38: Far from the end

Start from the beginning
                                    

"Omg! I'm so excited na! Two days is not enough para maghanap ako ng susuotin sa prom." rinig ko ang paghi-hysterikal ni Lauren.

"Ang oa mo naman Lauren. Three days pa naman kaya yan. Mamaya hanap na tayo, tara?" aya sa kanya ni Chienna. Napailing nalang ako ng marinig na ang plano nila para sa prom. Maghahanap na yung iba ng susuotin nila. Lalo na itong katabi ko.

"Samahan mo ako mamaya, Ali. I need your professional advice." ako kasi ang lagi nitong hinihingan ng advice sa kung anong susuotin kapag may pupuntahan siyang formal event. Agad akong umiling bilang sagot.

"Kaya mo na yan." sabi ko. She stomped her feet.

"Ihh. Sige anong color nalang ang maganda?" hindi talaga ako nito tatantanan hanggang hindi siya nakakakuha ng sagot sa akin eh.

"Blue para mukha kang bata." I said and took a deep breath. Bumalik na siya sa upuan niya ng pumasok si Miss Dianne sa loob. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na siya ang nanay ni Blake. Unbelievable. Hindi ko tuloy alam kung paano ako aakto sa harap nito. Ang awkward tuloy. Pumasok na rin sa loob si Sheena na hawak ang tenga nina Justin at Dan.

"Well, good morning class. Alam ko namang alam niyo na ang tungkol sa senior's prom niyo. So, I have here the venue options. We have Sky Hotel, Carleton Hotel, Palacio de Rosas and Belderthrone Hotel. Para sa voting ay kuha lang kayo ng kapirasong papel at doon niyo isulat ang venue na gusto niyo. Tomorrow morning ay aayusin na namin ang date para sa prom niyo." kanya kanya namang kuhaan ng papel ang mga kaklase ko  I wrote the first option at agad itong nilagay sa box na hawak ni Miss Dianne at bumalik sa pwesto ko. Umalis na din si Miss Dianne ng makuha niya ang lahat ng papel. Muli nanamang umingay ang klase.

"What did you picked? Ako Palacio de Rosas. Ang bongga kasi pakinggan." natawa ako sa sinabing iyon ni Bridge.

"The first option. Sky Hotel is the best among those other options." I said. Syempre property namin iyon kaya dapat loyal ako sa business namin. Galing sa mother's side ko ang hotel business.

"Damn. Ngayon ko lang naalala na sainyo pala yung Sky Hotel!" tili ni Bridge kaya pinalo ko ang braso nito para tumahimik.

"Sorry naman. Busy naman sila eh so walang nakarinig " sabi niya. Napairap nalang ako.

Kinabukasan ay inanounce na ang venue na nanalo. Sky Hotel won with 90% of votes from the students. Aalis din ang mga homeroom teachers namin para ireserve ang date ng prom namin. Sobrang busy ng mga students lalo na ang mga myembro ng student's council dahil sa pagpa-plano. Every section ay gagawa ng presentation kung saan nandodoon ang lahat ng pictures namin as a class. Si Sheena at Gavin na ang bahala doon since si Gavin ang techie sa amin.

Pumunta din dito ang president ng student's council na nanghihingi ng tulong para sa pagde-design ng venue. Ako ang tinulak nina Sheena dahil doon daw ako magaling at siguradong magiging perfect daw iyon. Napailing nalang ako ng makababa na mula sa kotse ko. Naiwan naman sa school sina Blake at Bridgette para kunin ang ideas ng mga ibang section.

Agad akong sinalubong ni Tita Corrine na siyang namamahala sa hotel. Nakita ko rin sa loob ang mga teachers na pabalik na sa school matapos nilang maireserve ang date para sa prom. May tatlong function hall ang hotel namin. Ang dalawa ay nasa baba at yung pinakamalaki ay nasa last floor.

"Anong function hall ang gagamitin niyo, Ali?" tanong ni Tita sa akin. Kahit naman iniwan kami ng nanay ko ay hindi ko naman pinutol ang communication ko sa mga relatives ko on her side.

"Yung nasa last floor para kasali ang rooftop." sagot ko. Sumakay naman kami ng elevator papunta sa 21st floor. Bumungad ang malawak na function hall na nililinis na.

The Project PerfectWhere stories live. Discover now