Thirty-six

6.8K 276 7
                                    

Raiden

"ALAM MO ba kung nasaan si Kyle?"

Napahilot ako sa aking sintido habang hinihintay ang sagot ni Yvan. I called him to ask about Kyle's whereabouts. Kanina ko pa ito hindi matawagan at wala rin naman ito sa opisina niya. Nang dumating ako rito sa bahay ay wala ring tao.

"Hindi ko alam Raiden. Hindi kami nag-usap ngayong araw. Bakit? May problema ba?," tanong nito sa kabilang linya.

"W-Wala naman. Tawagan mo'ko kapag alam mo kung nasaan siya ah?"

"Okay copy."

Nagpaalam na ako kay Yvan at agad na ibinaba ang tawag. Napaupo ako sa sofa at napasandal dito. I closed my eyes and tried hard not to think negatively but I failed.

Habang tumatagal na hindi ko nakikita si Kyle at nakakausap ay mas lalong lumalaki ang posibilidad na totoo ang lahat na sinabi ni Carter sa'kin. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Takot? Oo siguro. Takot ako na kung sakaling totoo man ay hindi ko matanggap ang paliwanag ni Kyle. Nandoon na e. May ebidensya na. Mas gugustuhin ko pa sigurong aminin niya kesa sa itanggi pa niya. Mas matatanggap ko pa.

Ilang sandali akong nakapikit at nanatiling tahimik hanggang sa narinig kong bumukas ang pinto. Mabilis kong idinilat ang mga mata ko at tiningnan kung sino ang pumasok.

There I saw Kyle entered the house. His hair's messy, he's sweating, his shoulders are dropped and he looks so exhausted. Pinagmasdan ko lang ito na naglakad sa harap ko. Hindi yata ako nito napansin dahil nakababa ang kanyang ulo at tila pagod na pagod.

"Hey," tawag ko sa kanya. Doon niya lang ako napansin at natigil sa paglalakad bago tumingin sa'kin.

"H-Hey. Kanina ka pa?," tanong nito. Kumunot ang noo ko nang makitang tila wala ito sa kanyang sarili. Namamaga rin ang mga mata nito na para bang kagagaling lang sa pag-iyak.

"Okay ka lang?," tanong ko sa kanya. Nakita ko kung paano ito natigilan ngunit agad din akong nginitian ng tipid bago tumango.

"Kumain ka na ba? Mag-oorder ako ng pagkain. H-Hindi naman kasi ako marunong magluto at baka pagod ka rin kaya mag-oorder nalang ako—

"Kyle," putol ko sa kanyang sasabihin. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kanya ngunit kailangan ko siyang makausap ngayon. "W-We need to talk. May kailangan akong itanong sayo," sabi ko sa kanya. Wala sa sariling tumango si Kyle sa'kin bago umupo sa tabi ko. Bahagya akong umurong para dumistansya sa kanya.

"What is it? May problema ba?," tanong nito. Napatitig ako sa kanya at hindi maiwasang magtaka dahil may kakaiba sa kinikilos niya ngayon. Hindi ko lang alam kung ano. Ngunit parang pagod na pagod ito at wala sa sarili.

"Nag-usap kami ni Carter kanina," I said. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Inalala ko ang lahat ng sinabi ni Carter sa'kin kanina. Sana ay kapag tanungin ko si Kyle ay umamin ito. "Totoo ba?"

"A-Ang alin?," nauutal nitong tanong. I looked at him coldly.

"About the video. Ikaw ba? Ikaw ba ang nag-leak ng video ko?," diretsa kong tanong sa kanya. Pinagmasdan ko kung paano natigilan si Kyle sa tanong ko. Hindi ito sumagot at para bang gulat na gulat sa itinanong ko sa kanya.

"I-I..."

"Answer me damn it!," hindi ko naiwasang pagtaasan ito ng boses.

"Babe...N-No. I d-didn't—

"Tangina naman Kyle! Bakit nagsisinungaling ka pa?!," hindi ko na nakontrol ang sarili ko na pagtaasan ito ng boses. Nang marinig ko ang pagtanggi niya ay awtomatikong umalab ang galit ko.

"Babe naman...please hear me out," mahina nitong sabi.

"Nandoon na e! Gusto ko lang naman ay sabihin mo sa'kin ang totoo dahil maiintindihan pa kita. Susubukan kitang intindihin! Pero bakit nagsinungaling ka pa?!"

