'Cya, gumising kana! Naku at unang araw mo paman din ngayon.' Bungad sakin ng aking inang aligagang ngluluto sa kusina.
Napatingin ko sa orasan na nasa dingding. Ngunit hindi ito gumagalaw.
'Sira nanaman' Naligo muna ako at ngbihis ng pantalon at T-shirt na gray na bigay ng pinsan kong lalaki.
'Anak ano ba naman niyang suot mo?' Sabay tingin ni inay sakin.
'Ano ho bang mali dito?' pagdedepensa ko.
'o siya kumain kana at pupunta pa ako ng sementeryo.
Ngayon nga pala ang 5th death anniversary ng itang. Labing- apat na taon lang ako ng mamatay ang itang.
Tandang-tanda ko pa ang dahilan ng pagkamaty niya.
Flashback...
Gabi noon at may bagyo. Iyak ko nang iyak dahil sa takot habang di magkamayaw si inay at itang sa pag babalot ng gamit namin.
'Soling mauna na kayo sa evacuation center.'
'Pano ka?' nagtatakang tanong ni inay.
'Susunod ako.Mag-iingat kayo'
Labag man sa loob ni inay, sinunod niya parin si itang.
Malayo-layo rin ang linakad namin. Nang makarating kami sa aming pupuntahan. Ay biglang nagdatingan ang mga ambulansya at ilang rescuer sa ming barangay.
'Tagal naman ng itang mo Cya. Matulog kana muna.' Sabi ni inay habang inilalahad sa katawan ko ang jacket niya.
Nagising ako sa ingay ng pligid. Wala si inay sa tabi ko kaya napag-isipan kung bumangon at hanapin siya.
Ngunit laking gukat ko ng makita itong umiiyak at nagwawala.
'Inay?' Sambit ko
'Ang iyong itang anak' Garatgal na sabi niya habang lumalapit ako.
'Bakit ho?' Naguguluhan sa nangyayari.
'Natabunan siya ng bahay, gumuho yung bahay natin anak. Ang iyong itang natabunan'
Doon tunay na gumuho ang mundo ko. Nawalan kami ng bahay, masisilungan at haligi ng tahanan.
Magmula noon ay ipinangako ko sa sarili kong magiging engineer ako at magtatayo mg matatag na bahay at buhay.
end of flashback...
Binilisan ko ang pagkain at iniligpit ang mesa.
Nag-abang ako ng tricycle sa labasan ng may pumarang kotse sa harapan namin. Si Glenda. Anak ng mayor sa lugar namin. Glenda Chavez.
Ibinaba niya ang bintana ng kotseng sinasakyan at inilabas ng konti ang ulo.
'Nakapag-isip kana ba?' Deritsahang tanong niya.
'Glenda kaibigan kita pero di naman pwedeng ganun'
Inilabas niya ng kanyan selpon at tila may hinahanap.
'Ito tignan mo.' Sabay lahad ng selpon sakin.
Laking gulat ko ng makita ex niyang si Martin. Oo ex niya lang naman ng anak ng may-ari ng school nmin. Sa larawan ay makikitang may katabi itong babae at napakalapit ng mukha nito sa isa't-isa.
'Ano naman yan?'
'Gusto ko lang ipakita sayo ang mga type niya. At isa ka dun Cya.'
Tama nga si Glenda. Sa murang edad ay balingkinitan ang aking katawan na nahubog sa pagtratrabaho. Mga nasa 5'4 ang aking taas at morena ang aking balat.
'Pero hindi parin tama ang plano mo.' Pagtatanggi ko.
'Isipin mo nlang na scholarship ang gagawin mo.Makakatukong kana sakin, matutulungan mo pa si Tita Soling.'
Agad akong napaisip sa sinabi niya.
'Hindi kaba sasabay?' Sabi akin ni Glenda
'Di na dadaan pa ko sa sementeryo'
'o siya mauna na ako.' Paalam niya saakin.
Di nga nagtatagal sa pag-alis ang kotse ni Glenda ay may pumara na ulit na kotse pero hindi para sakin. Maya't maya ay may tumatakbong babae papasok sa kotse na diko alam saan nagmula at agad hinagkan ang lalaking nasa loob ng kotse. Muntik ko ng makalimutang huminga ng makita kung sino ang naroon.
MARTIN GREG AGONCILLO
YOU ARE READING
Build me Up
RomanceMartin Greg Agoncillo. A matinee in the field of engineering. With his luxury life, face and body. Every girl's going crazy for him, for my bal. After how many years of hiding, I'll meet him again. Can he forgive me for what I've done? He built me u...
