Sa Susunod na Habangbuhay (Poch)

1 0 0
                                    

POV:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

POV:

Poch is now calling you.

Agad mong sinagot 'yon. Siyempre, sa kasikatan nila bihira na lang makatawag best friend mo.

"Poch!" excited mong sabi
"Hi!" sabi niya habang nakangiti
"Ano pinapakinggan mo?" tanong niya dahil kumakanta ka
"Ah wala." sabi mo.

Hindi ka masyadong mahilig magpakita ng support, kaya hindi niya alam na fan ka ng banda nila.

"Nako hindi mo 'ko matatakasan, alam ko 'yon!" pang-aasar ni Poch
"Hindi kasi!" sabi mo
"Sa susunod na habangbuhay 'yan 'no?" natatawang tanong ni Poch
"Oo na, oo na, BB ako." sabi mo
"Sabi ko na eh!" masayang sabi niya.

Bata pa lang kayong dalawa, gusto mo na siya. Sa bagay, halos magkasama kayo eh, kinakapatid na ang isa't isa hanggang sa isang araw, parang iba na nararamdaman mo kapag nakikita mo siya.

Wala ka pang balak na umamin, sa ibang time na lang siguro. Mahirap tumantsa.

"Kamusta na si Tita?" tanong niya
"Ayon natutulog si Mama, katutulong lang, 'wag mo na ipagising sa'kin." sabi mo naman
"Malamang hindi, pademanda ka pa n'on." sabi niya at tumawa kayong dalawa.

"Bunso!" tawag ng kapatid mo
"Po?" tanong mo
"May bibili ng yelo!" sabi ng kapatid mo habang napadaan siya sa computer mo
"Si Poch ba 'yan?" tanong niya

"Hi ate!" sabi ni Poch at kumaway
"Grabe ang laki mo na!" pagpuri ng ate mo
"Palibhasa kasi, pandak kapatid ko eh." sabi pa niya

"Hoy! Ang sama mo!" sigaw mo.

Binigay mo 'yong yelo sa bumili at bumalik.

"Wawa naman!" pang-aasar pa niya
"Kapag ako talaga tumangkad, humanda ka sa'kin Poch." pagbabanta mo
"As if magiging totoo 'yan." pang-aasar pa niya
"Buwisit ka!" sabi mo kahit natatawa ka nang kaunti.

Baka hindi pa panahon ngayon, napatingin ka kay Poch na nakangiti pa rin habang kausap ka.

At kahit nabago man ang oras, ang puso ma'y nabutas
Ikaw pa rin sa susunod na habangbuhay, hay, hay.

Ikaw pa rin ang pipiliin kong mahalin
Sa susunod na habangbuhay.

"Bye na nga! 'Di mo na ako kinakausap!" pagiinarte ni Poch
"Wow, 'di daw kinakausap, ikaw nga 'tong ilang taon na noong huli tayong nag-usap eh!" sabi mo at nag-end call na.

Hindi pa nga talaga panahon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 14, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ben&Ben Fan FictionsWhere stories live. Discover now