"Babe no. Pakinggan mo 'ko. Just five m-minutes, let me explain," sinubukang hawakan ni Kyle ang kamay ko. Kitang-kita sa kanyang mata ang pagmamakaawa ngunit hindi na ito umepekto sa'kin. "We promised that we'll hear each other out, right? B-babe pakinggan mo'ko."

Hindi ako nagpatinag sa sinabi niya. My jaw clenched. Pilit kong binawi ang kamay ko sa kanya at umatras.

"No. I am breaking that promise,"malamig kong sabi sa kanya.

"B-Bakit ayaw mo? Bakit naniwala ka agad kay C-Carter? Bakit ang h-hirap sayong paniwalaan ako? Five minutes babe. Just five minutes to e-explain," nakita ko ang pagbagsak ng mga luha ni Kyle sa mata niya. "Huwag n-naman ganito oh. I n-need you right n-now. Babe—

"Tama na," pinigilan ko na si Kyle sa sasabihin niya at agad na tumayo. "Pati kompanya namin Kyle nadamay e. Hindi mo man lang sinabi sa'kin? Hindi ka man lang humingi ng patawad."

Tumingala si Kyle para matingnan ako. Bakas sa mukha niya ang gulat. Hindi niya inaasahan na pati iyon ay alam ko rin.

"I'm s-sorry. I settled it already. I was about to—

"Sa ibang tao ko pa nalaman tangina!"

"Babe. Babe please," natigil ako nang yakapin ako niya ako sa aking bewang. "Babe huwag ganito please. Huwag naman ganito oh. P-Pakinggan mo naman ako," I can hear how his voice cracked as he hugged me tightly. I swallowed hard and looked away. Hindi ko gustong nakikita siya na ganito ngunit hindi ko rin kaya na nagsinungaling siya sa'kin. Ayaw na ayaw ko ang pinagtataguan ako ng sikreto.

"Kyle, tama na," sabi ko sa kanya.

"No," mabilis nitong sabi. Tumayo siya at hinarap ako. "W-We'll talk about this. K-Kapag handa ka ng pakinggan ako. Calm down f-first okay?," narinig ko ang pagsinghot nito at pilit na ngumiti sa'kin. Hinawakan niya ang dalawa kong balikat at kitang-kita ko kung paano ito napalunok. He blinked many times to stop himself from crying. "I-I'll give you space, t-time. Ano pa ba? I'll give you everything you need, j-just hear me out after. P-please Raiden...," his voice cracked as he talked to me. "I really need you right now...," I can hear him begging. Ramdam na ramdam ko ang pagod sa boses niya.

Nanatili akong tahimik at hindi sumagot sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Nasasaktan ako ngayon. Sobrang sakit nang nangyayari sa amin ngayon.

"I'll get going, okay? We'll fix t-this. Babalik ako b-bukas—just...please be with me," Kyle closed his eyes before kissing my forehead and walked away. Narinig ko nalang ang pagsarado ng pinto at doon ko lang naramdaman ang panlalambot ng tuhod ko. Napaupo ako sa sahig at mabilis na nag-unahan sa pagtulo ang mga luha ko. Tahimik na naglandas ang mga luha ko sa aking pisngi hanggang sa hindi ko na makayanan at humagulgol na ako ng iyak.

Tama ba ang ginawa ko? Bakit ganoon kasakit 'yun? Naguguluhan na ako sa nangyayari. Sino ang paniniwalaan ko? B-Bakit ang hirap paniwalaan ni Kyle sa oras na 'to? Naninikip ang dibdib ko sa sobrang sakit. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin.

Hindi ko alam kung gaano katagal na akong umiiyak hanggang sa narinig ko na may nagdoorbell. Tinitigan ko lang ang pinto at hindi tumayo. Hindi na naulit ang doorbell kaya't hinayaan ko nalang. Wala akong lakas para tingnan kung sino iyon. Kung si Kyle iyon ay panigurado naman na papasok siya.

Ilang minuto akong nakatitig sa kawalan hanggang sa naisipan kong tumayo para umalis ng bahay. Hindi ko kayang nandito ako. Kailangan kong...uminom. Gusto kong maglasing ngayon.

Tahimik akong naglakad at pinihit ang pintuan. Akmang lalabas na ako nang may mapansin akong paper bag sa harap ng pinto. Kinuha ko ito at inabot ang nakadikit na papel. Napapikit ako at pilit pinigilan ang luha nang mabasa ang nakasulat sa papel.

Please don't forget to eat. I love you. I'm sorry.

-Kyle

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

@HenryLauv

The Hacker (BxB) Completedजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें