Pagtingin (Jam)

13 0 0
                                    

Pagtingin (Jam)

Pagtingin (Jam)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

POV:

Nasa isang gig ka ng Ben&Ben, of course para sa bestfriend mo, the one and only Jam Villanueva.

Hindi ka masyadong mahilig na pumunta sa mga gigs or social gatherings pero para sa bestfriend mo, na crush mo din.

Sa buong gig nila, nandoon ka lang sa iisang sulok, nag-iisip isip kung panahon na para umamin. Papalapit ka na sa kaniya na nakikipag-usap sa kabanda niya, si Keifer, na naging kaibigan mo na din.

"Aamin ka na ba?" biglang tanong ni Poch at nagpakita sa tabi mo
"Kagulat ka naman!" sabi mo at nahampas nang pabiro si Poch
"Haha, pero seryoso, kailan ka aamin?" tanong niya muli
"Hindi ko pa masyadong alam eh." sagot mo habang nakatingin kay Jam na nakikipag-usap pa din kay Keifer
"Malay mo gusto ka din niya." sabi ni Poch
"Malay mo 'di niya ako gusto, mawala pa 'tong pagkakaibigan namin." depensa mo
"Okay na'ng magrisk, kaysa naman na habangbuhay ka na lang sa magtatago sa dilim." sabi niya
"Ano 'to? Pagtingin to Kathang Isip?" pagbibiro mo
"Maybe." natatawang sabi ni Poch saka nagkibit balikat.

Umalis din siya at pumunta na sa stage. Ngumiti nang malawak si Jam sa'yo bago nila tugtugin ang "Pagtingin".

"Kaya mo 'yan." bulong mo.

Nag-thumbs up siya at tumugtog na.

Nakangiti niya 'yong tinugtog, halatang passionate sa ginagawa niya, isa 'yan sa mga nagustuhan mo sa kaniya.

Tila alam ng banda na balak mo na umamin ka kay Jam kaya siguro tinugtog nila 'yon.

Maraming nahiyawan habang tumutugtog sila, habang ikaw, nakatingin lang kay Jam.

Nangiti ka nang tumingin din siya sa'yo at ngumiti. Nagulat kayong lahat nang makita niyong natigil siya sa pagtugtog.

Iibig lang kapag handa na
Hindi na lang kung trip-trip lang naman.

Iibig lang kapag handa na,
Hindi na lang kung trip trip lang naman.

'Pag nilahad ang damdamin
Sana 'di magbago pagtingin.

"Uy," nahihiya niyang sabi habang bumaba ng stage
"Ba-Bakit?" utal mo
"Ayos lang sa akin na hindi mo ako gusto," panimula niya
"Huh?" ang tanging nasabi mo, litong-lito ka sa nangyayari ngayon
"It maybe not worth the risk, but I'm willing to take it, you will always be my favorite risk that I'm willing to take. Sana hindi magbago pagtingin mo sa'kin, gusto kita, matagal na." sabi ni Jam.

Naramdaman mong uminit ang pisngi mo, aamin ka na sana kaso naunahan ka na ni Jam.

"Gusto din kita." sabi mo at niyakap siya at natapos ang kanta.

Biglang pumunta si Poch sa inyo at binulong, "Told you it would be worth the risk."

Ben&Ben Fan FictionsWhere stories live. Discover now