"Nandito na po tayo"

Bumaba kami at sumalubong sa akin ang ganda ng Malumpokunan Hills.

"Ang ganda dito, Ate" namamanghang saad ni Abby.

"Buti at sumama ka" ani ko dito.

Hindi gano'n kataas ang burol. Kayang-kayang lakarin ito. Inilatag na ni Eduard ang sapin. Tumulong na rin ako sa pagbababa ng mga gamit namin. Siguro ay dito na lang ako sa baba. Ang ganda kayang pagmasdan ang ilog dito, pati ang mga bulaklak.

Nandito kami ngayon sa may lilim ng puno ni Ate na naka-upo.

"Abby, kuhanan mo kami ng picture ni Ellie" sigaw ni Ate dahil nasa medyo may kalayuan si Abby kasama si Eduard.

Mukhang nagkakamabutihan na ang dalawa. Buti naman kung gano'n para naman makilala nila ang isa't-isa.

Lumapit sa amin si Abby pero hindi gano'n kalapit na distanya.

Umakbay ako kay Ate at gano'n din ang ginawa niya sa akin sabay peace sign. Nagthumbs-up naman si Abby sa amin. Pagkatapos ay lumapit ito ng tuluyan.

"Ate, magpapalam lang po ako. Punta po kami sa taas ng burol. Kasama ko si Eduard" ani nito, habang inaayos ang dadalhing camera.

"Sige. Mag-iingat kayo, Abby at Eduard" at tuluyan ng lumakad ang dalawa. Kami na lang ni Ate ang natira dito.

"Ate Marcel, mukhang nagiging okay ang dalawa" sabay tawa ko dahil sa napansin.

"Kaya nga eh. Buit naman para umayos-ayos ang ugali ni Abby" at nagtawanan na lang kaming dalawa.

"Maiba tayo, Ellie. Kumusta pala 'yong wallet? Naisauli mo ba sa may-ari?" humarap ito sa akin sabay kuha ng saging at kinain ito.

"Naisauli ko na po Ate" sagot ko sa kanya.

" Paano? Gwapo diba, diba?" tanong niya sa akin na mukhang interesado kay Francis.

"Mahabang kwento, Ate" napa-iling na lamang ako at naalala ang mga nangyari at ikwenento na sa kanya.

"Kumusta naman 'yong matanda?" tanong nito sa akin matapos kong sabihin lahat ng nangyari.

"Still in coma, ate. Naawa na nga ako eh. Sana gumaling na" sabay tingin ko sa kumikislap na ilog. Naalala ko na naman ang mukha ni Lolo ng hawakan ko ang palapulsuhan niya.

"Ellie? Ellie?"

"A..te? Bakit?"

"You are spacing out again. Sabi ko kung gwapo at mabait ba si Francis?"

"Oo ate. Okay naman po siya."

"Baka siya na Ellie" sumilay ang pilyang ngiti nito sa akin.

"Attttteeeeeeeeeeeeeee! Look! I'm here at the top!" napatayo kami ni Ate dahil si Abby kasama si Eduard ay nasa tuktok na ng burol.

"Abby, mag-iingat kayo riyan" sigaw pabalik ni Ate.

Kinuha ko ang dalang camera at kinuhanan ng litrato ang dalawa habang magkahawak kamay.

Pagkatapos ay lumayo muna ako sa kanila upang tawagan si Francis para mangamusta. Buti na lamang at may signal dito kahit papaano. Gano'n pa rin daw ang kalagayan ni Lolo. Walang pagbabago. Sinabi ko rin sa kanya na bibisita ako bukas.

Ala-syete na rin ng maka-uwi kami sa mansion. Si Abby ay tulog na tulog kaya'y pinabuhat na lang namin kay Eduard papunta sa kwarto nito.

"Kumusta ang lakad ninyo mga, Iha?" sinalubong kami ni Nanay Felly at nagmano naman kami ni Ate Marcel.

Plumeria [COMPLETED]Kde žijí příběhy. Začni objevovat