//One: Busy As Bee

7 1 0
                                        





"Hey, Summy! Anong klaseng bag 'yan?" Val asked me with her bitchy tone. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa, parang nandidiri pa habang ang tingin ay nakapako sa aking mukha.

Inismiran ko siya at inilapit ang mukha sa kanya. I make-face in front of her. Ini-inis ang babaetang maarte.

"Ugh, nakakadiri ka!" Na pa sigaw na lang siya sa inis at madaliang kumuha ng salamin at idinuldol sa mukha ko. "Look, anong klaseng bag 'yan? Hey Summer , 'Wag ka naman sanang maging Pabaya sa sarili mo. That bags don't look natural, luggage na 'yan beh. Para kang isang malaking eye bags na nagkatawang tao!" Ibinigay niya sa akin ang salamin at pinulbohan niya ako. Aww, concern nany.

"Thanks for the concern Val, but I have to finish my thesis before the deadline." I said in a tired voice. Humikab pa ako sa Harap niya, Tinignan niya ako  and all she can do was to sigh.

"So, yeah, no one can really stop that burning Passion." She said in defeat.

We continued to walk and she handed me a coupon from their restaurant. Giving me a sly smile that gives chills on my spine. "Girls night out? What do you think?"

Alam kong mayroon na naman 'tong kalukohan na naiisip. "Sorry, Val pass muna ako. Alam mo na, marami pa akong gagawin."

I am very sorry to reject her invitation. Hindi na kasi kami masyadong nagkakasama because of our hectic schedules tapos ngayon hindi pa ako sasama.

"Hey, girl! You should enjoy life. Huwag puro trabaho. Sayang, opening kasi ng pangalawang branch ng resto ni daddy, eh." She said while smiling but there is a hint of dismay on her face.

"Sorry talaga Val, but I need to earn money for my studies."

Silence. She didn't respond. I know she's disappointed with me. Ganito na lang kasi palagi ang eksena. We continued walking, magkatabi lang kasi ang Architecture at culinary building.

A flicker of hope is visible from her gorgeous face. She keeps on nodding as if agreeing to the bright idea on her mind.

"What if you'll work in our resto? I'll tell dad to hire you, total, kulang pa naman ang staffs namin," she said with a hopeful smile.

"Talaga?!" Shocked.

"Ahuh!"

Out of reflexes, I hugged her because of too much happiness. Hindi niya alam kung gaano ako ka saya ngayon. Andami niya ng naitulong sa akin.

"Thank you Val!!! You're the best!!!" I felt her arms hugged me also, "you didn't know how grateful I am because I met you!"

"Basta, pumunta ka mamaya ha? Sasama din sila Tricia mamaya," she said whispering to my ear. "Sige, kitakits mamaya! Miss ko na ang dabarkads." We parted ways to go to our respective classes.

Huminto ako sa paglalakad at sumilip sa pasilyong dinaanan niya, "Valerie," I shouted. Napa hinto siya sa paglalakad and gave me a questioning look. She's back to her bitch self.

"Thank you!" I chuckling mouthed at her. She just rolled her eyes and continued walking.

Pagdating ko sa classroom ay wala pang professor at nagkakagulo ang ilan sa mga classmates ko, 'yong iba ay busy sa pagtingin ng notes. Masyado pa pala akong maaga para sa second class ko.

"Salamat at nandito ka na Summer!" Said a baritone voice from my back. He then put his arms on my shoulders. I just rolled my eyes heavenwards and went poker-faced. Na-pa-buga nalang ako sa hangin at tinanggal ang kaniyang braso sa balikat ko.

Tumambad ang nakangising mukha ni Louie habang mayroong nginunguyang gum sa bibig. Tinaas ko ang bookbind sa kaliwa kong kamay upang makita niya ito. Akmang kukunin niya ito ngunit agad ko siyang pinigilan.

"Money down," nakangising saad ko at in-ilahad ko ang aking mga kamay.

Napakamot siya sa kanyang ulo at tinignnan ang kanyang mga ka-grupo ng masama, in-abot rin niya sa akin ang isang libo sa kamay ko.

"Hoy, mga dumbell! Ambag niyo!" Preskong lumapit sa akin si Jonas at ibinigay sa akin ang isang libo rin saka ako kinindatan. Tsk. Nagkakamot ng ulong ibinigay ni Tristan ang isang libo sa akin, tila nahihiya.

3k, perfect! Ibinigay ko na rin ang thesis nila. I know it's wrong but I need to, barya lang naman ito sa kanila. Isa pa, hindi rin naman sila gagawa ng thesis kasi busy sila sa kung ano-ano.

"Thanks!" Nakangiti kong sabi at pinitik ang perang kanilang ibinayad na parang galing sa banko dahil sa kabagohan. Dumating na rin ang professor namin at umupo na ako sa puwesto ko.

***

6:45 p.m.

15 minutes left before 7:00 p.m.  Tapos ko na ang mga gawaing bahay, ang sarili ko nalang kulang upang makapunta sa opening ng resto nila Valerie. Madalian akong nagbihis at umalis.

"Sen-sen, alis muna ako, magluto ka nalang ng ulam tapos na akong mag-saing," sigaw ko sa kapatid kong halos halikan na ang cellphone sa kakatutok.

Lakad-takbo ang ginawa ko upang mas mapabilis na makarating sa Highway upang pumara ng Jeep. Madilim na ang paligid ngunit kita ko pa rin ang daanan kahit na sira na ang street light dahil sa mga kulay dilaw na ilaw na tila mga Alitap-tap sa dilim dahil sa dikit-dikit na mga bahay.

Sa wakas!
Nakarating na rin ako sa Highway at umupo sa waiting shed upang maghintay ng Jeep. 6:58 p.m. napabuntong hininga nalang ako nang simulyap ako sa aking cellphone. Mukhang ma-le-late ako. Ma-le-late talaga ako. Napa-buntong hininga nalang ulit ako at sumulyap-sulyap sa daan. Nahagip ng paningin ko ang isang lalaking nakatayo malapit sa street light habang ang kamay ay nakabulsa sa loob ng kaniyang jacket.
Hindi ko nalamang ito pinagtuunan
ng pansin at naghintay ulit ng Jeep.

7:04 p.m.
Sulyap ko ulit sa oras nang makasakay na ako ng Jeep. Puro nalang pag buga ng hangin ang ginawa ko sa buong araw na'to. Haaays. Napatingin ako sa loob ng Jeep, ang daming sakay, sobra pa sa capacity seat nito. Halos hindi na nga ako makahinga dahil sa sikip at halo-halong amoy ng mga pasahero. Pero okay lang. Ganito ang buhay.

Napatingin nalang ako sa bintana upang lumanghap ng hangin. Average people, average life. Alive to survive. Kung ang buhay ay isang game, siguro, nasa survival mode ang akin. Pinasadahan ko ulit ng tingin ang mga pasahero, pati na rin siguro sila. Pero sa kabila ng lahat, pagkatapos ng buong araw na paghahanap-buhay, heto sila masayang nagku-kwentuhan patungo sa kani-kanilang destinasyon.

Pumara na ako nang makita ang resto nila Valerie. Bababa na sana ako nang mayroong naunang bumaba sa akin, Hindi ko man lang napansin na kasama ko Lang pala sa isang Jeep ang lalaking nakatayo kanina. Bumaba na ako pagkatapos niya maka-alis.

7:12 p.m.
Summy? Sa'n ka na?

Nag message pala sa akin si Valerie. Hindi ko na ito ni-reply-an at pumasok na sa resto nila.

END OF CHAPTER.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 11, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Rainy Summer Where stories live. Discover now