana hindi mo na ako hinintay. Sinabi ko kay Apol na baka hindi na ako tumuloy pero pinilit niya ako dahil nandito ka na raw. Dapat siguro inagahan ko ang pagtawag ko." Ngumiti na lang ako sa paalala niyang isang oras ko siyang hinintay at balak pa niya akong hindi siputin. Akalain mo nga naman.

"Ah, may emergency ka bang pinuntahan o urgent meeting kaya ka nalate?" Sinusubukan ko siyang intindihin kahit sa inis ko.

"Ahm wala naman. Nakakatamad lang kasi." Napailing ako sa rason niya. Kinakalma ko na lang ang sarili ko na hindi siya sigawan. Oo, tama na may itsura siya pero mas gugustuhin kong makipagdate sa taong maganda ang ugali kesa sa ganitong gwapo nga pero ang sama ng ugali. "At isa pa blind date. Uso pa ba 'to?"

"Ah...oo nga." Pumayag naman siya sa pinsan niya tapos ngayon ay ganito siya mag-inarte. "Well, kung ganoon Sac--"

"Boy, the same order sa akin. Ikaw ba...miss?" Perfect. Hindi niya alam ang pangalan ko.

"Rachel." Ngumiti ako ng pilit. "Hindi na ako oorder. Nawalan na rin ako ng gana. Ang dami ko rin kasing nainom na coke kakahintay."

"Sayang naman. Masarap pagkain nila rito. Sisig with rice para kay Rachel." Umiling na lang ako sa pamimilit niya. "Try mo lang. Masarap." Ngumiti na lang ako ng maliit sa pamimilit niya. Hindi ko nagugustuhan ang patutunguhan ng unang meeting namin.

"So Rachel, saan ka nga pala nagtatrabaho?"

"Wala akong trabaho ngayon. Kakaresign ko lang sa trabaho ko, sa katunayan nga niyan kakagaling ko lang sa job interview." Tumango-tango siya na para bang hindi interesedo sa sinabi ko at ginagawa niya lang ito dahil sa pilit ng pinsan niya.

"Sana sa susunod magtagal ka na sa trabaho mo."

"Iniinsulto mo ba ako?" Aba okey rin pala itong lalakeng 'to.

"Hindi...hindi kita iniinsulto. Iyon lang ang wish ko para sa'yo." Hindi ako nakapaniwala sa sinabi niya. Goodness may ganitong tao pala.

Dumating na ang pagkain namin at kaagad siyang kumain. Ineexpect ko na balahura siya kumain pero mali ako. Maayos naman siyang kumain. Mabuti naman at kung hindi ay iiwan ko na siyang mag-isa. Tinitigan ko lang ang sisig sa harapan ko. Nakain ako ng sisig pero hindi gaya ng nasa harapan ko na mukhang sinuka ng pamangkin ko.

"Masarap iyan, promise. Subukan mo." Kinuha pa niya ang kutsara ko at nilagyan iyon ng sisig ko. Mukhang susubuan pa niya ako. "Open your mouth, please." Tinitigan ko lang siya sa sinabi niya.

Kinuha ko ang kutsara na tangan niya atsaka ko sinubo. Nakatingin lang siya sa akin na tila hinihintay ang reaksyon ko. Hinihintay ko rin makalasa ng nakakasuka na lasa sa kinakain ko pero nakailan nguya na ako pero wala akong nalasahan masama. Sa totoo lang masarap nga ito gaya ng sinabi niya.

"See, alam kong magugustuhan mo iyan." Ngumiti siya sa akin ng malaki at natigilan ako. Tama nga si Apol ang ex-colleague ko na pinsan ni Sac. Ang ganda nga ngiti niya but then again...masama ang ugali niya.

Kumain siya habang umiinom ng beer. Hindi ko matanggap ang kombinasyon niya sa pagkain. Tahimik ko lang siyang pinagmamasdan habang siya ay abala kakain.

"So naghiwalay kayo ng boyfriend mo dahil?" Natigilan ako. Akalain mong may alam pala siya sa akin. At palagay ko ay mula iyon sa sarili niyang pinsan. "Lemme guess, you are boring?" Para bang napakanatural na sa kanya ang mang-insulto. Hanga na talaga ako sa taong ito. Naikuyom ko ang palad ko sa galit ko sa kanya. Gustung-gusto kong suntukin ang gwapo at perpekto niyang mukha para madeform at mabangasan para hawig na ito sa panget na ugali niya. Hanep pala talaga itong lalakeng ito!

"No...because he needs to be better first to be with me. For he said 'I deserve someone better'." Tinaasan ko siya ng kilay. Iyon ang sinabi ng ex-boyfriend ko at hindi dahil boring ako. Narinig ko siyang tumawa ng malakas at nagpantig ang tenga ko.

"And you believe that?"

"Oo, kasi man of honor ang ex-boyfriend ko. Hindi kagaya mo na ang usapan ay six thirty tapos darating ng alas otso. That says alot to your character. Loser." Hinablot ko na agad ang bag ko pagtayo.

"Oh now I am the loser. Who's the one who cannot have a stable job and was left alone by her boyfriend to f*ck other girls. Tell me, who's the loser now." Nanginginig na ako sa galit sa lalakeng ito na ngayon ko lang nakita. Hindi ko lubos maisip na magkakaroon ako ng ganitong katinding galit sa taong kakakilala ko lang. Napaupo ulit ako sa panginginig ko. Natatakot akong matumba ako dahil sa panginginig ng tuhod ko.

"Eh ikaw ano naman kayang rason bakit ka iniwan ng asawa mo? Ah teka pwede ba akong manghula? Siguro dahil masama ang ugali mo, matabil pa ang dila mo at wala kang isang salita. Di ba tama ako? Buti nga sa'yo iniwan ka ng asawa mo." Balita ko kay Apol na may asawa si Sac at iniwan siya nito. Akala niya papatalo ako sa kanya. Hindi no! I hate him! "Ano magsalita ka. Your wife left you because of the reasons that I said."

Nahalata ko ang pagtiim ng panga niya.

"Accident. She left me because of a car accident." Nakagat ko ang labi ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko inaasahan iyon. Akala ko ay hiwalay siya sa asawa. "Now if we are finished can you please pay the bill cause I'm done here." Natameme ako sa sinabi niya. Nakanganga lang ako habang tinitingnan ko lang siya habang inubos niya sa isang lagok ang beer niya at iniwan akong mag-isa sa cheap na restaurant na pinili niya. Goodness! May mas gaganda pa ba sa araw ko. I hate that man!

Impression on the HeartDonde viven las historias. Descúbrelo ahora