Hindi pa din sya nagsalita matapos ang speech ko. Pero kahit na anong mangyari, whether payagan nya ako o hindi, buo na ang loob ko na lilipat kami.

"I just want you to know that I'm not all out on your decision. Mas gusto ko pa din na nasa secure na lugar kayo ni Clyde. Pero mukhang wala na akong magagawa at buo na ang desisyon mo, and all I can ever do is support you."

Sa sobrang tuwa ko ay napayakap ako sa kanya!

"Thank you Aldrin, this really means so much to me!"

Naramdaman ko ang pag hawak nya sa likod ng bewang ko at bigla akong na-concious! Nawala pala ako sa sarili ko at masyado naman akong naging forward!

Mabilis na tinanggal ko ang pagkakayakap ko sa kanya at umupo ako ng tuwid at tumingin ng diretso sa malayo. Kung kanina parang nangangamatis ang mukha ko, ngayon naman ang pakiramdam ko ay para ng nagiging prunes ang buong katawan ko sa sobrang kahihiyan sa inasal ko! My Gosh! Ano ba naman ako at masyado na ata akong nagpapaka-FC! Parang hindi ko na sya matititigan ng maayos nito! NAKAKAHIYA!

Pinaandar na ulit ni Aldrin ang sasakyan. Ng alam ko na nag-co-concentrate na sya sa pagmamaneho ay sinilip ko sya sa gilid ng mata ko. There is this huge grin on his lips and a feeling of satisfaction is written all over his face.

Please naman Lord, burahin nyo na po sa isip nya ang pagkakawala ko sa sarili ko kanina!

Mabuti naman at mukhang walang balak si Aldrin na pag-usapan ang inasal ko kanina, at ibinalik nya sa usapang lipat bahay ang pagtatanong nya.

"So when are you planning to move back to your old house?"

"As soon as possible. Magsisimula na siguro kaming mag-empake habang inaayos ko ang paglilipatan namin. Kailangan kong mamili ng ibang mga gamit. But, I will do all that after work." May sasabihin sana sya pero inunahan ko na sya. " Hindi ako papayag na mag-absent na naman ako. I've seen your workload. Alam ko na kailangan mo na ako sa trabaho at hindi ka lang nagsasalita. "

"I won't deny that. Pero ngayon na kailangan mong maglipat, I can always make an exemption."

"No, no more leaves. Hindi naman sa naaawa ako sa 'yo." Medyo napatawa sya sa sinabi ko. " Well, I also need the money. Nakita mo naman na matindi-tinding renovation ang kailangan ng bahay. "

"you know that money is not a problem Frans..."

"At hindi naman ako papayag na panghabang buhay na nakasandal kami sa 'yo. Ayoko ng madagdagan pa ang kakapalan ng pagmumukha ko. Nitong mga nakaraang araw, pakiramdam ko ay punong puno na ng kalyo ang mukha ko dahil halos lahat ay ikaw ang gumastos."

"Walang problema sa 'kin..."

"Sa akin meron. Ayokong isipin ng mga tao na tine-take-advantage ko ang kabaitan mo sa amin."

"Frans, we both know that that is not true. Alam mo ang totoo at alam nating dalawa na hindi ka ganon."

"Oo, pero ayokong isipin ng mga tao na ganon ako. I want to have a good reputation for the sake of my son. I hope you understand."

Hindi na naman nagsalita si Aldrin at pagtingin ko sa kanya ay parang medyo nakasimangot sya.

"Ok, sige. But just take the day off tomorrow pati na rin sa susunod na araw, para maayos mo ang mga bagay sa paglipat nyo. "

"Kahit bukas lang ako a-absent ay ok na. Maghahanap lang ako ng school service ni Clyde na papaya na maghatid sundo sa kanya sa bahay namin. Ang of course yung ibang gamit na kakailangan ni Clyde at paniguradong wala syang magiging kama don. "

"You can take the beds and the other furniture that you need."

"Wag na."

"I insist." Medyo parang naiinis na sya. "Kung hindi mo tatanggapin, sesesantihin na kita!"

Napatingin akong bigla sa kanya. " Ang taray naman! O sige na! Sige na!"

Napangiti na sya. " Good."

***

"Goodbye! Thanks for everything!" Bumaba na ako sa entrance ng condo. Gusto pa nga nya akong ihatid mismo sa unit pero nag-insist na ako na wag na dahil kitang kita ko naman sa kanya na pagod na sya. Pumayad din, matapos ang san damakmak na pagtanggi ko.

Medyo late na, I just hope na napatulod ni Maria si Clyde. Hindi kasi mapakali yon hanggat hindi nya ung nasaan ako, hindi ko naman nagawang magpasabi kung nasaan ako.

Sobra akong na-e-excite sa paglipat namin. It feels like I'm coming home! Sana lang ay magustuhan ni Clyde ang bago naming titirhan. May point din naman si Aldrin na para ngang abandoned house yung bahay namin. Sobrang napabayaan. I can't blame Kirsten for that. Naiwan syang nag-iisa, at who knows kung anong mga pinagdaanan nya noong mga panahon na yon. She has to take care of herself on her own. Mabuti nga at hindi nya binenta ang bahay kahit na nasa kanya na ang karapatan para gawin ang gusto nya sa property. But she chose not to sell it for sentimental reasons? I don't know, pero kahit na ano pa ang rason nya ay nagpapasalamat ako dahil hindi nya pinakawalan ang bahay.

Habang hinahanap ko ang susi ng unit sa bag ko ay pinakikiramdaman ko kung gising pa si Clyde. Mukhang tahimik naman sa loob. Baka nga napatulog na ni Maria ang bata. Mabuti naman at maaga pa ang pasok nya bukas.

Pagbukas na pagbukas ko ng pinto ay laking gulat ko sa nadatnan ko! Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatitig sa dalawang taong nakasalampak sa sala. Never in my life would I have expected the scene that I am witnessing right now. Hindi ko alam kung ano bang dapat na maramdaman ko ngayon. Maiinis ba ko, magagalit o matutwa? Pero sa ngayon ay parang natutunaw ang puso ko at halos mangilid-ngilid ang luha ko.

Si Clyde ay tulog na tulog na nakahiga sa lap ni Spencer. At si Spencer naman ay nakasandal sa salas at tulog na tulog din, nakayakap pa sya sa bata, as if he's protecting my son. What touched me most is the grin on Clyde's face. Na para bang masayang-masaya sya.

Kung Ika'y Mawawala [complete!!!]Where stories live. Discover now