"And, what is it that you want to tell me?"

Muntik ko nang makalimutan ang dapat kong sabihin sa kanya! Ok, so maybe, I just have to go straight to the point. Hindi naman absurd ang sasabihin ko sa kanya. And I'm sure that he'll understand.

"Aldrin, Kirsten asked me to move in with her. And I said yes."

Bigla syang napapreno! Mabuti na lang at naka-seatbelt ako, kung hindi wasak siguro ang noo ko kapag sumalpok ako sa dashboard!

"ALDRIN! What the heck!"

Mabuti na lang din at madalang ang sasakyan at hindi kami napahamak.

"I'm sorry about that. Nabigla lang ako. "

Itinabi nya yung sasakyan at pinatay ang makina at humarap sya sa akin.

"Look Frans, don't get me wrong. Hindi sa ayaw kong lumipat ka sa bahay nyo. But the place looks abandoned. Kung hindi lang nakatira si Kirsten doon, pwede ng pumasang hunted house yon."

"Sobra ka naman! Hindi naman. Well, yeah, medyo napabayaan nga sya. And I guess it needs a lot of work and a lot of furnitures to fill it in before we can call it homey."

"Hindi rin natin nalibot ang ibang mga kwarto, baka walang mag-fit na space doon para kay Clyde. Isa pa, mas malayo iyon sa school nya."

"Marami namang mga kwarto doon, I'm sure isa doon magugustuhan ni Clyde. Kung wala pang furnitures, may konti naman akong naipon, maybe I can buy a bed for him for the meantime. Then the rest, pag-iipunan ko na lang. About the school, pakikiusapan ko na lang yung school service nya na doon na sya ihatid at sundo. kung hindi naman pumayag, maghahanap na lang ako ng iba. "

"How about your security? Well, the neighborhood is decent enough pero hindi kasing secured sa condo. I will feel so much better if you'll be staying there."

Hmmmm.. Paano ko ba sya makukumbinsi? Sa tono ng boses nya ay malamang na hindi nya ako payagan.

"You have nothing to worry about. Desente ang village na yon at may mga security naman. Magkaroon man ng aberya, isang tawag lang siguro sa guardhouse, may darating ng security."

"That is, kung may telepono. And how many minutes before the security can come to your rescue? So many things can happen in just 10 minutes!"

"Teka wait lang, wag kang maparanoid. Wala naman sigurong pwedeng mangari na kakailanganin naming tumawag ng security. We'll be safe there."

"I'm not paranoid, I'm just being relistic...." May sasabihin pa sana sya pero itinikom na lang nya ang bibig nya. Nakikita ko sa mukha nya ang pag-aalala na hindi ko naman maintindihan. We have been living by ourselves for the past couple of years. Naiba lang ang environment naming ngayon, but Cebu is also a city at maski paano ay nakapag-adjust na rin kami dito sa Manila. Actually, mas feeling at home pa nga ako dito sa Manila dahil siguro, dito talaga ako nakatira.

"Aldrin, gusto ko naman din talaga doon sa condo, at sobra akong nagpapasalamat dahil pinatira mo kami doon..."

"Pero?"

Mukhang nababasa na nya ang nasa isip ko at napangiti na lang ako.

"Pero, maraming bagay akong naalala sa bahay na 'yon. Although at first, parang walang pumapasok sa isip ko, pero noong nag-uusap na kami at nakita ko ang mga pamilyar na lugar ng bahay ay unti-unting pumapasok sa isip ko ang mga bagay na nangyari doon sa bahay na yon. "

Tumingin sya sa malayo at parang nag-isip ng malalim. I think he's already considering it. Kailangang magatungan pa.

"At siguro mas dapat na nandon ako, dahil kailangan din naman ng kasama ng kapatid ko. Mas nakakatanda ako sa kanya at marami na syang pinagdaanan. She needs me. Kahit na mukha syang palaban at matapang, deep inside, she's just trying to be brave."

Kung Ika'y Mawawala [complete!!!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon