Chapter One

11 2 0
                                    

05/13/20
Ordinary Days with Beast.

"Ruin! Baby! Goodmorning!"

Awtomatikong nagsalubong ang mga kilay ko ng may sumigaw ng malakas sa pangalan ko.
Umalingawngaw yun sa buong kwarto, na sa palagay ko ay pwedeng  umabot yun sa kabilang building.

Mabilis nakuha ng babae ang atensyon ng lahat. Nagsimulang nagtawanan ang mga tao. Yung iba halatang kilig na kilig sa narinig na akala mo nanonood ng paborito nilang kdrama. Yung iba naman tahimik na nanood na parang sanay na sila sa ganitong eksena araw araw.

Kung minamalas ka nga naman, naiwan ko pa yung earphones na magsisilbi sanang panangga sa mga nakakairitang ingay.

Huminga ako ng malalim at nagkunwaring walang narinig.

Napatili ang mga babae pati narin ang mga lalaki ng pumasok ang isang babae na nakakakain ng battery sa sobrang taas mg energy. Patalon talon siyang lumapit sakin.

Naningkit ang mga mata ko habang nakatingin sa ibang direksyon.
Ano bang kasalanang nagawa ko at bakit nangyari sakin to?
Di ako popular sa mga tao. Tahimik lang ako at di nakikipag away.
Seryoso sa pag aaral at di masyadong nakikihalubilo sa iba.

Kaya bakit at paano ako napansin ng babaeng ito?

Naglabas nalang ako ng libro at binasa yun ng tahimik.

"Huy Baby Ruin, Di mo ba ako narinig?"

Hindi ko parin siya pinansin. Tuluyang masisira ang umaga ko kapag pinatulan ko ang pagkaisip bata niya.

Tumayo lahat ng balahibo ko ng naramdaman ko ang hangin na umihip sa tenga ko

"Sabi ko mahal kita. Ayan narinig mo na?"

Mabilis akong napaatras dahil talaga naman nakakapanindig balahibo ang babaeng to sa tuwing sinasabi niya ang mga walang kwentang bagay.
Mas lalo akong nairita ng makita ang malaki niyang ngiti sa labi.

"Tsk! Too close! Sino may sabe sayo na lumapit ka sakin? Nakakairita ka–"

Tsk! Sa pagkabigla ko nakalimutan ko na ayaw ko nga pala siyang kausapin.

Tinulak ko ang mukha niya papalayo sakin at baka makalimutan ko na babae to.

Muntik pa siyang matumba sa pagkabigla pero buti nalang nakabalanse agad ang mga paa nito at masaya ulit na tumalon talon.
Para siyang siraulong unggoy na inagawan ng saging.

Animal.

"Yown! Nakita niyo yun? Huh! He talked to me, bitches. He even touch me!"

She lick her lips like there's something on it.

Napaawang ang labi ko sa inasal niya.

Pinunasan ko ang parte ng kamay ko na dumikit sa mukha niya sa pantalon na suot ko.

"Manyak"

Hindi siya nagpatinag sa lait ko. Kahit anong pagtataboy ko sa kaniya, hinding hindi siya nakikinig sakin. Hinawakan pa niya ang kaniyang mukha at tuwang tuwa nakipagusap sa mga kaklase ko

"Ok lang baby Ruin kahit tawagin mo akong manyak.."

Tumunog ang bell sa buong building na kinatuwa ko ng husto. Oras na para mag aral. Oras na para umalis ang babaeng umiikot ikot parang trumpong baliw na sumasayaw.

Tumigil siya ng saglit saka niya ako tinitigan ng maiigi na nagbigay sakin ng nakakakilabot na sensasyon.

Did she just give me a grin?

"Dahil ikaw lang ang hahawakan ng maniyak pero mapagmahal kong mga mga balat"

Naghiyawan ang mga kaklase ko.
Pero ako napatang-ina nalang sa sobrang corny at waley na pick up line na binitawan niya bago siya lumabas ng kwarto.

Oh heavens above! Bakit niyo pinahintulan na masira ang highschool life ko ng ganito?

Ruin 'n the BeastWhere stories live. Discover now