Prologue

1 0 0
                                    

"Alam mo konti na lang babanasan na kita" sabi ko kay Gia.

"Grabe 'to. Parang 'di ka anghel. Dapat sa impyerno ka ipinatapon" nakangusong sabi niya. Umirap na lang ako.

"Eh, paano ba naman kasi. Lagi mong sinasabi na ang panget mo. Araw-araw mo na lang na-rerealize na ganyan itsura mo. Ba't di ka na lang masanay" kunot-noo kong saad. Tinignan naman niya ako ng masama.

"Nakakainis 'to! Eh, kasi naman, eh, sana bago man lang ako namatay nagpaganda muna ako!" Reklamo niya. Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Hoy, Gia. Kahit magpaganda ka wala ka ng ikakaganda" sabay halakhak ko. Kukutusan sana ako ni Gia ngunit may biglang sumigaw.

"Bakit ako nandito? What's this freaking place?! Ikaw! Sino ka!" Sigaw ng nagwawalang babae. Lumapit naman ang iba naming katrabaho upang pakalmahin ang babae. Lumapit na rin kami ni Gia para makiusosyo.

Bakit? Chismosa kami, no

"A-Ah, ma'am. Sa bawat kaluluwa hong pumapasok dito m-mayroon hong numero at paliwanag kung bakit kayo nandito" pagpapahinahon ng isa naming kasamahan.

"A-Ano? K-Kaluluwa? Patay...na ako?" Nanghihinang saad ng babae. Maganda ito at mukhang bata pa. Mukhang matapang sa pamamagitan ng itsura niya. Sa tingin ko, mga nasa-dalawampung taong gulang pa lamang.

"Hindi maaari. May...kailangan pa akong gawin" bigla itong lumapit sa kumausap sa kanya "Parang awa mo na. Ibalik mo ako sa lupa. May...may naiwan pa akong mahalagang dapat ginawa ko noon pa! Please, nagmamakaawa ako. Ibalik niyo ako sa lupa" desperadong sambit ng babae.

"A-Ah. Ma'am, sumunod ho kayo sa akin" iginaya niya itong umayos ng tayo at pinapunta sa office ni Mr. G. Kami naman ay bumalik na sa aming mga trabaho.

"Grabe. Ang kamatayan talaga, walang pinipiling oras" saad ni Gia habang nagtitipa sa kanyang iPad. Nagpabuntong hininga na lamang ako.

Sa totoo lang, ganoong kaming lahat dito sa langit. Sa una hindi namin matanggap pero kalaunay nasanay rin kami. Hindi madali pero kailangang tanggapin.

Dito sa langit lahat moderno. Ang mga suot ay pormal. May hologram rin na kung saan nakikita namin lahat ng mga taong nakatakda ng mamatay. Sa iPad namin lahat nakikita ang pangalan at iba pang impormasyon tungkol sa taong mamamatay na. 'Yung babae kanina nakita ko sa iPad ko, August 20 namatay. Magkaparehas kami. At napalabi ako dahil doon.

"Kari, pinapatawag ka ni Mr. G" sabi ng lalaki kanina. Tumango na lamang ako at sinunod iyon.

Sa pagpasok ko ay nakita ko 'yung babae kaninang nagwala at umiiyak ngayon.  Nagmamakaawa pa rin.

"Please, ibalik niyo ko sa...lupa" nanghihina niyang saad. Naawa ako bigla sa babae. Ganito kaming lahat noon pero hindi ganito kadesperado. Hay, kawawa naman siya.

"Kari, halika rito" sabi ni Mr. G. Yumuko muna ako bago lumapit.

"Pinapatawag niyo raw ho ako" mabait kong saad. Rinig ko pa rin ang hikbi ng babae na ngayo'y isinisinga ang sipon.

Huminga ng malalim si Mr. G bago ito nagsalita.

"You have important mission" seryoso niyang saad. Gulat akong napatingin sa kanya.

"P-Po? A-Ako ho? T-Tama po ba narinig ko? Magkakamission na ako?" Gulat kong saad. Tumango ng isang beses si Mr. G. Agad naman akong nagtatatalon sa tuwa ngunit napatigil rin iyon ng tumikhim si Mr. G.

"Huwag kang masyadong maging masaya dahil hindi ko pa rin nakakalimutan 'yung huli mong misyon" napayuko na lamang ako sa sinabi niya at napapikit. Oo nga naman. Haist!

'Yung misyon ko kasi dati. Dapat bigyan ko pa ng pagkakataong mabuhay ang isang kriminal na nakapatay ng butiki. Eh, hindi ko nakayanan. Parang ako nga ang gusto niyang patayin kahit patay na ako. Tsaka, kriminal na ba ang pumapatay sa butiki ngayon? Baliw naman kasi si manong, eh. Nilechon ba naman kasi 'yung butiki para sa pusa niya lang tapos nalaman niya na pet pala 'yun ng kapit bahay niya?

Ang weird nga, eh.

Bigla akong napailing sa alaalang iyon.

"Ang misyon mo. Ikaw ang tutulong sa kasintahan ni Magi" napamulat ako sa sinabi ni Mr. G.

"H-Ho? Sa paano pong paraan?" Taka kong saad. Lumingon naman sa akin si Magi na basa pa rin ng luha ang kanyang mga mata at mula na ang ilong.

"Dapat mapaibig mo sa ibang babae ang kasintahan ni Magi"

"So, ang ibig niyo hong sabihin jowa po ni Magi ang magiging misyon ko?" Gulat na saad ko. Napangiwi si Mr. G dahil sa salita ko ngunit tumango naman.

"Tandaan mo, ipaintindi mo sa kasintahan ni Magi ang kahalagahan ng pag-ibig na ibinuhos ni Magi para sa kanya. Siya'y paiibigin mo sa isang babae. Hanapin mo ang karapatdapat para sa kanya at ipaalam mo na ang mithiin ni Magi ay hindi lamang nagtatapos sa kaligayahang nakalaan sa kanila dalawa, kundi, mithiin rin ni Magi na maging maligaya siya sa piling ng iba dahil hindi sila nakatadhana. Tandaan mo, ikaw ay hindi pwedeng umibig sa kanya at siya ay hindi dapat umibig sayo. At gagawin mo lamang ang misyon na ito sa dalawampu'ng araw. Hindi dapat lumampas dahil kung oo, ang kainitan at dagat na apoy ang lalamon sa iyo. This is special mission. Tandaan mo 'yan"

Napalunok ako sa kaba dahil sa huling binanggit ni Mr. G

Ngayon, parang gusto ko ng magback-out

Tumango na lamang ako bilang pagsang-ayon at pilit na ngumiti pero ngumiwi. Hay....

20 Days of ExistenceWhere stories live. Discover now