Kabanata XLVII

Magsimula sa umpisa
                                    

Iniwan ko muna sila roon at naglakad palibot sa paligid. Lubhang kakaiba ang kanilang mga kagamitan. Mukhang matitibay at malalakas. Marahil makapangyarihan din ang kanilang hari sa lugar na kanilang pinanggalingan?

Sa dulong bahagi ng silid, mayroong isang bilog na durungawan kung saan makikita ang tanawin sa labas. Lumapit ako roon at bahagyang sumilip. Madilim ang paligid at halos wala akong maaninag na kahit anong bagay, maliban sa buwan.

Naiisip ko ang kalagayan ng anak ko ngayon. Kung maayos lang ba siya kasama nina Rosa. Kung nagugutom ba siya. Kung napapatulog ba siya ni Rosa. Sana pagkatapos ng gulong ito ay maibalik na lahat sa dati.

Napayakap ako sa aking sarili nang tumama sa akin ang malamig na hangin mula sa labas. Nang sandaling humaplos ang aking kamay sa aking balikat ay muli kong naalala ang ginawa ni Atan.

Muli akong napaiyak nang maalala ang kawalang-hiya niyang ginawa. Napasandal ako sa isang kahon at itinuko ang aking baba sa aking tuhod habang yakap pa rin ang aking sarili, at lumuluha.

Pilit kong pinigilan ang pag-iyak ko nang maramdaman si Carpio na lumalapit sa akin. Mabilis niya akong inabot at niyakap. Hindi ko mawari kung bakit binabagabag ako ng aking budhi. Marahil ay dahil sa katotohanang nagawa akong hawakan ng ibang lalaki.

"M-Marumi na ako, C-Carpio. Huwag mo na akong hahawakan..." pag-iyak ko sa kanyang dibdib habang nakayakap pa rin sa aking sarili.

"Hindi ganyan ka babaw ang pagmamahal ko sa'yo, Hiraya, upang layuan ka na lamang dahil lang sa ika'y nahawakan na ng ibang lalaki," ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya sa kanyang boses. "Hinayaan mo lamang iyong mangyari nang dahil sa akin. Kaya ako nagagalit sa aking sarili."

"Paki-usap, tahan na. Kumikirot ang aking dibdib sa tuwing naririnig ang iyong pagtangis," nasasaktan niyang saad.


Marahan niya akong kinalas at iniharap sa kanya. Pinunasan niyang muli ang aking mga luha bago siniil ang aking labi ng halik. Napapikit ako at malayang tinanggap ang pag angkin niya sa bawat sulok ng aking labi. Humilig akong muli sa mga kahon nang mas lumalapit siya sa akin, dahilan upang mas dumiin ang aming halikan. Para bang ipinapabatid ng kanyang halik kung gaano niya ako ka mahal at pinapahalagahan.

Napatigil lang kaming dalawa at mabilis kong inilayo ang aking mukha sa kanya nang biglang sumulpot si Bisdak sa aming harapan.

"Ay, hala," nahihiyang bungad ni Bisdak.

Hindi ako maka-angat ng tingin sa kanya dahil sa hiya! Tiyak akong nakita niya ang aming ginawa! Napasulyap lang ako sandali kay Carpio at nakita ang inis sa kanyang mukha habang nakatingin kay Bisdak.

"Huwag na kayong mahiya! Pangako, magkukunwari ako na wala akong nakita!" aniya pa.

"Anong kailangan mo, Bisdak?" tanong ni Carpio habang nakatagpo ang kilay.

"Pinapatanong lang ni Su-il kung nagugutom na raw kayo. Balak naming manguha ng pagkain sa mga dayuhan," sagot ni Bisdak.

"Busog pa ako," maikli niyang sagot. "Hiraya, nagugutom ka ba?" pagbaling niya naman sa akin.

Umiling lang ako at ibinaba ulit ang tingin.

"Mukha nga namang busog talaga kayong dalawa," natatawang wika ni Bisdak. "O sha, aalis na ako ulit. Ipagpatuloy niyo na ang ginagawa ninyo. Nawa'y masiyahan at mabusog pa kayo. Paalam!"

Napapikit lamang sa inis si Carpio at tinapunan ng isang maliit na sanga si Bisdak kaya mas lalo itong napatawa.


"Kaya pala sabi mo kanina na walang papasok sa bahaging ito, ha! Patawad kaibigan at hindi ko agad nakuha ang iyong tinuran," ngisi niyang saad bago tuluyang maglakad paalis.Bahagya pa itong napatakbo nang tumayo si Carpio at umaktong babatukan ito.

Hiraya (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon