"Pwede umupo?"

She chuckled. "Why not? Di naman akin 'tong school para pagbawalan ka."

I slightly smiled and nodded."Thanks."

Binaba ko ang bag ko sa arm chair at bahagyang inusod iyon palayo sa kanya dahil masyado iyong nakadikit sa upuan niya. Kapag ganon kasi ay feeling ko, ang sikip-sikip.

"I'm Cathy!" pakilala niya at abot ng kamay saakin.

Sinulyapan ko ang kanyang cellphone na pinagkaabalahan niya kanina. Nakapatong na lang iyon sa armrest niya ngayon. I can see that it's in the messenger app and she's still not done replying to someone. Pero nagpapakilala na siya agad saakin. Mukhang masyadong friendly ito...

As a courtesy, I accepted her hand.

"Chrysanthe..." pakilala ko.

Her doe eyes widen and her mouth circled.

"Omg!" she squealed. Nagulat ako doon. May iba pang napatingin sa direksyon namin dahil sa kanya. "Parehas tayong C! We're meant to be!"

Natulala ako. Huh?

"Friends na tayo ah!"

Kumunot ang noo ko. I promised Rash and Theo that I will try my best to have at least a company. Hindi ko alam na sa ilang minutong pagtapak ko dito sa room ay may magpe-presinta na agad?

Pilit akong ngumiti sa kanya.

"You can call me Santh, though."

"Oh! Hi ulit, Santh! Wala akong masyadong kilala dito kasi yung bestfriend ko nasa ibang section! Sorry medyo FC pero-"

Nanliit ang mata ko at hindi na nasundan ang iba niyang sinabi dahil sa bilis niya sa pagsasalita. But wow, parehas pala kaming nahiwalay sa mga kaibigan namin.

I'm actually not familiar with her. Well, imposible namang maging pamilyar ako sa lahat ng tao dito sa SAU pero dahil ka-department ko siya, siguro naman mas lumaki yung chance no? But no... pakiramdam ko ay ngayon ko lang siya nakita.

"Bago ka ba dito?"

Natigil siya sa pagsasalita noong nagtanong ako. We're on the way to the Cafeteria because our professor didn't arrive after 20 minutes.

Now, I'm with Cathy. Pinanindigan niya nang new friend ko siya kaya. Hindi naman ako umangal at sumama na lang.

"Wow, first question mo 'yan!"

Kanina pa kasi ako nakikinig lang sa mga kwento niya. Ewan ko ba, lahat ata ng bagay ay kinasasaya niya. I found it entertaining. Mukhang hindi naman masama kung siya ang makakasama ko sa huling semester...

"Hindi naman exactly bago, nagtransfer ako nung third year." kwento niya.

I nodded. Then, compared to me who spent my high school 'til college here, she's relatively new.

"Ikaw ba?" she asked. "Ngayon lang kita nakita!"

I smiled a little. "Since high school."

"Wow! Ang loyal!"

"Di naman..."

She sighed while looking at me. Medyo naawkwardan ako dahil hindi ko mahulaan kung ano iyong binibigay niyang tingin saakin. There was pity, amusement, softness... I don't know. Hindi ko nga alam kung tama ba ang nakikita ko.

"Grabe... parang ang demure mo naman masyado! Na-iingayan ka ba sakin? Sorry ha!"

My jaw dropped and my eyes widen. Hindi ko napigilan ang sarili ko na tumawa. This girl is funny! Kung maririnig ng mga kaibigan ko ang sinabi niya ay baka magpahanda sila na parang fiesta. Baka magulat din siya kapag narinig ang mga mura ko.

Every Step AwayWhere stories live. Discover now