Kabanata 5

116 94 1
                                    

Nandito kaming lahat sa labas ng mansion. Napag-usapan daw kasi nina Nanay Felly at Ate Marcel na mamasyal. May magandang lugar daw doon sa may malapit, para naman daw hindi kami mabagot dito.

Hinihintay lang namin ang maghahatid sa amin sa lugar na sinasabi ni Nanay Felly.

"Abby, bilisan mo na. Ikaw na lang ang hinihintay namin dito" sigaw ni Ate Marcel sa labas dahil hanggang ngayon ay hindi pa lumalabas si Abby. Masyadong matagal talaga itong mag-ayos. Teenager nga naman ngayon.

"Hayaan mo na Ate. May pinagagandahan lang 'yon" sabay siko ko kay Eduard na abala sa pag-asikaso ng mga bag na dadalhin namin. Napakamot na lang ito sa ulo.

"Bakit ba kasi tayo aalis pa?! Ang init-init oh?" palabas na pagmamaktol ni Abby na nakajacket?

At ang dami-dami nitong dalang bag. Nakakawindang naman ang babaeng to!

"Abby, Seriously? You are wearing a jacket, malamang maiinitan ka ng sobra!" pagtataray ko dito. Agad naman siyang sinalubong ni Eduard at kinuha ang mga dalang bag.

"Tapos look oh, parang dala mo na lahat ng gamit mo. Uuwi rin tayo. My God" dagdag ko sa mga sinabi.

"Hayaan mo na, Ellie. Halika dito, Abby kay Ate" suyo ni Ate Marcel sa bunsong kapatid.

Lumapit naman ito at hinawakan sa kamay ang Ate.

"Mga iha, nandito na si Alex. Siya ang maghahatid sa inyo doon sa sinasabi kong lugar" papalapit sa amin si Nanay Felly habang kasama ang lalaking ipinapakilala niya.

"Oh sya! sya! Sakay na kayo para makarating kayo agad doon" Nilagay na rin ni Eduard ang mga gamit na dadalhin sa likod ng van. Kasama rin namin siya para maging tour guide, pinayagan na rin naman kasi siya ni Nanay Felly.

"Mag-iingat kayo" kaway sa amin ni Nanay habang papa-andar na ang sasakyan.

"Ilang oras po ba ang byahe, Manong Alex?" tanong ko kay Manong. Napatingin naman ito sa akin.

"Isa't kalahating oras po Ma'am." Panay ang titig nito sa akin. Ako kasi ang katabi niya dito sa loob ng van at nasa likod sina Ate. Mas pinipili ko talagang dito pumwesto dahil madali akong mahilo.

"May dumi po ba ako sa mukha?" sabay hawak ko sa aking mukha at tingin sa salamin sa unahan.

"Wala po, Ma'am. Sobrang kamukhang-kamukha niyo lang po ang Lola Cecilia ninyo. Pasensya na po" napakunot ang noo ko sa sinabi ni Manong Alex. Marami rin ang nakapagsabi sa akin 'non. Sa aming tatlo raw, ako ang pinakahawig ni lola.

"Ahh si Lola po. Marami nga pong nagsasabi niyan" sagot ko kay Manong

"Tsaka h'wag na po ninyo akong tawagin na "Ma'am". Nakakatanda po ehh. Ellie na lang po"

Tumango ito at ngumisi.

"Yan naman po si Ate Marcel" pagpapakilala ko kay ate na busy kumain ng chips.

"Hello po" kumaway ito at ngumiti

"At si Abby po, bunso naming kapatid. Siguro naman po ay kilala niyo na si Eduard?" sabay tawa ko kay Manong.

"Oo naman po. Di ba Eduard?" tumingin ito sa rear view mirror at sabay silang tumango ni Eduard.

Tanaw na tanaw ko ang ganda ng probinsya. Ang mga luntiang palay at mga puno. Ang mga kubo na malayong malayo sa itsura ng nagtataasang gusali sa syudad. Pati ang mga batang naliligo sa ilog. Napakasaya nilang tingnan. At ang mga babaeng nagkukumpulan sa labas ng tindahan. Heto ang mga ganap na hindi makikita sa syudad. Pati ang amoy ng sinusunog na mga tuyong dahon ay napakahalimuyak sa akin.

Plumeria [COMPLETED]Där berättelser lever. Upptäck nu