I FIND MY TRUELOVE IN CHAT

1 0 0
                                    

"Maari ka bang maisayaw"..nalunok ko ang aking laway. Dahil pamilyar ang boses niya. Nilahad niya ang kaniyang kamay at agad ko naman itong binigay. Hinawakan ng isang kamay niya ang aking bewang at ang isa niyang kamay naman ay nasa aking kamay. Ang aking kamay naman na isa ay nasa kaniyang braso. Nagsimula kaming sumayaw. Ang aming mga mata ay nagtama at parang nag-uusap lang.

"Happy birthday Ms. Sungit"...napalunok ako ng sunod-sunod. Dahil alam ko na kung sino ngayon ang nasa harap ko.

"A-Axcel?"..gulat kong tanong sa kaniya.

"Ako nga."..tumawa siya. Ang cute ng ngiti niya. "Sabi ko sayo hindi ako poser"..payabang niya.

"Eh bakit kasi puro Astronote yung lahat ng photos mo?"...tanong ko.

"Bakit ayaw mo ba. Na sayo lang ako"..seryusong sabi niya.nakaramdam ako ng kilig sa sinabi niya. Hindi matanggal ang kaniyang ngiti sa kaniyang mukha kaya ako ay nahahawa. Alam niya  ba na may gusto ako sa kaniya kasi marunong siyang manghula.

"Baliw haha ka talaga"..hindi matanggal ang aking pagtitig sa kaniya at ganun din siya. Natapos ang aming sayaw. At nagsimula ng kumain. Pumunta kaming dalawa sa mga kaibigan ko.

"Happy birthday Icah ang ganda mo. At bagay kayo ni kuya"...si clave kinikilig niyang sabi.

"Ou nga ang cute-cute niyong tignan kanina. Happy birthday".. si kat biro pa niya.

"Thank you"..sabi ko umupo kami sa tabi nila. Katabi ko sa kaliwa si axcel at katabi ko naman sa kanan si clave. Nagsimula kming kumain pagkatapos ay inalok ako ni axcel na mag usap. Pumunta kami sa kabilang swimming pool na makikita dito ang dagat.

"Totoo bang manghuhula ka?"..nawasak ko ang katahimikan namin kasi naglalakad lang kami na walang nagsasalita kaya inunahan ko na.

"Yun hahah. Biro ko lang yun"..ang cute niya talaga'ng tumawa.

"Biro?"...

"Ou. Kinikwento ka kasi ni clave sakin. Pero bago niya na e kwento yun. Kilala na kita."..

"Kaya pala. may nasabi ba sayo si clave?"..sana wala maboboking ako.

"Meron."..

"Anu yung sinabi niya?"..sabik kong tanong.

"Na"...tinignan niya ako.

"Na anu?"..tanong ko.

"Na may gusto ka sakin"..what the clave wala na alam niya na pala. Iniwas ko ang aking paningin sa kaniya at tinignan nalang ang dagat.

Tumawa siya ng mahina"pero hindi mo naitanong!"..tumingin ako sa kaniya kahit nahihiya.
"Na may gusto ako sayo"...kinilig ang aking bou kung katawan sa sinabi niya. Oh my gosh. GUSTO NIYA RIN AKO. Sure na sure? Pinahalata ko sa kaniya na hindi ako kinilig. Grabe ang ibang lalaki nga ang hirap paaminin pero ang isang to. Wala na talo na yung mga lalaki pag mag-aminan na. At alam kong mananalo si axcel ko.

"Sinabi niya talaga yun sayo?"..tanong ko.

"Ou."..hinawakan niya ang aking kamay. Kahit nanginginig. Hinawakan niya ang aking pisnge. Ramdam ko ang init ng kaniyang palad sa aking pisnge hindi ako makagalaw sa sitwasyon ko ngayon. Kinikilig ako promise.

"You look so beautiful My Baby sungit"..lumuhod siya sa harap ko. Habang hawak ang kanan kong kamay.
"Can i court you icah Vielle Yhumie lachica?"... seryusong sab niya kaya hindi ko na pinatagal pa.

"Yes!"..ngiting sabi ko. Nagyakapan kami dalawa at rinig ko ang tibok ng kaniyang puso ganun din ako. Hindi ko ma paliwanag ng maayos ang aking nararamadaman dahil akala ko. Pag nag mahal ka iiwan karin sa huli. Pero nag kamali ako. Ngayon napatunay sa akin. Na maganda ang umiibig. Masarap pala mag mahal lalo na't mahal karin ng iyong taong mahal.


-END-

I FIND MY TRUE LOVE IN CHAT Where stories live. Discover now